Kaya Pala

25.1K 669 102
                                    

16


Bigla akong nagising dahil sa sobrang sakit ng katawan. My arms and legs are throbbing but my lady part was beyond sore. Hindi ko pa maintindihan kung saan nanggagaling iyong sakit noong maalala ko kung ano ang nangyari ilang oras lamang ang nakakalipas. Napabalikwas ako ng bangon at nakita si Noah na nasa tabi ko, iyong braso niya ay nakadantay sa hubad kong tiyan.


Agad kong inalis ang braso niya at nagmamadaling pinulot ang mga damit ko. Saktong isinusuot ko na ang aking sapatos noong umangat ang ulo ni Noah mula sa kama.


"Aria?" he sleepily said. Noong makita niya akong nagmamadaling magbihis ay napatayo siya.


"Where are you going?"


Hindi ko siya hinarap. "Away from you."


Maarte siyang suminghap bago mabilis na tumayo, hindi alintana iyong kahubdan niya. Mabilis siyang lumapit sa akin na para bang may hinahabol.


"Aria, we need to talk," madiin niyang sabi. Hindi sinasadya na bigla akong natawa sa sinabi niya. Talk? For what? May after sex talk ba, huh? Ano yun? Itatanong niya kung kamusta ang performance niya? Tangina mo pakshet.


Umiling lamang ako. "Hindi Noah. Tapos na ako. Binigay ko na kung ano ang gusto mo kaya---"


"Gusto ko?! Anong alam mo sa gusto ko Aria Helene?" he roared. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong braso. His brown eyes pleaded for me but I never listened. Kagabi noong binigay ko ang sarili ko sa kanya ay sinabi kong tama na. Huli na ito at tuluyan ko na siyang palalayain para kay Illea.


Marahan kong hinila ang braso ko sa kanya bago ko tinitigan iyong nagmamakaawa niyang mata.


"Gusto mo? Hindi ba si Illea?" nabasag ang boses ko sa aking sinabi. Nalukot ang noo ni Noah sa narinig. Para bang sinuntok ko siya sa sikmura sa naging sagot ko.


"If you would just let me explain, baby please.." he pleaded. Umiling lamang ako at tuluyan na siyang tinalikuran.


"Aria.."


Hinawakan ko ang seradura ng pinto bago ako tumigil. Mas pinili ko siyang hindi harapin sa takot na baka makita niya ang lahat ng sinusubukan kong itago. Apat na taon kong pinilit ang sarili kong mawala sa sistema ko iyong ginawa niyang pag iwan sa akin noong kasal namin. Akala ko ay nagtagumpay ako pero isang halik lang niya ay bumalikwas lahat ng pagpipigil ko.


"Huwag mo sanang kalimutan na ikaw ang nangiwan Noah. Minahal kita..k-kahit na gaano ka pa kasira dahil hindi ka tinanggap ni Illea. Minahal ko bawat pirasong sira sayo Noah pero anong ginawa m-mo?" anas ko. Mabilis na lumipad ang kamay ko para takpan ang aking bibig at pigilan ang hikbi. Hindi ko na hinintay si Noah na sumagot. Agad akong lumabas ng kanyang kwarto.


Malalim pa ang gabi at hindi ko alam kung saan pa ako dapat pumunta. Agad kong kinuha ang aking telepono at hinanap ang numero ni Trey.

Hundred Days - LEGACY #8Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon