[Asha's POV]
"Leila... Yohooo! Gising ka na ba?" tinapik-tapik ko yung balikat niya to check kung magigising na ba sya. Andito kami ngayon sa ospital, at ako ang kasalukuyang nagbabantay dito kay Leila.
Haaayyyyyyyy...... Di pa rin sya nagigising, limang oras na siyang walang malay eh. Di kaya....
COMA na ito?! O_______O
NO! NO! NOOOO!
Di naman malala nangyari eh, kailangan niya lang magpahinga for two weeks dahil napuruhan likod niya. Ano ba naman kasi tong pinag-iisip ko. Di kanais-nais. ERASE ERASE ERASE!
Naaawa talaga ako kay Leila, nakakainis talaga yung lalakeng yun ah! Gwapo pa naman...
Ano ba! Di naman mapapagaling ng itsura niya ang kaibigan ko. Pero naman kasi....
Bakit si Ace pa????!
Okay. Let me introduce to you Ace Spencer Jimenez. Isa sa mga popular boys sa Engineering Dept. Matalino, mayaman, football player at higit sa lahat.....
GWAPO.
To be more specific, civil engineering course niya at sophomore na siya. Sa amin kasi, pugad ng mga matatalino, magaganda at gwapo ang engineering. Ewan ko ba anong meron sa course na yan at dyan nila naisipang mag-unite.
At ang common sa mga gwapo, habulin sya ng mga babae. May mga poser, fan pages at iba't iba pang chuchu yun online. Thousands na rin subscribers nya sa Facebook, at kada post nya hundreds agad ang likes. Kasi nga gwapooooooooo....
Dami kong alam noh? Hehehe! Ganyan talaga ako eh, di nagpapahuli...
and yeah, crush ko sya pero konti lang naman XD
Pero ang rare sa kanya, eh wala pa syang current girlfriend. Eh di ba pag gwapo, usually taken? Walang nagtatagal na single? Eh sya wala eh. Wala rin naman akong naririnig na nalilink sa kanya. At sabi nila, ang last relationship nya was a year ago. Ang dami-daming magaganda sa building nila, grabe naman kung wala syang natipuhan. Baka naman....
BAKLA sya?? O______O
Oh my. Wag naman sana. Sayang lahi nya. Imposible naman talaga, nagkagirlfriend na nga sya di ba? Pero balita ko rin kasi, di maganda ugali ng lalakeng yun pagdating sa mga babae.
Baka may kaugnayan sa past niya? O sadyang pihikan lang talaga siya? O kaya naman...
Allergic sya sa mga babae?? Tss. Malabo.
"Asha...." bigla naman akong natauhan ng marinig kong magsalita si Leila. Agad-agad naman akong lumapit sa kanya.
"Leila? Leila? Gising ka na ba talaga? Uy!" tinapik ko ulit sya, kumusta naman yung tanong ko? -_-
Buti na lang, this time, sumagot na sya. Gising na nga talaga.
"Asha? Ilang oras na ba ako nandito? Teka.... Aray!" inikot nya yung paningin nya sa room then sinubukan nyang magsit-up but to no avail, di nya nagawa.
"Buti na lang gising ka na pero humiga ka na lang muna, sabi kasi ng doctor kailangan mong magpahinga for two weeks. Napuruhan kasi likod mo. Kumain ka muna." pinahiga ko sya ulit pero yung parang nakataas ng konti yung ulo nya. Kinuha ko na rin yung pagkain para naman makakain na sya.
"Teka... susubuan na lang kita." mukha namang mahihirapan sya eh.
"Huh? Ah.... ehh... Thanks Asha." nagsmile sya sa akin then sinimulan ko na syang subuan.
Natatawa pa nga kami eh, ang awkward kasi.
"Teka.... Ano ulit yung sabi mo? Ilang araw akong magpapahinga dito?" susubuan ko na sana sya ulit pero hinarangan nya kamay ko.
"Ah.... yun ba? Pede ka naman sa bahay nyo magpahinga eh. 2 weeks ang sabi ng doctor. Bakit?" kakasabi ko nga lang eh, nakalimutan agad?
"ANO?! 2 WEEKS?! Hindi! Hindi pwede!" ayun, naging hysterical na sya. Ano ba problema ng babaeng 'to? o____O
"Uy teka! Bakit ba? Kung makareact ka naman eh." SAGAD. Idudugtong ko sana yan, kaso wag na lang.
Baka ayaw nyang magpahinga at gusto na niyang matuluyan??
"HIndi pwede! Exam na natin next week Asha. EXAM! Tas pano na studies ko??! Marami akong mamimiss na lessons! Di mo ba naisip yun ha?! NAMAN EH!" aaahhhhhhh... yun pala. Akala ko naman ano na eh. OA nito ha. Grabe.
"Naman Leila, yun lang naman pala eh! Madali lang naman yan.... yung sa exam, pede ka namang magspecial exam syempre ieexcuse ka ng mga teachers. Kakalbuhin ko sila pag di ka nila binigyan ng konsiderasyon! Yung sa mga lessons naman, sus! Andito naman kami ni Cyndie eh, tuturuan ka namin tas ipapakopya namin sayo lahat ng notes na kailangan mo. Oh di ba? May solusyon naman yan eh." haaay naku, tong babaeng 'to di nag-iisip.
"Aaaahhhh...... Oo nga noh." nag-isip ng konti, "Hehehe! Pasensya na ^_____^"
See? Di talaga nag-iisip.
"Speaking of Cyndie, nasan ba sya?" tanong nya sa 'kin habang pinapakain ko sya ulit.
"Pinauwi ng parents nya pero pupunta sya dito mamaya." patuloy pa rin ako sa pagpapakain sa kanya, ikalawang plato na nga to eh. Matakaw talaga kahit kailan.
"Teka.... Nasan na yung asungot?" natigilan naman ako sa pagsubo sa kanya, ang seryoso kasi ng mukha niya eh.
ASUNGOT??? Teka... Sino bang asungot pinagsasabi nito?
![](https://img.wattpad.com/cover/1278439-288-k337897.jpg)
BINABASA MO ANG
No Boyfriend Until He Came <3 [ON HOLD]
Teen FictionI'm not in a rush. Sadyang nababagalan lamang. Walang pake sa lovelife. Pero grabe mangarap ng boyfriend. Makakita ng lovers, mandiri wagas. Nasa isip naman, sana ako din may kaholding hands. Lagi ko na lang iniisip, busy pa si God kakasulat ng love...