CHAPTER VI - You DREW Me Closer To You

65 0 0
                                    

[Leila’s POV]

I’m hyperventilating

On the inside.

And di mapakali on the outside.

Gosh. Ba’t ba kasi sa ganitong paraan pa nya gustong makipag-usap sa akin?? Pede namang kasama ko yung dalawa habang nag-uusap kami ah… tulad ng dati! Hindi ako mahilig sa mga one on one talks eh! AAAHHH!

Spell AWKWARD.

Ganyang-ganyan nararamdaman ko ngayon.

So… kwentuhan mo naman ako, uhh… sa mga kaganapan sa buhay mo. Hehehe!” nakaupo na kami at nakapag-order. At habang naghihintay, tinanong nya ako ng kung anu-ano.

Ako lang naman ata nakakaramdam ng ilang dito eh, sya cool na cool pa rin. Sa bagay…

wala lang naman ‘to sa kanya eh, pero para sa kin iba. To him we’re just having a small talk over a dinner… but it feels like a dinner date to me.

AMBISYOSA lang noh?? Haaaay T_T

“Ha? A.. a… ak… ako? Wala naman akong maikukwento sayo kuya eh. Ikaw na lang. I’m sure marami kang makukwento sa ‘kin.” nginitian ko sya at ngumiti na man sya sa ‘kin. Haaaaay…

Kung alam mo lang kung gano ko namiss yang mga ngiti mo.

“Ayan ka na naman eh. Di ba sabi ko naman sayo wag muna akong tawaging kuya? Drew na lang.” pedeng my loves na lang?

PWE! Ang sagwa. Bura bura bura!

“Ha? Ah… eh… Nasanay na kasi ako kaya… Hayaan mo na lang na ganun.” kikiligin kasi ako pag Drew itatawag ko sayo. Hihihi!

“Hay naku. O sige na nga. Yan gusto mo eh. Uy teka… ba’t di mo ginagalaw pagkain mo? Kumain ka na.” dumating na pala pagkain namin. Pero okay lang…

makita lang kita busog na ako.

PAGBIGYAN NIYO NA AKO! Ngayon lang naman eh :DDD

“Ha? Ah… oo kakain na ako.” pasimple naman akong kumain, nacoconscious kasi ako.

“Kanina ka pa ha ng ha eh. Siguro nadudumbstruck ka sa ‘kin noh?” halos mabulunan ako sa sinabi nya. Ang lakas na ng self-esteem nito ah! Ganun ba sa Australia?! O_o

 “Dumbstruck ka dyan! Galing ka lang ng Australia, taas na ng self-esteem mo kuya ha!” pag pinagpatuloy mo yan, mas lalo akong mahuhulog sayo. Hihihi!

“Hahaha! Joke lang.” di okay lang, totoo naman eh XD

Pinagpatuloy ko lang yung pagkain ko… pero eating pretty. Tas pinagmamasdan nya pa akong kumain. Grabe! Ramdam na ramdam ko pamumula ng mukha. ANO BAAA!! Natutunaw ako eh!

“Leila… Di ka naman ganyan kumain ah. Diet ka ba ngayon?” ahhh… kaya pala. Tch. Di uso sa akin yan! Naiilang lang ako sayo! Dapat looking pretty ako sa mga mata mo. Ayiee!

“Hindi noh! Ah… este… oo pala. Hehehe!” kung si Cyndie at Asha pa kasama ko, kanina pa ubos tong pastang ‘to.  

“Ganun ba? Hmmm… Di mo naman kailangang magdiet eh, ang sexy mo na nga.” narinig nyo yun? NARINIG NYO YUN?!

SEXY AKO! Waaaahhh! Ako’y kinikilig!

“Tss. Kailan ka pa natutong mambola ha? Wag ka ng bumalik ng Australia andami mong nalalamang kababalaghan eh.” dito ka na lang sa tabi ko, tuturuan kitang mahalin ako. Ayieee!

“Don’t worry, di na kami babalik dun. Ayoko rin naman dun eh.” haaaayy… mabuti naman kung ganun. Ayoko na ring malayo ka sa akin eh. Hehehe!

“Uhmmm… Leila, may tanong ako.” magtanong ka lang, sasagutin ko basta ikaw :D

“Ano yun kuya?” tinignan ko sya at di ko alam na nakatingin pala sya sa akin. Ang seryoso ng mga  mata niya…

MY GOSH!

Malulusaw na talaga ako!

Inalis ko agad yung tingin ko sa kanya baka mahalata pa nya pamumula ng mukha ko. Nakakahiya!

“May boyfriend ka na ba?” Teka.

ANO DAW?? Nabingi ata ako dun ah.

Nagtatanong ba sya kung…

MAY BOYFRIEND NA AKO??

HELL NO! WALA PA! NOT YET! IKAW! IKAW GUSTO KONG BOYFRIEND!

AAAAHHHH!

“Ako? Ah… eh… wala pa. Hehehe!” ikaw pwede ka? Ayiee!

“Ganun ba? Mukha nga eh. Hehehe! Buti naman kung ganun.” tinignan ko sya ulit and this time nakangiti na sya sa akin. BAKIT?? May plano ka bang ligawan ako? No need! Sasagutin na kita agad XD

“Ikaw kuya… May… girlfriend ka na ba?” nacurious ako eh! Mas mabuting tanungin ko sya di ba? Para makasigurado ako. Hehehe! Sabihin mo wala. WALA!

“Uhhmm… Meron na. Kaso di ko lang sya sinama ngayon kas----” pinutol ko na sya. TAMA NA! Masakit. Sana di na lang ako nagtanong T_T

“Talaga? Wow. Congrats Kuya!” kinuha ko yung kamay nya at nakipagshake hands. BAKIT?!! Ba’t di mo ko hinintay?! Nag-iipon pa ako ng sapat na lakas ng loob eh, alam mo ba yun?! Nakakainis ka!

Pero mas naiinis ako sa sarili ko. Ako yung duwag eh.   

DUWAG KA! DUWAG KA LEILA!

Malamang di nya malalaman na mahal mo sya kasi di mo man lang sinabi! Masyado kang takot eh! Kaya ayan na pala mo!

“Leila… Okay ka lang? Dahan-dahan lang baka mabulunan ka nyan. Akala ko ba diet ka?” manhid ka. Di ba obvious?! Binubuhos ko ang nararamdaman ko sa pastang ‘to! At isa pa, ayokong umiyak sa harapan mo! Para san pa pagiging magaling kong umarte kong magpapahalata lang ako sayo.

“Ha? Okay lang! Madali lang naman akong matunawan eh. Ganito naman talaga ako kumain di ba? Wag kang mag-alala!” hindi mo nga inaalala nararamdaman ko ngayon! Sa bagay… wala ka namang alam! NAKAKAINIS TALAGA!  

“Oo nga naman noh. Hehehe! Sige kain lang ng kain.” KAKAIN TALAGA AKO NG KAKAIN! Pero di ko na ata kaya magstay dito eh.

“Ah… kuya, uuwi na ako. Naalala ko may exam pa pala kami bukas, kailangan ko pang mag-aral. Sa susunod na lang ulit… sorry ha. And salamat din pala. Sige, una na ko. Bye!” di ko na sya hinintay magsalita ulit. Ayoko na! Tama na! Hindi ako broken! Sadyang nalulungkot lang. Yan kasi… magpakaduwag ka pa :(

Bakit ba ganun?!?! Bakit ganun pa ang dapat na mangyari? :(

Haaaaaay… Magmomove-on na lang ako.

Tanggapin na natin, may girlfriend na sya. Di naman ako yung tipo ng tao na, “Asawa nga naaagaw, girlfriend pa kaya?”

Di ako ganun. Di ako mang-aagaw. At di ako ganun kadesperada. Sya mahal ni Drew eh, ba’t makikisawsaw pa ako? Ang pangit naman nun di ba?

“Leila?”

Nasa may elevator na ako ng may tumawag sa akin.

Nilingon ko naman kung sino yun.

At kung minamalas nga naman……

BA’T BA LAGING SUMUSULPOT YANG ACE NA YAN?!?!

No Boyfriend Until He Came <3 [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon