Gig

21.6K 860 151
                                    

14



Masama ang tingin ko kay Noah na nilalagyan ng tanning oil ang katawan. His toned body is revealed for everyone to see dahil sa shooting namin ngayon. He was just wearing old faded ripped jeans that hung low on his waist and a pair of black and white striped rubber shoes. Iyong buhok niya ay sinadyang ginulo na para bang kagigising pa lang niya. Kumikinang iyong black diamond niyang hikaw habang mayabang ang ngisi na nakatingin sa akin.


"Ang gwapo niya, noh?" kinikilig na sabi ni Andeng habang kinukulutan ako. Ngumuso lang ako at itinaas ang braso para maiayos iyong pagkakatuck in ng puti kong navy's na shirt sa maong kong shorts.


Sus, gwapo. Oo gwapo yan. Pero sa lahat ng gwapo, si Noah rin ang pinakamalaking pakshet sa buhay ko. Aanhin ko ang gwapo kung pakboy naman? Duh.


Isa pa, natuto na ako. Magmula noong araw na iyon, noong iniwan niya ako para kay Illea, ay pinaniwala ko na ang sarili kong wala talagang kami ni Noah. Kumbaga sa exam, ako iyong sagot na kahit kailan hindi masasagot ang tanong na pangalan ay Noah.


We're sooo not meant to be. End of point.


Pinanood ko lang iyong bawat kalabit ng photographer sa kamera niya habang si Noah ay malandi namang nagpopose. Itinaas niya iyong isa niyang kilay habang iyong isang kamay niya ay hawak ang bola ng basket ball sa ibabaw ng kanyang ulo. Sa ginawa niya ay mas nadepina kung gaano kalaki ang braso niya. Kitang kita ko iyong ugat sa braso niya na nangaakit sa kahit na kaninong mata na nakatingin sa kanya ngayon.


Damn Noah Festines.


"Last frame na para sa solo shots tapos next tayo kay Aria," paliwanag noong photographer. Tumayo na ako at lumapit na para kung tawagin man ako ay mabilis na.


"Noah, your hottest look," anas ng photographer. Ngumisi si Noah at nilabas ang dila niya at pinadaan sa kanyang hinlalaki, iyong mata niya ay para talagang nakakapang init ang tingin.


Umikot ang mata ko habang si Andeng ay napapakagat na sa hairbrush. Ilang beses pang kinuhanan si Noah bago natapos ang photographer.


"Aria, pasok na," aniya. Naglakad ako sa Noah na hindi man lang nag atubiling itago ang ngisi.


Excited ang loko!


Lumapit ako kay Noah at nakasunod naman sa amin ang photographer. Pinabaling niya ang leeg ko pakaliwa at sumiksik naman si Noah roon. Iyong kamay niya ay nasa beywang ko habang iyong kamay ko ay nakakapit sa kanyang braso.


Abot abot langit na yata iyong kalabog ng puso ko habang nakadikit sa dibdib ni Noah. Naramdaman ko ang ngisi niya at nilingon ko siya. Tumaas ang labi niya at halos malunok ko ang dila ko sa kaba.


"You're blushing Spongebob."


Nag iwas ako ng tingin. "I-I'm..not."

Hundred Days - LEGACY #8Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon