...
Hindi nag tagal ay nakita ko na ang paparating na pigura ni Crone."Hi. Tara na" sabi nya pag dating sa tapat ko at huminhi ng paumanhin dahil late daw ito.
"Its okay. Kaka dating ko lang din naman" sagot ko.
Tinungo namin ang parking lot at sumakay sa kotse nya.
Di nag tagal ay narating na namin ang bahay nila. Malaki din ang bahay nila tulad ng samin pero tingin ko mas malaki ang samin.
"Tuloy ka" sabi nya at pina upo ako sa may couch sa sala.
"Mag papit lang ako ah." Tumango nalang ako at kinuha ang cp ko.
Nakita ko na nag text si Chief Sandoval.
From: Chief Sandoval
I need you Kim. Dito sa ******* . Hindi namin matukoy kung murder or suicide ba ang nangyari. May iniwang code dito. Send ba ako ng picture ng code?Ni replyan ko sya
To: Chief Sandoval
No need. Pupunta ako maya maya jan."Uy! Detective ka?" Biglang sulpot ni Crone aa likod ko.
"Bat ka nag babasa ng message? No hindi ako detective. Tumutulong lang ako sa mga pulis" sagot ko na lamang para hindi na humaba ang usapan at maka punta nako dun.
"Great! Ako din tumutulong ako sa mga pulis!" Sabi nya at umupo sa tabi ko.
"Okay. Bilis kailangan ko pa pumunta dun"
Sinimulan na namin bumuo ng guide questions. Kailangan kasi ng 30 questions e.
"Done! Tara sama ako sayo!" Sabi nya at hinila ako palabas.
Hindi na ako naka palag dahil pinasok na nya ako sa kotse nya.
"Saan nga kasi?" Tanong nya at kinamot ang batok nya.
"Sa *******. Bat kasi nag mamadali ka? At sumama kapa?" Tanong ko sakanya pag tapos kong sabihin sakanya yung lugar.
"Eh kasi matagal na akong di nakaka lutas ng ganyan. Kaya sabik ako" sagot naman nya.
Na satisfy naman ako sa sagot nya kaya nanahimik na ako.
"Ilang years kana tumutulong sa mga pulis?" Tanong nya habang naka focus parin sya sa daan.
"2 years na" sagot ko naman. Napansin ko na napa ngiti sya.
"Bakit ka naka ngiting parang aso dyan?" Tanong ko.
"Wala lang. May naalala lang ako" tumawa pa nyan yan.
"Psh"
Nag patuloy nalang sya sa pag ddrive hanggang marating na namin yung crime scene.