She's Not You

16.4K 567 150
                                    

8


NOAH


And damn it. My heart stopped beating once again when I saw Illea, standing in front of me, her curls being blown wildly by the air. She bit her lower lip before smiling at me.


"K-kamusta ka na?"


Napapikit ako. Shit. Shit baby. Damn it. Tangina, yun pa lang sinabi niya bumabalik na naman ako. Dalawang salita lang pero ang buong lakas na binuhos ko para makawala sa kanya ay nasira.


Huminga ako ng malalim para mapuno ng hangin ang dibdib ko. Humakbang ako palapit kay Illea noong bigla akong nakarinig ng mga yapak sa aking likuran.


"Pakshet!"


Hinarap ko ang tumawag na iyon. Tumatakbong lumapit sa amin si Aria, iyong pula na naman niyang bandana ay mahigpit na nakatali sa tuwid na tuwid niyang buhok. Tumabi siya sa akin at kumapit sa aking braso bago nilingon si Illea.


Kitang kita ko kung paano bumaba ang mga mata ni Illea sa kamay ni Aria na nasa braso ko. Nag iwas siya ng tingin bago lumunok.


Fuck it. Fuck this!


"Illea..si Aria pala—" pakilala ko. Bumitaw si Aria sa akin bago tinitigan si Illea


"Illea? Illea Yturralde?" manghang sabi ni Aria. Iyong mata niya ay nanlalaki pa.


"Ikaw si Illea ng Legacy?" tili niya. Humarap sa akin si Aria habang nakaturo kay Illea.


"Pakshet, idol ko yan!" impit niyang sabi. Hilaw akong ngumiti bago ko nilingon si Illea na nakatingin lamang kay Aria. Lumapit si Aria sa kanya at bahagya pang tumingala si Illea.


"Hello. I'm Illea? You are?" nanginginig ang boses na tanong ni Ea kay Aria. Lumawak ang ngiti ni Aria bago kinuha ang kamay ni Illea na nakalahad.


"Shet, ang lambot ng hands mo! Anong lotion mo idol?"


Nilingon ako ni Illea. "Uh.."


"Ang pretty mo talaga!" dagdag pa ni Aria bago hinaplos iyong kulot kulot na dulo ng buhok ni Illea. Nilingon ako ni Aria bago ngumiti sa akin.


Bahagyang kumunot ang noo ko noong makita ko iyong parang luha sa mata niya noong nilingon niya ako. Pero kagyat lang iyon bago bumalik iyong masayahin niyang mukha.


"Salamat. Maganda ka rin." Sagot ni Illea. Nilingon niya ako muli bago binalingan si Aria.


"Mauuna na ako. May imemeet pa kasi ako. Baka malate ako." paalam niya bago tumalikod na ulit. Pinanood ko lamang makalayo si Illea hanggang sa pagbuksan siya ng kanyang driver ng kotse.

Hundred Days - LEGACY #8Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon