Chapter 13

4 0 0
                                    

Dedicated to: ThirteenSeven
Naisip ko po na para hindi lumitaw na lagi nalang may crime ay gagawin ko na po'ng alternate. Pano yun? Yung last chapter ay may case diba? Then next chapter ay walang case and so on and so forth. I think papa abutin ko lang 'to ng 30 chapters. Nag lagay ako ng note kasi meron pala nag babasa neto HAHAHA so ayun guys! Thanks sa pag babasa kahit na boring 'to at alam ko na iilan lang kayo! Lovelots!
~~~~~~~~~
Kim Ezra's POV:

Good Morning world~

Another friday morning! Binuksan ko ang bintana ng aking kwarto at nilanghap ang sariwang hangin. Nag unat unat ako sandali at pumunta na ng cr para makapag handa para sa school.

Ang ganda ng gising ko ngayon. Pero ewan ko ba bakit parang may kakaunting kaba ako nararamdaman ngayon. Aish ewan! Ayoko masira ang araw ko dahil lang dito.

Pinagpatuloy ko ang pag ligo at pag tapos nun ay nag bihis na ako ng uniform ko at dumerecho ng kusina. Pagbaba ko galing kwarto ay may naamoy ako na mabango. Hmm~ parang may nag luluto. But— wala naman akong kasama dito sa bahay ah?!

Unti unti akong nilamon ng kaba na baka masamang tao ang nandito sa bahay! Kinuha ko yung pahabang payong na naka lagay sa vase na malapit sa hagdan at dahan dahang tinungo ang kusina.

Pag bukas ko ng pinto ay ihahampas ko na sana yung payong dun sa taong nandun pero namukhaan ko 'to.

"Mom?"

"Oh gising kana pala! Here kain kana. Wait, bat may dala kang payong?" Aniya at tinuro ang payong na hawak ko.

"May naamoy po kasi ako na mabango. E ako lang po yung nandito akala ko po masamang tao yung naka pasok" sabay tawa ng mahina.

"Hay. Naku. Osya kain kana diyan at baka ma late kapa." Ani mom.

Umupo na ako at niyaya din si mommy na kumain. Umupo ito sa harap ko. Pabilog kasi yung mesa with 5 seats.

"Ezra, by the way. May regalo pa ulit sayo ang dad mo." Binigay niya saakin yung box na maliit na naka balot ng purple na wrapper.

Binuksan ko ito at tumambad sakin ang isang sticky note.

"Hi Good Morning Ezra! Dapat nandiyan din ako pero nagkaroon ako ng urgent meeting. Hope you understand! Ayan pala yung gift ko sayo.:)" binasa ko yung naka sulat para alam na din ni mommy.

"Hm. Ano nanaman kaya ang binigay ng dad mo sayo? Tignan mo na dali!" Excited na sabi ni mom.

Tinanggal ko yung naka dikit na sticky note at tumambad saakin ang susi ng isang Hyundai! Ghad! Is it real? Binigyan ako ng kotse ni dad!

"Omy!" Gulat na sabi ko at inangat yung susi.

"We know na alam mo kung paano mag drive. Kaya siguro naisipan ng dad mo na bigyan ka niya since walang dumadaan na taxi dito" paliwanag ni mom at sumubo ng kanin.

Romantic Cases (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon