CHAPTER III - Introducing Ace

68 0 0
                                    

[Leila's POV]

Akala nya ha....

Langyang lalakeng yun, pagkatapos niyang bayaran ang hospital bills ko bigla na lang syang nawala na parang bula!

Ano akala nya, ganun-ganun na lang?! Ano akala niya sa 'kin, mukhang pera?! Nadadaan sa pera?!

Hindi ako mapapagaling agad-agad ng pera niya!!

NAKAKAINIS TALAGAAA!!!

Grrrr! >:(

*flashback*

"Sino bang asungot yang pinagsasabi mo?" tanong ni Asha sa 'kin. Eh sino pa ba?! Eh di yung lalaken grabe magsorry na nakadisgrasya sa 'kin.

"Yung nakabangga sa 'kin" nakakabagot humiga buong araw ah. Bored na 'ko, pano na lang kaya kung two weeks akong bed-ridden?! Baka naging kama na ako pag nagkataon T__T

"Ah.... yun ba? Ahhh... Pagkatapos ka niyang ihatid dito sa ospital, eh hindi ko na sya nakita." sabi ni Asha habang nililigpit ang pinagkainan ko. Buti na lang may kaibigan akong maalaga tulad niya. Swerte ko naman. Hihihi! ^___^

Pero teka... speaking of that asungot...

kaasar yun ah!

Biglang di na nakita?! Ano sya aswang?? CORAZON?! Ano 'to joke?! NAMAAAAN!!

*end of flashback*

"Leila labas muna ako, may bibilhin lang ako sandali." paalam ni Asha. Nakahawak na sya sa doorknob pero lumingon ulit sya sa 'kin.

"Wag mo subukang tumayo! Kung ayaw mong magmukhang paralisado forever!" huling habilin lang?? Mukhang no choice naman talaga ako dito eh.

"Yes boss!" with matching salute pa yun, nginitian nya ako then tuluyan na syang umalis.

Haaaaayyyyyyyyyyyy...... Ang BORING!!!

Binuksan ko na lang yung tv para maaliw man lang ako ng konti.

* tok tok tok*

Uy! May tao! Aba syempre, may kumatok nga di baaa??

Leila namaaan -_____-

"Sino yan?" syempre tinanong ko muna kung sino. Baka naman si Cyndie? Malabo. Pumasok na kaagad yun. Di rin naman nurse, kasing kung nurse yan pumasok na rin yan kaagad.

"Aaahh.... Pede bang pumasok?" Teka. Boses ng lalake yun ah? Di kaya....

"Ummmm.... Hi.." di pa ako nakakasagot pumasok na sya. Tss. May pa hi-hi ka pang nalalaman ha? Oh well, at least may manners ka at naisipan mo pang magpakita.

Tama nga hinala ko, si asungot nga nandito. Tss. Dapat lang magpakita sya sa 'kin, duwag talaga sya pag hindi.

Actually, di naman talaga ako galit na galit sa kanya. Di naman nya sinsadya yung nangyari eh, sadyang minalas lang ako. Pero of course, the blame's on him... eh sya tong di tumitingin sa tinatakbuhan nya. 

"Ah.. So, ikaw pala yun?" patay mali. Kunwari walang alam. Tch. Naninigurado lang naman.

"Ah.. Oo, ako yun. Sorry talaga ha. Di ko naman sinasadya eh..." napakamot sya ng ulo. Ha! Nahihiya 'to panigurado. Guilty din ata? Kanina pa nakayuko eh, di ko nga masyadong makita mukha niya.

"Ah... Ok----" pinutol naman nya ako kasi bigla siyang nagsalita.

"Pero miss naman kasi.. ba't dun pa kayo dumaan yan tuloy nangyari sayo. Alam nyo namang may naglalaro di ba? Sana umiwas na lang kayo." this time inangat niya na ang ulo nya and yung expression ng mukha niya di ko maipaliwanag. Parang annoyed na irritated na ewan....

No Boyfriend Until He Came <3 [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon