Ezra Point Of View:
Katatapos lang ng klase ko at patungo ako sa aking apartment na walking distance lang ang layo sa school ng nag ring ang cellphone ko.
Nang tignan ko ito ay lumabas ang pangalan ni Chief Sandoval. "oh?" pag sagot ko sa tawag nya.
"investigate Mr. and Ms.Kazuya's case" maikling pahayag nya.
"noted" sagot ko kasabay ng pag end ko ng call.
Pinag patuloy ko ang pag lalakad papuntang apartment ng tumunog ulit ang cp ko na may nag text. Tinignan ko ulit ito.
1message receive
from: Chief SandovalAddress: Hill of Goodwill Subdivision #911
Be here at exactly 5:00 pm.Pagka basa ko nun ay tinignan ko ang oras. May isang oras pa ako para mag handa. Binilisan ko ang pag lakad ko at pag dating ko ay nag bihis na ako. Kumain na din muna ako at sumakay na sa motor ko tsaka pinaharurot ito.
Pag dating ko sa entrance ng subdivision ay humarang muna ang mga guard at tinanong kung saan ako bibisita.
"I am Kim Ezra." Sinabi ko lang ang pangalan ko at binuksan na nila ang gate.
May bahay kasi ako dito sa subdivision.
Hinanap ko ang number ng bahay at huminto sa tapat into. Pumasok ako at nadatnan ang tatlong pulis sa loob kabilang na dun si Chief Sandoval.
"Oh kim nandito kana pala " bungad nya sakin. Tumango lang ako.
"Ano nangyari?" Tanong ko habang nililibot ang aking tingin sa loob ng bahay.
"Murder. Pinatay ang pamilyang Kazuya pero yung isa, which is yung bunso ay hindi namatay. Yung panganay naman ay nawawala" paliwanag nya. Ako naman ay tango lang ng tango.
"Nasan ang bunso ngayon?" Tanong ko'ng muli dahil biglang may nag pop na ideya sa utak ko.
"Nasa hospital sya sa St. Francis Hospital " pagkasabi nga ay nag paalam ako at nag tungo sa hospital na kanyang sinabi.
@St. Francis Hospital
Pumunta ako sa desk at nag tanong.
"Saan po yung room nung batang dinala dito kanina ?"
Tinignan ng nurse yung records.
"Kaano ano nyo po ang pasyente?" Tanong muna nya.
"Im the one who is assigned to investigate the crime" sagot ko. Pansin nyo ba na kanina pa malayo sagot ko sa mga tanong nila? Simple lang e obvious na kasi may name plate ako na nakalagay detective then mag tatanong pa.
"Ahh nasa room #119 po sya"
Pumunta ako sa room nya at nadatnan ayang tulala
"Hi" bati ko dito. Ngunit di nya man lang ako nilingon.
Nilapitan ko sya at umupo sa gilid ng kama.
"Hello" bati ko ulit. Sa pag kakataong ito nilingon na nya ako.
"Anong pangalan mo? By the way im Kim Ezra detective ako. "
"I--I'm Ka-Katara Kazuya" nginig ang boses nya. Sigurado ako na na trauma ito.
Tumulo ang kanyang luha. Napansin ko na naka sarado ang kanyang kamay.
"Ano yang hawak mo kat?" Tanong ko patungkol dun sa sarado nyang kamay.
"Ewan ko po. Pag gising ko naramdaman ko na may hawak ako pero diko pa po binuksan" sagot nga.
Dahil nga baka is a iyong clue ay lumapit ako sa kamay nya at binuksan ito. Pag bukas ko ay may nakita akong papel.
Kinuha ko yung gloves na naka tago sa bulsa ko at sinuot ito. Kinuha ko yung papel at binasa ang naka sulat dito.
Huh?! Is it a code?