7am.
Yan ang oras ng first subject ko. Pero 8 na ng makarating ako.
Halos araw-araw ganyan naman eh. Nakakapanlumo talaga T__T
Eh pano ba naman kasi ang layo ng bahay namin, malayo sa kabihasnan kaya ayan tuloy palagi akong LATE, minsan di na ako pumapasok natatakot ako sa teacher eh.
Kaya eto ako ngayon, nasa school canteen tumatambay na lang muna hanggang sa mag 2nd period na.
Ay tama! Magpapakilala muna ako, baka anonymous na ipangalan nyo sa akin o kaya naman unidentified talking mammal. Hihihi!
Ako nga pala si Leila Irene Mendez, 17. Leila means dark-haired beauty at ang Irene naman meaning peace. Oo, dark-haired ako at ayon sa aking ina ako ay isang BEAUTY. Hayaan nyo na, nanay ko yan eh. Dun sa peace naman... HA! Peace talaga, peaceful akong tao. Di masyadong nagsasalita, pero di ibig sabihin nun loner na ako, di lang talaga ako talkative. Mahiyain tas....
gusto ko world peace ^_______^V
Di joke lang! Basta di ako mahilig sa gulo, di sumasabat, di nag-eexplain, basta yun na! Sumasakit lalamunan ko pag masyado akong magsalita.
Ah, college student na pala ako. 1st year college, IT course ko dream course ko yun eh. Ewan, basta yun gusto kong kunin.
Haaayyy... Nakakabagot naman dito sa canteen, at isa pa MALAKING TEMPTASYON! Umaga pa lang mabubutas na bulsa ko dito pero no choice eh, walang magandang tambayan dito sa campus kaya tiis-tiis na lang.
Pagtingin ko sa orasan, 8:30 am pa. NAMAAAAAAANN! 10 pa next class ko eh. Pero okay lang, matatapos na rin yung 1st subject. Itetext ko na lang yung mga kaibigan ko para may makasama ako dito.
"Uy! Andito ako sa canteen." SEND. Ganyan ako magtext, matipid. Alam din naman nila ano ibig sabihin nyan.
After 30 minutes, dumating din naman sila.
"HOY IKAW! Ba't di ka pumasok?! Anong oras ka ba dumating dito ha?!" babaeng 'to, nambubulabog sa canteen. Tch.
Ah, yun pala si Asha Reyes. Ang maganda at matalino kong classmate and of course isa sa mga kaibigan ko. Masyado malaki bunganga niyan pero mabait naman wag lang aawayin, MATINDING kalaban. Di ko nga alam pano ko naging kaibigan to eh, masyado kaming opposite pero di ba nga opposites attract?? Baka ganun nga nangyari sa amin, in a friendly way.
"Ah, 8 na ko dumating di nako pumasok alanganin na eh." sabi ko na lang sa kanya, para magtigil na.
"Sana pumasok ka na lang, may mas late pa nga dumating sayo pero pumasok pa rin. Tss." mabuti naman kumalma na siya ng konti, wala na rin naman siyang magagawa eh.
"Kain na tayo, nagugutom na ako eh." sabay tayo niya papunta sa mga pagkain.
"Okay! Kanina pa ako nagugutom eh. Tiniis ko lang. Hehehe!" haaayyy, kahit kailan talaga ka-vibes ko tong si Cyndie.
Ito pa isa kong kaibigan si Cyndie Perez, matalino, maganda, mapera, at talented. Minsan nga naiingit ako sa babaeng to eh, pero kahit nga nasa kanya na lahat di pa rin siya masaya. Broken family kasi. Haayyy naku, yan talaga ang ayaw ko, yang BROKEN na yan. Psh.
AH! Nga pala, di ko nasasabi sa inyo magkaibigan na pala kaming tatlo since highschool, kaya best of friends na kami. Through thick and thin na naging drama namin, parang dugtong na mga bituka namin di napaghihiwalay, kaya nga kahit hanggang college classmates pa rin kami. Pero gusto naman talaga namin yung kinuha naming course, talagang nagkataon lang.
"Oy! Hali na kayo. Almost 10 na oh. Bilis!" sabi ni Asha sabay retouch ng make-up nya. Di ko pala nasasabi sa inyo, maarte tong isang to. OPPOSITE talaga kami. Binilisan na rin namin kumain tas umalis na agad kami.
Tik. tok. tik. tok.
KAINIS NAMAN EH!!!!!!!!
Nagpaquiz pa talaga ang butihing math teacher namin. Di ako nakapag-aral!
"Okay class! Times up! Pass your papers now." ayan na, pass your papers na daw. Teka lang... konti na lang talaga.
"At the count of 5. 5..... 4....." NAMAN EH! I hate numbers! Ayan, binibilangan na ako. Grrrr.
"3...... 2....." ETO NA OH! ETO NA! Teka lang!
"Psst! Pakipasa! Bilis!" sabi ko dun sa classmate ko sa harapan.
Wala na. Wala na talaga. Wala namang pasabi tong teacher na 'to na may quiz ngayon eh. My future is totally ruined T______T
"1... Okay. Class dismiss. See you tomorrow!" nagsitayuan na rin yung mga kaklase ko, ako naman di makaget over sa quiz. Big deal ba? Ay ewan! Math yun eh. MAJOR kumbaga.
"Leila, 'lika na. Wag mo na problemahin yun, isa lang naman eh. Makakabawi ka din." hinatak naman ako ni Cyndie, palibhasa kasi tong babaeng 'to matalino. Tch.
"Ikaw kasi matalino, ako hindi." sabi ko na lang sa kanya.
"Di naman, sapat lang ^____^" ABA?! Kailan pa natutong magjoke tong isang to?! Tsk tsk tsk.
"Haayyy naku, ewan ko sayo." hatak-hatak pa rin ako ni Cyndie, ewan ko kung san kami pupunta pero la na akong pakielam dun.
"Ano ba, Leila cheer up! Para yun lang eh! Tong babaeng to oh!" sabi ni Asha habang naglalakad kami na di ko alam kung san pero nasa campus pa rin kami. Nakayuko kasi ako, di talaga makaget-over eh. HEEELLLPPP!
"Alam mo Leila, magm------" di na natapos ni Cyndie ang sasabihin niya ng bigla na lang may bumangga sa amin at napahiwalay ako sa pagkakahawak sa 'kin ni Cyndie.
"LEILA!" tumakbo papalapit sa 'kin si Ash at Cyndie, malamang nag-aalala.
Naman kasi tong mga babaeng to, sa oval pa dumaan eh alam namang may naglalaro ng football. Yan tuloy, ako nadaganan ng isang player. Ang sakit ng bagsak ko ah, ang laki nung lalake.
"Leila, okay ka lang?! Nabalian ka ba?! My gosh!" tanong ni Asha sa 'kin. Ang sakit lang naman ng likod at ulo ko madami pa namang bato-bato dito sa oval. Sa palagay niyo, okay lang ako??
"Masakit....." yun na lang nasabi ko, masakit kasi talaga eh. Grabe. Halos tumilapon ako sa sobrang bilis tumakbo nung player. Ano, ganito na lang ako mamamatay? Grabe. Ang cheap naman -_________-
Pero seryoso, MASAKIT talaga.
"Tumawag kayo ng ambulansya!" sigaw ni Asha, nag-aalala talaga siya mukha kasing magpapass out nako eh. Pinapaligiran na kami ng mga students ngayon, aaaay, echuseras nga naman.
Dun naman sa lalaking nakabangga sa 'kin, abay ewan. Di na mahigilap ng mata ko eh, nahihilo na talaga ako. Di ko alam kung magagalit ako sa kanya o ano, pero ito lang.... sa kabila ng nangyayari sa 'kin ngayon, ako'y talagang nahihiya na. Eh sa dami ba naman ng taong nakapaligid sa 'kin. Umalis na kayo, di ako artista. Sadyang minalas lamang. SHUPI!
Miss? Miss? Miss?!" what the?! Di ba nya nakikitang mamamatay nako, may gana pa syang uyug-uyugin ang katawan ko na parang ginigising lang?! Pinilit kong linawin yung sight ko para makita ang mukha ng asungot na 'to at buti naman nagsucceed ako.
"Sorry talaga miss. Sorry sorry sorry!" so, ito pala nakabangga sa 'kin. Hmmm....
Pasalamat ka gwapo ka. TEKA! Ano ba Leila! GIsingin mo utak mo!
Hoy asungot! Di ako mapapagaling ng sorry mo! Daig mo pa ang Super Junior dyan sa dami ng sorry mo ha.
"TAKE. ME. TO. THE. HOSPITAL." hinatak ko sya sa palapit sa 'kin, at may diin kong sinabi ang mga katagang yun.
"Don't worry. I will." he gave me an assuring smile and with that everything went black.
----------------------------------------
A/N: Leila pronounced as Ley-la di Lay-la :)
BINABASA MO ANG
No Boyfriend Until He Came <3 [ON HOLD]
أدب المراهقينI'm not in a rush. Sadyang nababagalan lamang. Walang pake sa lovelife. Pero grabe mangarap ng boyfriend. Makakita ng lovers, mandiri wagas. Nasa isip naman, sana ako din may kaholding hands. Lagi ko na lang iniisip, busy pa si God kakasulat ng love...