Chapter 14

4 0 0
                                    

..
Kinabukasan ay alas nuebe na ako nagising. Pag gising ko ay lumapit ako sa salamin at tinignan ang mukha ko. Namamaga ang mata ko. Dumeretso ako sa cr at naligo na. Pupunta ako ng Hospital.

Bumaba na ako at nadasnan ko si Crone na nasa dining table.

"Morning Ezra" ngumiti ako at binati din siya.

"Morning din."

Umupo ako at pinag serve ako ng mga maid ng almusal. Uninom ko yung gatas na nilapag nila sa table.

"Anong oras ka pupunta ng Hospital?" Tanong ni Crone habang nag tatype sa kanyang laptop.

"Mamayang eleven siguro" sumimsim ulit ako ng gatas. Hindi na ako kumain dahil hindi ko maramdaman ang gutom.

"Kailangan mo kumain" aniya at inilapit saakin ang pancake.

"Hindi ako gutom e. Im fine with milk" hindi na siya umimik at nag patuloy sa pag tipa sa kanyang laptop.

Bumuntong hininga siya,"Hindi muna ako makakasama sa hospital. May pinapagawa kasi si dad sakin e rush kasi to e. Hays" ibinaling niya sa akin ang tingin niya.

"Okay lang. Dadaan naman ako sa bahay ko kukunin ko yung sasakyan ko" sabi ko naman.

Nag kwentuhan lang kami sandali at maya maya pa ay nag paalam na ako sakanya para umuwi na muna sa bahay ko.

Pinahatid ako ni Crone sa driver nila sa bahay ko dahil wala daw ako makikitang taxi dito. On my way home, hindi ko mapigilang hindi isipin ang nangyari sa parents ko. Bakit kaya sila inatake? Sabi naman ng mga pulis ay hindi robbery ang naganap dahil wala naman daw ninakaw sa bahay. Tanging ang puntirya lamang nila ay ang mga magulang ko.

"Maam nandito na po tayo" sabi ng driver. Nag pasalamat ako at bumaba na. Napatigil ako ng madaanan ko yung tapat ng bahay ko. Dito kasi kami huling nakapag usap ni mom. She said that she loves me. May alam na kaya si mom nun? And im nervous that time.

Itinigil ko muna ang pag iisip dun at pumasok na ng bahay para makapag palit ako ng damit. Kinuha ko rin ang susi ko na naka sabit sa isang angel na display sa kwarto ko.

Bumaba na ako at dali daling pumuta ng hospital. Pero may dinaanan muna akong flower shop at isang grocery store.

Pumunta ako sa pinaka malapit sa flower shop na nadaanan ko.

"Good Morning madam!" Masayang bati sa akin ng isang bakla habang inaayos ang mga bulaklak.

"Good morning din." Ngumiti ako dahil nakaka hawa ang mga ngiting binibigay niya sa akin.

"Anong inyo madam?" Masaya pa ring tanong niya.

"Tulips na pink" favorite kasi ni mom ang tulips. In our house, may mga tanim si mom na tulips pero ayoko pitasin yun dahil ang gandang tignan.

Lumapit siya sa akin bago muling nag tanong, " bouquet  po ba or basket madam?"

"Bouquet nalang haha" natawa na ako dahil sa kanya. Hays ang active niya. Parang wala siyang problema.

"Wait minute madam! Aayusin ko lang. Byers muna hihi"

Kumuha siya ng mga pink na tulips at pumasok sa isang kwarto. Dun siguro nila inaayos.

Ilang sandali lang ay binigay na niya ang tulips na pinagawa ko. Nag bayad lang ako at aalis na sana pero pinigilan niya ako.

"Wait lang madam" lumapit siya sa iba pa niyang panindang bulaklak at may kinuha sa may bandang likod.

"Sayo na to madam. Parang kasi malungkot ka. Makita mo lang to'ng flower na to ay tiyak na mapapangiti ka" inabot niya sa akin ang isang kulay berdeng bulaklak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Romantic Cases (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon