..
/kim ezra/Nandito ako ngayon sa canteen. Tulala. Di alam gagawin. Napaka boring.
Wala kasi kaming teacher ngayon. Bawal pa naman umuwi.
Kinuha ko ang cp ko at nag scroll scroll lang sa gallery. Kaso puro pictures lang to na mga kuha ko.
"Hi ezra"
"Ay anak ng kabayo!" Gulat na sabi ko nang biglang sumulpot sa harapan ko si Crone.
"Lalim ng iniisip ah?" Panimula nya.
Bumuntong hininga ako. "Wala ngang magawa e." Sagot ko at sumubsob sa mesa.
"Turo ko sayo morse code gusto mo?" Anyaya nya.
Inangat ko tingin ko.
"Sige!" Excited na sagot ko.
Lumipat sya ng pwesto sa tabi ko.
"So lets start?"
Tumango lang ako.
Hinayaan ko syang mag sulat ng kung ano anong dashes and dots sa papel.
"So heto yung morse code."
Inabot nya sakin yung papel na sinulatan nya kanina.
"Isaulo mo yan. Alam ko mabilis lang yan kaya order muna ako ng pagkain natin. Umpisahan mo na." Sabi nya sabay tayo at pumunta ng counter.
Sinimulan ko na isaulo yung morse code.
Madali lang naman pala to. Easy as pie.
Nung dumating sya ay nasa letrang E na ako.
"Oh heto kainin mo" abot nya sakin nung slice ng pizza.
Ngumiti ako at nag pasalamat.
/Crone POV/
Napa ngiti ako habang minamasdan si Ezra na seryosong sinasaulo yung morse code.
Bilib din ako sakanya e. Ang bilis nya mag memorize.
Hindi din sya maarte kaya posible na magustuhan ko sya.
"Anong nginingiti mo dyan? Gusto mo upakan kita?" Sambit nya.
Di ko napansin na naka titig ako sakanya.
"Saulo mo na ba?" Pang iiba ko ng topic namin.
/Kim POV/
Natapos ko na ang pag sasaulo sa morse code.
Napansin ko na naka titig sakin si Crone kaya nag salita ako.
"Ano ngini-nginiti mo dyan? Gusto mo upakan kita?" Sambit ko.
Umiling lang sya bago nag salita.
"Saulo mo na ba?"
Tumango lang ako bilang sagot.
"Good" tanging sagot nya.
Uminom ako ng coke at ibinaling ang tingin ko sa cp ko nung tumunog iyon.
"Oh?" Sagot ko.
"Kim. Nandito ako sa school nyo. May nangyaring Krimen. Tatlo silang suspect." Sagot ni Chief sa kabilang linya.
"Saan banda sa school?"
"Malapit sa gym" sagot nya at pinatay na ang tawag.
"Crone tara" sabi ko.
Binitbit ko yung bag ko at dinala yung hawak ko na folders tsaka ko kinuha yung coke in can.
"Akin na nga yang mga folders mo" hinila nya yung folders na hawak ko.