Chapter 1

44 3 0
                                    

Chapter 1
First Case

Third Person POV:

"Shit!"pagmumura ng isang police.

"Kailangan na natin siyang dalin sa hospital!" Aniya pa.Kasabay nito ay ang pagbuhat sa duguang katawan ni Ms. Katara.

Nasa isang bahay sila ngayon kung saan natagpuan nila ang bangkay ng  pamilyang Kazuya at Si Ms.Katara na Lang ang natira.Siya ang bunsong anak ni Mr.Shou Kazuya at Mrs.Kataki Kazuya .May tama ito ng bala sa kaliwang balikat malapit sa dibdib at mga sugat sa ibat ibang parte ng katawan.

Ang katawan ni Mrs. kazuya ay natagpuan sa kwarto. Naka higa ito sa carpet sa kwarto sa bandang ilalim ng kama at may tama ito ng baril sa ulo at sa may bandang dibdib. At walang ano man ang nabasag sa kwarto.

Matapos dalin sa ambulansya ang biktima ay agad na tinawagan ni Chief Sandoval ang pinagkakatiwalaang detective na si Kim Ezra.Isang matinik,maangas at magaling na babaeng detective na kayang resulbahan ang kaso na hindi lalagpas ng isang araw.

"Oh?" Aniya na hindi manlang nag hi o hello.Palagi naman eh!

"Investigate Mr. and Ms.Kazuya's Case." maikling sabi nito.

"Noted." Atska niya pinatay ang tawag.

Napabuntong hininga na lamang si Chief atsaka niya itinext ang address ng mansion ng mga Kazuya. Palaging ganito ang nangyayari sa tuwing may ipinapagawa siyang kaso kay Ezra.

Muli niyang sinulyapan ang mga bangkay.Napansin niyang halos lahat ng ito ay may tama sa kaliwang balikat malapit sa dibdib gaya ng kay Ms.Katara.Parehong may mga sugat sa katawan na kasing dami ng kay Katara.Ang nakakapagtaka ay bakit siya ay buhay at sila ay namatay?

"What the..." Bulong niya atsaka niya tinakbo ang daan palabas patungo sa kotse at pinaandar ito kasunod ng ambulansiya kung saan nakasakay ang katawan  ni Ms.Katara.

~~~~~~~~~~~~~~
End of chapter 1

Romantic Cases (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon