Pageant

13.4K 588 132
                                    

5


"Goodevening lady and men! I am Aria Helene Montez, 20 years in age. Isla Guyam. I am believe in the saying that honesty is the best police so always take your vitamins before bedding! Thank you!" sigaw ko sa mikropono bago ako nag pose para pak na pak.


Inilagay ko ang kamay ko sa aking noo na parang mahihimatay. Pak! Sakit ulo pose bae!


Matapos noon ay inilagay ko naman ang kamay ko sa batok ko sabay liyad. Bae! Sakit batok naman!


Binigyan ko ng magandang ngiti ang mga judges bago ako nag firing kiss sa kanila. Ginawa ko pa iyong hugis puso sa daliri, iyong para bang nangungulangot ka, bago ako bumalik sa pwesto ko.


"Go Aria! Go bebe gurl!" sigaw ni Kute habang hawak ang malaking placard ng pangalan ko. Mukha pa siyang makikipagrally habang nagwawala sa kakasigaw.


"Aria!" sigaw ulit ni kute. Ngumiti lang ako at mas inayos ang pagtayo. Sayang ang limang libo pag nanalo ako. Sa tabi ni kute ay naroon si Noah na tahimik lamang na pumapalakpak.


Huminga ako ng malalim noong maramdaman ko na naman iyong pagsikip ng dibdib ko. God bae! Oh may ghad! I am my ghad! Shucks the words are my ghad! Ang gwapo ni pakshet!


Naka puti lamang siyang b-neck. Iyong manggas ng suot niya ay nakarolyo hanggang siko kaya kitang kita iyong umiigting na ugat sa braso niya. Pinadaan niya ang daliri niya sa kanyang buhok na hinahangin bago muling tumitig sa akin.


Kinagat ko ang labi ko at inayos iyong kinulot kong buhok. Shet ka pakshet! Why so rude? Sarap mo pakshet.


Dalawang linggo na mula noong makilala ko si pakshet. Nakalabing isang araw na kaming magkasama. Ngayon naman ay nagpumilit siyang manuod ng Miss Bagsakan 2013 para daw makita niya ang performance ko. Kakaloka! Haha kaya dapat galingan ko eh.


"Our last contestant for Top 7 is..candidate number.."


Pinigilan ko ang hininga ko habang hinihintay ang numero ko. Pang walo ako at labintatlo pa kaming natitira para sa huling pwesto ng top ten.


"Number 8!" announce noong projector. Maarte kong tinakpan ang mukha ko para pabebe kunwari. Naglakad ako papunta sa island para mag pose.


"Bebe gurl! OMG! Bebe gurl!" sigaw ni kute, hinahampas si Noah sa dala niyang placard. Nag hearteu hearteu sign ulit ako bago tumabi sa iba pang kasali ng top seven.


"Congrats." Bulong ni Karen, iyong katabi ko. Nilawakan niya ang ngiti niya para hindi halatang panis ang laway niya.


"You congrats me later when finish." Sagot ko. Tumaas ang sulok ng labi niya na para bang nanunuya. Mamaya na niya ako icongrats, syempre ako mananalo eh. Pak!


"Hmmph."


Pasimple kong itinama ang siko ko sa tagiliran niya bago ako ngumiti sa mga judges. Sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang kababata ko at ang anak ni mayor na si Trey, pinaglalaruan ang labi habang nakatitig sa akin.

Hundred Days - LEGACY #8Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon