Sana

17.2K 536 64
                                    

20

20

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hindi naglipat araw ay agad sumabog ang balita tungkol sa breakdown ko habang nagrerecord para sa aming album. Isang video ang nagviral sa internet ng aking pag iyak at pagdalo ni Noah sa akin. Many have speculated already about what happened. Puros mga hula pa lamang ang naririnig ko dahil wala pa ni isa sa amin ni Noah ang nagpapainterview tungkol roon.

Patuloy ako sa pagsoscroll sa aking iPad. Latang lata akong tinitingnan ang bawat artikulo tungkol sa nangyari kanina.Nanlulumo kong nilapag ang iPad sa aking hita bago ko nilingon si Kute na nasa gilid at kausap ang mga makukulit na reporters sa telepono.

"Hindi. Wala, walang presscon. Bakit kailangan ng presscon?" medyo mataas ang boses na niyang sabi. Hinilot ng kapatid ko ang kanyang sentido bago ako nilingon.

"She's just sick, Arnel. Nangyayari sa mga singers iyon, hindi ba ninyo alam? Bakit kailangan magpainterview ng kapatid ko?"

"Kute..." mahinahon kong tawag sa aking kapatid. Tumayo na ako at lumapit sa kanya pero itinaas lamang niya ang palad, pinapatigil ako mula sa aking pagsasalita.

"She's under too much pressure right now, Arnel," sabi niya sabay hinto. Kumunot ang noo ng aking kapatid bago ako tiningnan.

"Ano? No way! Hindi sila magkakilala ni Noah Festines! Not that way! Tsismis 'yan!" sigaw ni Kute sa kausap sa phone. Kunot noo ko siyang tiningnan habang siya ay namumutla naman.

"Tsismis nga kasi sabi 'yan! Hindi magpapainterview si Aria tungkol 'dyan dahil di naman totoo!" iritadong sabi ni Kute. Lumapit na ako sa kanya habang siya ay gigil na pinapatay ang tawag.

"May problema ba, Kute?" anas ko. Umupo si Kute sa beanbag. Bumubuka pa lang ang bibig niya ay tumunog muli ang kanyang cellphone. Mabilis niya iyong pinatay bago ako binalingan.

"Aryang, nagkakagulo na ang mga fans mo," panimula niya. Tumango ako bago ko naalala iyong mga litrato kong nagkalat na sa internet na umiiyak pagkatapos ng recording.

"Kute..."

"May mga nakapangalkal ng tungkol sa nakaraan mo at ni Noah...nalaman nila na..." hindi niya matapos tapos ang sasabihin. Ramdam ko ang pagtakas ng kulay sa aking mukha habang pinapakinggan siya sa kanyang sinasabi.

"Wala pa silang buong kwento tungkol sa inyo ni Noah. Puro mga kwento pa lang ng mga nakakakilala sa inyo noon. Huwag kang mag-alala, gagawa ako ng paraan para hindi sumabog ang balita, Aria," pangako niya. Napaupo ako sa sahig habang iniisip ang nalaman.

Hindi ko akalain na makakaya pa pala akong balikan ng nakaraan namin ni Noah sa ganitong paraan. Umalis ako sa Siargao para takasan lahat ng alaala namin kaya bakit ganito? Bakit hinahabol na naman ako ng sakit? Kailan ba ito titigil?

Napapikit ako sa panghihina. Bakit kung ano pa ang tinatakbuhan ko ay iyon pa ang paulit ulit na hahabol sa akin? Hindi ba pwedeng hayaan na lang ako ng nakaraan na sumaya na ng tuluyan?

Hundred Days - LEGACY #8Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon