Thanks sa tulong BlackRoseIsMe!
Wala po munang krimen dito! Pahinga muna sila Kim Ezra
~~~~
Kim Ezra's POV:Pagka gising ko kaninang umaga ay kumain ako sandali at binalot ang mga damit na marumi ko para ipalaba at nag pasundo sa family driver namin.
Sa kasalukuyan ay kumakain kami ngayon ng lunch.
"Ezra."
Tawag ni Mom sakin.
And yeah. Kasama ko sila ngayon.
"Bakit po?" Tanong ko at binaling ang tingin ko sakanya.
"We are very proud of you!" Magka panabay na sabi nila sakin.
Napa ngiti naman ako dahil dun.Lumapit ako sakanila at niyakap ko sila.
"Thanks mom,dad!"
Niyakap nila ako pabalik.
"As a reward may gift kami sayo"
Nagulat ako sa sinabi ni dad.
Minsan lang kasi sila mag bigay ng gift pero magagamit talaga.
"Talaga?! Ano po yun?" Tanong ko.
"We've bought you a house. Complete na gamit. Here's the key"
Binato ni dad sakin yung susi at agad ko naman ito'ng nasalo.
"Omaygad! Seriously?!" Gulat na tanong ko. Kahit na obvious naman dahil hawak ko na ang susi.
"Yes. Naka usap ko ang Adviser nyo at sinabi nya samin na as of now ay ikaw ang nangunguna sa klase" sabi ni daddy na kinagulat ko.
"Omayghad!" Nasabi ko nalamang.
Tumayo ako muli at niyakap sila.
"After this puntahan mo na yung bahay ha?" Tumango na lang ako sa sinabi ni dad na yun. Excited na rin ako!
"Opo dad! Ililipat ko po yung mga damit ko dun tsaka papaalam na dun sa landlady"
Bumalik ako sa upuan ko at nag simula na kami kumain ng dessert.
Kwentuhan lang kami ng kwentuhan hanggang sa matapos ang lunch namin.
..
Nang puntahan ko ang bahay na sinasabi ni Mom ay napakalaki nga nito.Kasya na siguro buong barkada.May mga gamit na din gaya ng sabi ni Dad pero mas gusto ko ang gamit sa kwarto ko sa bahay. Pero di bale na aayusin ko nalang.
Mamaya na lang din siguro ako maglilipat dahil mag-eempake pa ako ng gamit pauwi.
Nang matignan ko na ang bawat sulok ay lumabas na din ako at sinara ang pinto ng bahay ko.
Nang pagtalikod ko palakad ay may nakabungguan ako nahagip ng mata kong nakatungo kaya marahil ay hindi niya din ako napansin.
Nang akmang pupulutin ko ang susi ay yumuko din siya kaya nagtama ang noo naming at sabay na nadaing.
Paglingon ko ay agad nanlaki ang mata ko.
“Crone/Ezra?”sabay naming sambit.
“Anong gina—“tumikhim ako ng mag sabay ulit kami.
“ikaw na—“ sabay ulit kaya sabay din kaming napangiti at nagtawanan na parang baliw.
Tumayo siya at tinulungan din akong makatayo.Nang makatayo ay agad niyang hinawakan ang noo ko kaya nabigla ako at napaatra.
“W-what are you doing?” utal kong tanong. Ugh! Ezra! Bakit ka nauutal?!
“Chinecheck ko lang kung may bukol ba.Halika.” sabi niya ngunit siya din ang lumapit.