21
Hindi matigil ang iyak ko habang sakay ng ambulansya. Noah was unconscious and still bleeding. Patuloy lamang sa pagtulo ang luha ko habang hawak ko ng mariin ang kamay niya.
"Kuya, matagal pa b-ba?" tanong ko doon sa paramedic na umaalalay sa amin. Bakas na sa mukha ko ang pag iyak at takot para kay Noah.
"Malapit na po, Miss Aria," sagot nito. Tumango lamang ako at muling tiningnan si Noah. Ramdam ko ang panginginig ng ibabang labi ko habang hinihintay ang pagdating namin sa ospital.
The drive was a blur to me. Ang tanging malinaw lang sa akin noong panahon na iyon ay ang kamay kong mahigpit ang kapit sa palad ni Noah. My paper white skin contrasted the bloody tan of Noah Festines. Nabahiran na rin ako ng kaunting dugo at mas lalo lamang naging aktibo ang takot ko dahil roon.
Hindi pa ako natakot ng ganito. For the past 24 years of my life, I have never experienced such mind numbing fear as this. Natatakot ako na baka mapahamak siya. Natatakot akong baka may mangyari sa kanya na hindi maganda. Na kahit ilang beses na akong nadurog ng dahil sa kanya, paulit ulit pa rin akong babalik dahil hanggang ngayon, ako pa rin iyong dalagang nakilala niya sa dagat.
Mabilis ang naging pangyayari. Agad dinala si Noah sa emergency room para gamutin. Ako naman ay nanatili sa labas para maghintay ng balita. Mayamaya lamang ay nagkaroon ng ingay sa labas. Doon ay napansin ko ang pagdating ni Greg Festines kasama ang asawa nito. Sa likuran nila ay inaawat ng mga gwardya ang press na nagtipon sa harapan ng ospital.
"Where's my son?" salubong ni Greg Festines sa isang nurse na naroon. Nilampasan naman siya ng kanyang asawa at agad na naglakad sa buong hallway, nagtatangkang mahanap si Noah.
"Greg..." her voice shook. Lumapit sa kanya ang asawa at agad itong dinaluhan. Greg pulled his wife towards his chest before kissing the top of her head.
"He'll be alright, Lans. I promised, he'll be alright," he said. Niyakap ko ang aking braso habang nakatitig sa magulang niya. Apat na taon na rin magmula noong huli ko silang makita sa dapat ay kasal namin ni Noah. Noong mapansin nila ako sa gilid ay bumitaw si Mrs. Festines sa kanyang asawa.
"Aria, iha," bati niya sa akin. Humakbang ako palapit. Bago pa man ako makapagsalita ay agad na akong kinabig ni Mrs. Festines at niyakap. Sa ginawa niya ay napahagulgol na ako. Iyong takot na pilit kong kinokontrol kanina ay humulagpos ng walang awa. Hinagod nilang dalawa ang aking likod para mapakalma ako.
"S-sorry po..." bulong ko. Tumango si Mrs. Festines at bahagya akong inilayo sa kanya.
"Sssh, please don't cry. My son won't like it," she whispered calmly. Pinunasan niya ang aking luha bago ako inakay sa pinakamalapit na stool roon.
Kinwento ko sa kanila ang buong pangyayari. The couple silently listened as I narrated the whole story in between my sobs. Ngayong binabalikan ko ang nangyari kanina ay muli na naman akong nanginig. Moments before Trey came, I practically pushed him away. Ngayong napahamak siya ay gusto ko ng bawiin lahat ng nasabi ko.
"What's the name of the man, again?" Greg asked in cold fury. Napapikit ako dahil alam kong gagawa ng paraan si Greg para maparusahan si Trey.
"Trey Fortalejo po. He's my bestfriend, Sir."
Kumunot ang noo nito at tiningnan ang asawa na katabi.
"Trey Fortalejo? Iyong boksingero?" he further probed. Tumango akong muli.
"He was Illea's boyfriend, tama ba, Lana? Siya iyong dinala ni Illea sa bahay ni Stanley noong birthday nila Serise," dagdag ni Greg. Nanlamig ang katawan ko sa narinig. Hindi ko alam na may namamagitan pala sa kaibigan ko at kay Illea.
BINABASA MO ANG
Hundred Days - LEGACY #8
General FictionSometimes letting go is less painful than holding on. An addiction can only be cured by withdrawing. Kapag sobra na ay tigilan. Kapag masakit na ay huminto na. Kapag hindi na kaya ay bumitaw na.