Thanks for reading!
~~~~~~
Kim Ezra POV:
Dahil sa sinabi ni Crone na iyon ay hindi ako maka tulog. Hindi ko mawari kung paano nya nalaman ang buong pangalan ko. Hindi ko naman sinusulat ang surname ko sa mga paperworks namin.
Dahil nga sa hindi ako maka tulog ay napag pasyahan ko na bumaba na lamang at pumunta ng kusina.
Pag dating ko sa kusina kumuha na lamang ako ng instant noodles at tubig at muling bumalik sa aking kwarto.
...
Naubos ko na ang instant noodles ko at itinabi ko pero diko pa natatapos ang movie na pinapanood ko.Friday bukas pero wala kaming pasok kasi may biglaang meeting daw ang mga teachers.
Nasa seryoso na ang pinapanood ko nung biglang lumikha ng ingay ang cellphone ko.
Hinanap ko iyon at tinignan kung sino ang tumatawag sakin.
Napa kunot ang noo ko nang mapansin ko na hindi registered number iyon. 'Di ko na lamang sinagot dahil di ko naman sinasagot ang tawag na di registered ang number sa phone ko.
Bumalik ako sa panonood ngunit maya maya lang ay tumunog ulit ang phone ko.
Sinagot ko iyon.
Hello? Kaibigan po ba kayo ni Crone?
Tanong nung nasa kabilang linya.
Ahm. Opo kaklase ko po sya. Bakit po?
Tanong ko. Napano naman kaya yun?
Nandito po sya ngayon sa hospital. Naaksidente po yung sinasakyan nyang motor. Nais lang po namin ipaalam saiyo dahil nasa ibang bansa daw po yung magulang nya. Pwede po ba kayong pumunta ngayon?
Paliwanag nya. Nagulat naman ako dahil dun.
Ah. Sige po pupunta po ako! Ano po'ng hospital yan? - ako
St. **** hospital po.
Sige po maraming salamat.
Inend ko na ang tawag at dali daling nag ligpit at nag palit ng damit tsaka pumunta ng hospital.
Pagkarating ko dun ay nag tanong agad ako sa nurse.
"Room 112 po" sagot nung nurse na pinag tanungan ko.
"Maraming salamat po!" Bow ako at pinuntahan na iyon.
Lakad takbo ang ginawa ko dahil medyo malayo yung room 112.
Pag dating ko sa tapat ng pinto ay huminga muna ako ng malalim at kumatok sa pinto bago ko binuksan ito.
Bumungad sakin ang katawan ni Crone na puno ng gasgas.
"Maam! Buti po dumating kayo! Kayo po ba yung kaibigan ni sir?" Tanong nung nurse na may hawak ng bulak.
"Opo. Bakit po?"
"Si sir po ayaw ipagamot yung mga sugat nya pero sya din lang po pumunta dito" sagot naman nung nurse tsaka tinuro si Crone gamit yung kamay na may hawak na bulak.
"Ahm. Nurse ako na po bahala dito" sabi ko naman.
"Ayy! Sige po maam! Takot po ata si sir sa alcohol" sabi nung nurse at napa hagikgik.
Lumabas na yung nurse at iniwan nya yung mga panggamot.
"Hi Ezra! Sorry pala kung pinapunta kita dito. Wala kasi ako kasama" sabi ni Crone ng naka yuko.
"Okay lang. Di panaman ako tulog kanina" sagot ko nalamang at sinimulang lagyan ng alcohol yung bulak.
Balak ko sanang linisin muna bago ko lagyan ng betadine.
Nung saktong naitapat ko na yung bulak sa sugat ni Crone bigla na lamang ito lumayo.
"W-wag na yan!" Sabi nya.
Bat nauutal to'ng baliw na to?
" wag mo'ng sabihin na takot ka sa alcohol?" Mag dududang tanong ko sabay tingin sakanya.
"Oo na! Takot na ako! Busit na phobia kasi to e!" Sagot nya nang naka busangot.
" ah? BWUAHAHAHAHAHAHAHAHA!" di ko na mapigilan at tuluyan ng natawa dahil sa nalaman ko! HAHAHAHAHA
"Oo na! Sige pagtawanan mo pa ako!" Sabi nya na naka busangot parin ang mukha! Ahaha.
"Okay hindi na! Pero lalagyan ko parin ng alcohol yan!" Sqgot ko at sumeryoso.
"S-sige. P-pero dahan dahan lang ah!" Paalala naman nya.
"Oo"
Dahan dahan ko'ng inilapat yung bulak sa mukha nya na may sugat.
Nakita ko naman ang pag pikit nya.
"Injury is like a thief it comes anytime" nasabi ko yun sa gitna ng katahimikan na bumalot sa buong silid.
Nakita ko na dinilat nya ang kanyang mata. Ako naman ay itinabi ang bulak na ginamit ko sa alcohol at kumuha ng panibago para sa betadine.
"Yeah" simpleng sagot nya sa sinabi ko.
"Kaya sa susunod mag iingat ka na. Pano kung mas malala pa dito diba? Edi hindi na ako ang tinawag dito kundi ang punerarya na?" Sambit ko at natawa mg mahina.
"Haha! Yeah. Thanks by the way. Di naman pala masyadong masakit" sagot nya.
"Ano na? Mag stay ka ba dito o uuwi ka na?" Tanong ko matapos iligpit yung mga ginamit ko.
"Wala ako balak mag stay dito" sagot nya at nag simula ng mag lakad.
Sinundan ko nalamang sya at nakita ko na kausap nya yung doctor.
Pag tapos nun ay nilapitan nya ako.
"Hatid na kita. Hatinggabi na rin oh?" Sabi nya at tiniganan pa ang relo nya.
"Sige." Sagot ko na lamang dahil unti unti na ako'ng dinalaw ng antok.
"Tara na."
Pumasok ako sa kotse nya na pinadala nya daw sa driver nila dito para may magamit pabalik ng bahay nila.
Pag sakay ko ay unti unti ko'ng naisara ang mga mata ko at tuluyan ng inantok.
.
.
"Psst! Ezra gising na. Nandito ka na"May naramdaman ako na mahihinang tapik sa pisngi ko.
Dinilat ko ang mata ko at bumungad sakin si Crone na naka ngiti.
Oo nga pala. Hinatid nya pala ako.
"Sige. Thank you. Good night " sabi ko at lumabas na ng kotse nya.
Saktong bubuksan ko ang gate ng tawagin nya ako.
"Kim ezra! Thanks for tonight" sabi nya at ngumiti bago pinatakbo ang kotse nya.
Napa ngiti ako at tuluyan ng pumasok sa apartment na tinitirhan ko.
Pag pasok ko ay nag palit ako ng damit bago humiga sa kama.
Hays. Uuwi nalang ako sa bahay bukas. Madami na ying labahan.
Nag dasal muna ako at tuluyan ng dinalaw muli ng antok.
~~~~~
A/n: sorry po kung laging lame! Pasensya na kung wala po'ng masyadong ganap ngayon! Busy is me e.