..
Pumasok ako sa loob ng crime scene at hinanap si Chief Sandoval."Kim!" Rinig kong tawag sakin.
"Oh?" Sagot ko ng maka lapit sakin si Chief.
"Nandun sa sala yung bangkay"
"Tara. Puntahan natin. By the way. He's Crone. Classmate ko" pakilala ko kay crone. Nag kamayan lang sila at tinungo na namin ang sala.
Pag dating namin dun ay bumungad sakin yung lalaking nasa sahig.
"Anong itsura neto pag dating nyo?" Baling ko may chief nung in- analyze ko yung bangkay.
"Actually ganyan lang yan. Pero hindi namin maipaliwanag kung murder ba or suicide ang nangyari"
"Okay. May nahanap na kayong clue?" Tanong ko
"Yes meron na. Nandun yun sa laptop nya" tinuro nya yung laptop na naka patong sa mini table.
Lumapit ako sa laptop at sumunod si Crone.
Pagka kita ko palang nasa screen ay sigurado na ako na hindi iyon familiar sakin.
"What code is this?" Bulong na tanong ko sa sarili ko.
"It's morse code" sambit ni crone.
"Huh? Ano yung morse code Crone?" Tanong ni chief.
Maski ako di ko alam to. Buti nalang sumama sya.
" The International Morse Code encodes the ISO basic Latin alphabet, some extra Latin letters, the Arabic numerals and a small set of punctuation and procedural signals (prosigns) as standardized sequences of short and long signals called "dots" and "dashes", or "dits" and "dahs", as in amateur radio practice."
Mahabang paliwanag ni Crone. Ah so ganun iyon
"Kabisado mo ba yung Morse code nayan?" Tanong ko naman.
Shempre baka alam nya lang kung anong klaseng code pero di nya alam kung anong sinisimbolo ng bawat dots and dash
"Of course" sagot nya at nakipag palit ng pwesto sakin.
Humiram sya ng papel at ballpen.
Habang dine-decode ni Crone yung nasa laptop. Sinuri ko yung katawan ng biktima.
Hinawakan ko ito. Medyo malamig na. Tanda na kanina pa ito patay.
"Chief? Sa tingin mo around what time sya namatay?" Tanong ko
"Sa tantiya namin ay around 2:00 pm -3:00 pm dahil malamig na ang bangkay"
"Sino tumawag sainyo?"tanong kong muli.
"Yung maid." Simpleng sagot nya.
"Ezra! Na decode ko na"
Lumapit sakin si Crone at pinakita ang na decode nya.
"So.. Kailangan nalang nating alamin kung paano sya pinatay" sambit ko ng makita ko ang pangalan na naka sulat sa papel na hawak ko.
"Chief. Pakitawag yung Maid,gardener at guard please" sambit ko. Kukuhanan ko muna sila ng alibi.
Dahil tanda ko na sila ang kasama ng victim.
"Heto sila"
Pinaupo sila ni chief sa couch.
"Anong ginagawa namin dito?" Tanong nung maid.
"Kukuhanan lang po kayo ng alibi para sa krimen na nangyari." Simpleng paliwanag ko
"Sige para sa ikaka panatag ng loob ko. Kawawa si sir ang bait pa naman nya" sambit nung guard.
"Okay po. Nasan po kayo around 2:00 pm - 4-00 pm? At ano pong pangalan nyo?" Tanong ko
Unang sumagot yung gardener.
"Ako si Roberto mas kilala ako sa tawag na Bert. Nasa hardin nun ako. Nag papahinga ako."
"May mag papatunay po ba?" Tanong ko
"Meron. Pwede nyong tignan ang cctv" panatag na sagot nya.
"Chief paki tignan. Umupo muna kayo" sambit ko
"Ako naman si Berning. Guard ako kaya nag babantay ako ng gate sa mga oras nayun. Kaso nga lang walang makakapag patunay" sagot nya
"Ako si Roseta. Nasa labas ako dahil hinihintay ko ang dyaryo" sagot nung maid.
Napa ngiti ako sa mga sagot nila.
"So sino sakanila?" Atat na tanong ni Chief.
"Its you. Manang Roseta" sagot ko ng walang pag aalinlangan.
"H-huh? Bat ako?!" Halatang galit na sabi nya.
"Sisimulan ko sa morse code na dinecode ng kasama ko. Ang naka lagay ay Rose. Which is pinaka malapit sa pangalan mo. Sa mga naririnig ko ay tawag sayo ng amo mo iyon. Ngunit di sapat na ebidensya diba? Tumungo tayo sa alibi mo. Mali ka ng alibi na sinabi, walang nag hahatid ng dyaryo tuwing byernes. At lalong walang nag hahatid ng dyaryo tuwing hapon. Kaya wag ka na magkaila." Mahabang paliwanag ko.
Namutla sya umilap ang tingin nya.
"Oo tama ka. Pinatay ko sya!" Galit na sigaw nya ngunit naka yuko parin.
"Tinangka nya akong gahasain! Kaya nandilim ang paningin ko! Sakto nasa kusina ako kaya ko sya sinaksak. Tumakbo sya papuntang sala at nadatnan ko syang nag titipa sa laptop nya. Dahil wala akong alam sa laptop, pinabayaan ko nalang yun dahil tuldok at pahaba lamang ang mga nakita ko!" Paliwanag nya.
"Dalhin nyo na sya sa prisinto."
"Salamat sa iyo kim, at sa iyo din Crone. Ang laking tulong nyo talaga. Osya uwi na kayo at mag gagabi na" tinapik nya ang balikat ako at nagpa unang lumakad.
Sumunod narin kami ni crone at hinatid nya ako sa bahay.
"Good Night ezra" sambit nya at umalis na.
WHAT A TIRING DAY!