Ligaya

18.2K 634 157
                                    

3


Crush ko na yata siya bae. Kaazar. Hindi ko maiwasang titigan siya habang siya naman ay nakikipag eye to eye sa alak na inorder niya. Niyakap ko lang iyong ram beer habang nakatanga sa kanya.


"Fuck." Tangina, mura niya! Bae, why you hot? Ghad my panties!


Yumuko lang siya at kinagat iyong labi niya. Wala sa loob na napakagat rin ako kasi parang ang sarap ng kinakagat niya. Magkagatan na lang kaya kami? Ay pak! Bet! Sinigang!


His so my ghad, you know. Pointing nose, missing hair, ghad! Then the lashes, shucks bae! Ghad! I am loosing words. Shucks. Ghad.


"Isa pa." aniya. Mabilis kong nilagyan ng ram ang baso niya at agad naman niya iyong tinungga.


"Again." Aniya na naman. Nilagyan ko ulit ng alak iyong baso niya at mabilis na naman niya iyong ininom. Nakailang beses pa siyang nagpalagay hanggang sa mapagod ako.


"Bet mo sa bote ka na lang uminom, pakshet?"


"Ha?" nagtataka niyang sabi. Ay ghad, ateng! Di ako inform na di nakakaintindi ng dyosa language si pakshet.


"I told that if you like you can uhm..drink the beer from the bottle. Ghad." Pinagpapawisan kong sabi. Taka niya akong tinitigan habang napapailing.


"You're a weird girl, Spongebob lover." Tukso niya. Napasinghap lamang ako habang siya ay inagaw na sa akin ang bote ng ram.


Nilingon ko ang manager ng bar kung saan ako bartender ngayon. Masama ang tingin niya sa akin dahil sa pagbibigay ko kay pakshet ng buong bote pero wala na akong pakialam.


"Spongebob?" tawag niya. Nilingon ko siya pero nakatingin naman siya sa dagat.


"Ano?"


Humarap siya sa akin bago ibinaba ang boteng halos kaunti na lang ang laman.


"Have you..ever..fallen in love?" lasing na niyang sabi. Kunot noo ko siyang tinitigan bago ako umiling.


"Na?"


Tumawa siya ng pagak. "Nagmahal ka..na ba?" aniya. Napapitik naman ako sa hangin. Ghad, yun lang pala transmission nun. Anong fallen in love? Gago yata itong si pakshet. May pagmamahal bang nahuhulog? Anitey? Lokohan?


"Oo. Mahal ko si kute atsaka si momster—"


"No!" sigaw niya. Napatalon naman ako sa lakas ng boses niya. Iwinagayway niya ang kamay niya na para bang may itinataboy.


Tinuro niya yung dibdib. "Yung pagmamahal..na masakit..dito. Have you..experienced it..already, Spongebob?" naiiyak niyang sabi. Napaupo naman ako sa stool na nasa tabi niya habang nakatitig sa dibdib niya.

Hundred Days - LEGACY #8Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon