After a decade... Ako'y nakapag-update. BOW! XD
----------------------------------
Kung makapag-emote naman ako… WAGAS.
NAMAN KASIIIIIIIIIIIII!
Sadyang nahurt lamang. Pakialam niyo ba?!?! WAAAAAAAAAAAAAAH!
“Leila, tama na yan. Uy!” kanina pa ako pinapatahan ni Asha at Cyndie dito. Pero out of people’s sight na kami. Di naman ako ganun ka-skandalosa noh, na mag-ngangangawa sa gitna ng campus. Di ako ganun ka-shunga te! May kahihiyan din naman ako kahit papano.
Pinipilit ko ng tumigil sa pag-iyak pero… langyang luha naman oh! Di maubos-ubos, bagsak pa rin ng bagsak!
“Leila… Ano ba kasi nangyari? Hulaan ko, may iba na sya noh?” nagtanong ka pa Cyndie, sinagot mo rin tanong mo. Pwes, tama hula mo. Tumango lang ako, at naintindihan din naman niya.
“Hay naku Leila. Tumahan ka na nga, di din naman mapupunta sa iyo yun kahit mag-iiiyak ka dyan.” ang ganda naman ng advice ng babaeng ‘to. Pero may point naman siya. Alam ko naman na wala na akong magagawa kasi taken na siya. Hindi naman ako yung tipon ng tao na sasabihin na, “so what kung taken na siya!?! Eh kung ang asawa nga maaagaw pa, boyfriend pa kaya!?!” Hindi naman ako ganun ka desperado sa kanya, pero di ko naman maitatanggi na nasaktan talaga ako. Mahal ko nga diba?
“Uy Leila, tama na yan. Maghintay ka na lang na mag-break sila ng girlfriend niya, ‘tas dun ka na ulit pumorma.” tiningnan ko ng masama si Cyndie, pero ngiti lang ginanti niya sa akin. Ba’t ko ba naging kaibigan ang mga ‘to?!? Lakas ng sira eh! Ako pa ngayon ang poporma?!? Sira talaga. Haaaay.
So ito na ba ang sinasabing nilang heartbroken?
Nagmahal lang nga ako, di pa ako nagkakaboyfriend…
heartbroken na ba yun??
Kailangan ko na talagang tumigil sa pag-eemote ko. Ang OA na eh. Nakakapangilabot isipin nagkakaganito ng dahil lang sa lalake. Pero kasi…
WAAAAAAAAAAAH!
Karma ko nga siguro to. Pano ba naman kasi, noon halos pandirihan ko yung mga taong umiiyak ng dahil lang sa lalake. Lagi kong sinasabi na di naman sila worth it na iyakan, di rin akong naniniwala sa salitang heartbroken kasi naman may pusong bang nababasag?!? Ano yan baso, broken?!? Do not accept if the seal is broken?! Pilosopo na kung pilosopo pero sino ba naman gumawa ng salitang yun??? Ang chuchu naman kasi. Parang ang corny. Psh.
Laging sinasabi ng mga kaibigan ko sa akin sa tuwing nag-aadvice ako sa kanila ng nega, “di mo kasi naiintindihan”, ngayon alam ko na. Gets ko na. Naiintindihan ko na!
Kinain na nga siguro ako ng mga sinabi ko. Haaaaaaay.
Pagkatapos ng ilang minuto, kumalma naman ako. Mabuti naman at napagod rin ang luha ko sa kakatulo at syempre ang side-effect, sumakit ang ulo ko. Di na rin kami nakapasok sa next class namin dahil sa pag-iyak ko. Ayoko rin naman pumasok na pinagtitinginan at tatanungin kung anong nangyari. Isa pa, ang pula ng mukha ko! Nagmukha akong kamatis. Ganito talaga ako pagkatapos umiyak, nagmumukhang adik. Namumula ang mukha pati na rin yung mga mata. Kaya nga ayaw na ayaw kong umiyak eh! Tapos ngayon anong nangyari!? Lalake lang nagpaiyak sa akin! Oh life.
Pero di din naman siya kung sinu-sinong lalake lang sa tabi-tabi. Childhood friend ko yun. May pinagsamahan din kami kahit papano. Ayokong masira at mawala lang yun.
Ito na nga bang sinasabi ko na takot akong mainlove, kasi takot akong masaktan. Buti na lang di ako napaamin sa kanya, kaya di masisira friendship namin. At isa pa, nakakahiya noh! Basted pa ang labas ko.
Ngayon pa lang dapat magmove on na ako.
Naglakad-lakad na lang kaming tatlo, kasi wala naman kaming magawa at since maganda naman ang panahon di ko ‘to sasayangin sa pagmumokmok ko. Balik normal na ang mukha ko, at napagdesisyunan namin na pumunta ng canteen para kumain dahil kailangan ko yun lalo na ngayon.
Nakarating na kami at lahat-lahat ng makasalubong naming ang ilan sa mga classmates naming. Aba! Di rin pala pumasok ang mga tao. Ha! Di kami nag-iisa.
“Friends!” sabi nung classmate kong si Mae. Actually, di kami masyadong close. Di kami magkavibes eh, malandi ang babaeng ‘to di ko carry. Nagwave sya sa amin parang iniinvite kami sa table nila, dalawa pala silang nakaupo dun. Ayaw naman naming maging rude kaya dun na rin kami umupo. Ako lang yung unang umupo since pumipila pa yung dalawa. Sabi nila treat daw nila ako. Ha! Sana ganito na lang palagi para libre din ako. Hahaha!
Yung dalawang classmate ko chika to the max, kasali ako sa usapan pero parang hindi naman. Wala naman akong maintindihan eh, ngiti, tango at occasional na “oo” lang ang masasagot ko sa kanila. Since wala naman akong care sa pinag-uusapan nila, pinaglaruan ko na lang yung cellphone ko. Ang tagal naman kasi ng pagkain eh! Gutom na ako!
And after how many years of waiting, dumating na rin sila Asha bitbit ang pagkain ko! Sinunggaban ko na agad yung pagkain, di na ako makapaghintay eh. Magrereklamo pa sana si Asha, pero di na nya tinuloy alam naman nya kung bakit.
Busy na kami sa pagkain habang yung dalawang classmate ko, chika nila ang kinakain at daldal pa rin ng daldal. After a while, biglang natahimik yung dalawa at parang naconscious. Liningon ko yung tinitingnan nila na kakapasok lang sa canteen. Oh.
Asungot.
"Tignan mo, ang gwapo niya diba? EEEKKK!" kung makatili naman ang isang to, SAGAD. Buti na lang di pa napupunit lalamunan ng babaeng 'to. Tch.
"Oo, gwapo." yun lang sagot ko. Di ko naman type, mukha kasing manyak -__-
At isa pa, malas ang lalakeng yan. Kaya pala sila natigilan. Tch. Wala akong pake sa kanya, as if sinong sikat na kailangan titigan.
"Ang gwapo niya talagaaaaaaaaaaa!! AAAHHHHH! Hoooo~~" sabay paypay niya sa mukha niya, eh pano ba kasi pulang-pula na parang lelechonin. Eto pang isang 'to, tao lang naman yan ah sadyang biniyayaan lang. Hanggang mukha lang naman yan, kasi ang sama ng ugali!
Haayyyy nakuuuuuu. Inaamin ko naman sa sarili ko na gwapo talaga siya tas mayaman pa, eh ano ba naman pake ko?! Di lang naman siya ang nag-iisang gwapong nilalang sa balat ng lupa kaya he's just PLAIN gwapo to me. Marunong di naman ako tumingin ng gwapo, pero yun lang. Period. Mas gwapo pa rin crush ko. O sige na, hanggang ngayon crush ko pa rin si Drew! Hayaan niyo na ako! Pati ba naman yun ipagkakait niyo pa.
"Leila... Si... ano ...oh..." habang busy akong kumain dito, di ko namalayang may nakatayo pala, ay hindi, lumuhod pala sa tabi ko parang nakilevel kumbaga nakaupo kasi ako. Kumakain nga dba? Hay.
Then paglingon ko.......
he kissed me and ask, "Will you be my girlfriend?"
O______________________________________O
MY.
FIRST.
KISS.
WTH?!?! WHO DID HE THINK HE IS?!!
--------
A/N: Kasali sa introduction yung last part dito. Baka kasi magtaka kayo :)
Lame update. I know ~
BINABASA MO ANG
No Boyfriend Until He Came <3 [ON HOLD]
Teen FictionI'm not in a rush. Sadyang nababagalan lamang. Walang pake sa lovelife. Pero grabe mangarap ng boyfriend. Makakita ng lovers, mandiri wagas. Nasa isip naman, sana ako din may kaholding hands. Lagi ko na lang iniisip, busy pa si God kakasulat ng love...