9
Ito ang ikasandaang araw namin ni Noah.
Isinabit ni momster sa akin iyong belo bago niya inabot sa akin ang aking bulaklak. Walang ngiti sa mga labi niya. Tahimik lamang niya akong inaayusan habang si kute ay nasa may bintana, nakaupo roon at wala yatang balak na sumama sa aking kasal.
Nilingon ko si Mama na inaayos ang laylayan ng aking damit. Noong dumiretsyo siya ng tayo ay hindi ko na napigilan ang aking bibig.
"Nay naman, suportahan naman po ninyo ako." sabi ko. Magmula noong nagsabi akong magpapakasal ako kay Noah ay hindi na nila ako kinausap. Kahit ang kapatid ko ay galit na galit sa naging desisyon ko.
Pero hindi ako papatinag. Mas pipiliin ko si Noah kaysa sa galit ng pamilya ko. Mahal ko sina Kute at alam kong maiintindihan nila ako. Mapapatawad din nila ako kapag nakita nilang masaya ako kasama si Noah.
"Nay, tatawagan ko lang sina Trey. Sasakyan nila ang gagamitin ni Aria para makarating sa kasal." Sabi ni Kute sabay tayo. Tumango lang si Mama bago kinuha ang suklay at siya naman ang nag ayos.
"Ma.." tawag ko sa kanya. Ibinaba niya ang suklay niya bago matalim ang mga matang hinarap ako. Napayuko na lamang ako at doon ko narinig ang buntong hininga niya.
"Alam mong iniwan tayo ng Itay mo Aria. Ayaw kong mangyari sayo yun. Ayaw kong maiwanan ka dahil ang isang katulad mo ay may karapatang mahalin at maging masaya anak." Aniya. Hinaplos niya ang ilang takas na tirintas sa aking buhok.
"Magiging masaya po ako kay Noah."
Umiling siya. "May mahal siyang iba Aria Helene. Tulad ng Itay mo."
"Ma.."
Hindi na nagsalita si Mama. Bigla na lamang niya akong hinila at niyakap ng mahigpit. Hinaplos niya ang aking likuran at doon ko na naramdaman ang panginginig ng aking balikat.
Wag kang mag-alala Ma. Mamahalin rin po ako ni Noah. Chill your tits po. Magiging masaya rin po ako. Hindi katulad ni Itay si Noah. Mamahalin niya ako pabalik. Hindi niya ako iiwanan sa ere.
Ilang minuto lang ay dumating na si Mayor at si Trey. Nakasuot ng puting barong si Mayor na pinaresan ng itim na pantalon habang si Trey ay simpleng asul na polo at brown na slacks.
Nakasimangot si Trey habang nakatitig sa akin. Lumapit ako sa kanila at nagmano kay Ninong Mayor.
"Kailangan ba talagang magpakasal ka Aria?" tanong ni Ninong. Tumango lamang ako. Nilingon ni Ninong si Mama bago tumikhim.
"Buntis ka ba Aria? Gago talaga yung Festines na yun!"
"Trey! Di ah!" depensa ko. Nag igting ang panga ni Trey bago ginulo ang magulo na talaga niyang buhok. Lumabas lamang siya ng bahay at pabagsak na isinara ang pinto.
BINABASA MO ANG
Hundred Days - LEGACY #8
General FictionSometimes letting go is less painful than holding on. An addiction can only be cured by withdrawing. Kapag sobra na ay tigilan. Kapag masakit na ay huminto na. Kapag hindi na kaya ay bumitaw na.