“Hi Leila” bati nya sa akin with matching smile pa. Tch. Wag mo ‘kong mahi-hi dyan, bad mood ako ngayon. Nasa mall pa rin ako at kasalukuyang nasa elevator kasama ang asungot na ‘to.
“Ba’t ba ganyan mukha mo? Ngumiti ka naman dyan. Sige ka, papangit ka nyan.” asar naman to oh! Di ba nya ako tatantanan?! At kung may pangit man ditto, SIYA YUN WALA NG IBA!
“Wag mo kong kausapin. PLEASE.” pinakiusapan ko siya in the nicest way that I can… kahit sa kaloob-looban ko, gusto ko na siyang sigawan.
“Para san pa’t ginawa ang bibig kung di rin naman ito gagamitin? So it means… kakausapin pa rin kita.” Aba! PILOSOPO ‘TO AH! Ngumiti ka pa dyan, pipilasin ko na talaga yang bibig mo! Konti na lang talaga sasabog na ako!
Imbis na sa ground floor ako bumaba, napilitan akong lumabas sa second floor. Para di ako makapag-eskandalo dito, dapat kung iwasan yung asungot na yun.
“Uy Leila! Sandali!” ANO?!? Sinusundan nya ba ako?! Ano bang kailangan nya?!?! Hindi ko siya nilingon at patuloy pa rin sa paglalakad.
“Leila! Sandali lang kasi! Hintayin mo ‘ko! Oy!” BAHALA KA! Lalo mong sinisira ang araw ko!
“Gotcha!” naabutan nya ako at hinawakan niya ako sa braso. Puno na talaga ako sa isang ‘to ah! Tiningnan ko sya ng masama pero wa epek naman sa kanya. Kainis na nilalang naman to! ARGH!
“Bitawan mo nga ako! Ano bang problema mo’t sinusundan mo ‘ko?!” pinipilit kong kumalas sa pagkakahawak niya sa akin pero ayaw niya talaga akong bitawan.
“Gusto kitang sundan eh.” sabay ngiting may pakislap-kislap na mata. ABA! May gana pa talaga siyang mang-asar! Hindi ba niya nakikita na wala ako sa mood?!! What an answer! KAASAAAAAAR!
“Pede ba tigilan mo na nga ako! Wala ako sa mood makipagbiruan sayo! Kaya please lang, lubayan mo na ako! At tsaka isa pa, close ba tayo ha?! Hindi tayo close, at hindi kita FRIEND kaya tigilan mo ako!” Di ba nakakaintindi agad ang asungot na ‘to?! Parang natauhan naman siya sa sinabi kong hindi kami close, at binitawan niya ako. Naglakad na ako ulit pero hinawakan na NAMAN niya ako.
“ANO BA! Tigilan mo ako sabi eh!” nagsitinginan yung mga tao sa paligid namin dahil sa bigla kong pagsigaw. Binigyan ko siya ng death glare na nagsasabing BITAWAN. MO. AKO. Ayokong ipahiya sarili ko dito pero di ko na makayanan ang isang ‘to. Pinupuno niya talaga ako!
“Oh. Sorry.” binitawan na nya ako at tinaas yung kamay niya na parang susurrender. Pagkatapos nun, umalis na ako at iniwan ko na sya. Ayun naman pala eh! Hinintay niya pang sigawan ko sya dun. Tch. Sana sinabunutan ko na lang yung asungot na yun! Sira na nga araw ko, sinira nya pa lalo! ASUNGOT talaga kahit kailan!
[NEXT DAY]
“KUMUSTA?” yan ang bungad nila sa akin pagdating ko sa campus. As in, OPENING REMARKS. Anlaki ng ngiti ng dalawang ‘to. Tch. So alam din pala ni Asha… pinlano nga talaga nila.
“Kumusta ang alin?” as if naman may nangyaring maganda kahapon, ang maganda lang naman kahapon ay nung kumain ako ng pasta eh, hanggang lalamunan nga lang.
“Sus! Kunwari ka pa. Alam mo naman kung ano tinutukoy namin.” wag na kasi kayong magtanong! Ayokong maalala yun eh!
“Ano ba kasi tinutukoy niyo?” bahala kayo dyan! Dedma ako! DEDMA! Di ko kayo sasagutin! Di ba obvious sa dalawang ‘to na gloomy ako ngayon?! Haaaaay.
“Yung DATE niyo ni Drew!” sabi nila in unison. And take note… emphasized ang DATE. Anong date?! Tch. Kung alam niyo lang…
“Date? Tch. Nag-usap lang kami. Yun lang.” obviously, wala ako sa mood magkwento dahil wala rin naman akong maikukwento.
“Anong yun lang?! Alam ko meron something eh… Sabihin mo na kasi.” Oo, may something talaga! BAD MOOD AKO! ANO BA!
“Anong something ba pinagsasabi niyo?! Nag-usap lang kami! Yun lang! Ang kulit niyo!” di na ako nakapagpigil at nasigawan ko yung dalawa. Haaay…
“Oh. Sorry.” dahan-dahan namang lumayo yung dalawa.
“Hayain muna natin siya, mukha di ata maganda nangyari eh.” bulong ni Cyndie kay Asha. Binulong mo pa, dinig na dinig ko naman -___-
Nakita kong tumango si Asha sa kanya, at lumayo na sila sa akin.
Patuloy naman ako sa paglalakad, pero since di ko matagalan ang ganitong atmosphere ng pagpapaka-emo and all… Haharapin ko na lang tong dalawa. Alam ko namang curious to the bones sila sa nangyari.
Tumigil ako sa paglalakad at humarap ako sa kanila. Natigilan din sila at nagtinginan kaming tatlo.
*blink blink blink*
PERO PANO KO BA SISIMULAAAAAAAAAAAN!
Nahihiya ang insides koooo! Shemaaay T_T
“Uhhh… Leila… May problema ba?” tanong ni Asha sa akin with a questioning look (syempre nagtatanong nga eh, questioning talaga).
“Ano kasi… ano… Kahapon… ano…” ANO LEILA?!?! ANOOOOO?!?!! Utal lang te?! Ba’t ba di ko masabi?!! Nakakailang naman to eh… Di naman kasi ako nag-oopen ng topic about LABLAYP. Eh kasi naman wala akong ganun noh! Censored word yun sa akin, di pa ako nagalaw ng mga katagang yun. NAKAKAILANG TALAGAAAAAA!
“Asha… Cyndie…” ayan na guys… guys ayan na…
“ANO?!?” di naman halatang di mapakali noh???
UWAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!
Yan na lang sinagot ko. Shemay teh… NAKAKAHIYA! Umiyak ako sa harap nila at hindi lang yun…
SA HARAP NG MARAMING TAO!
Students pala. Pero tao din naman sila diba?
MY GAAAAAAAAAAAWD.
Hypothalamus control my feelssssssss!
DI KO MATANGGAP NA MAY GIRLFRIEND NA ANG TAONG MAHAL KO! </3
BINABASA MO ANG
No Boyfriend Until He Came <3 [ON HOLD]
Teen FictionI'm not in a rush. Sadyang nababagalan lamang. Walang pake sa lovelife. Pero grabe mangarap ng boyfriend. Makakita ng lovers, mandiri wagas. Nasa isip naman, sana ako din may kaholding hands. Lagi ko na lang iniisip, busy pa si God kakasulat ng love...