[Cyndie’s POV]
BABALA:
Malandi akong mag-isip.
Patnubay ng magulang ay kailangan.
Di joke lang.
Di naman, sapat lang ^___^
Andito pa rin kami sa café……
Parang tumigil mundo ni Leila ng makita crush niya.
Oo, tama nabasa niyo. CRUSH niya. Like na nga ata eh. Ay hindi…
LOVE na talaga. Ayaw lang talagang aminin ni Leila sa amin.
Actually, childhood friend nya yung guy. One year older than Leila, schoolmates sila nung elementary at highschool. Sa kadahilanang sila’y magkababata, iisa na rin sila ng school.
Kung di lang pinakilala ni Leila sa ‘min na kaibigan nya yun, napagkamalan na siguro namin silang magkasintahan. Bukod sa ang sweet ng guy sa kanya, ang cute pa nila tignan. Kinikilig nga kami sa kanilang dalawa eh. Pero according to Leila, friends lang nga sila.
Capital F-R-I-E-N-D-S. FRIENDS.
Yeah kilala namin yung guy, kaibigan pa nga eh. Kasi nga di ba highschool friends and classmates kami ni Leila kaya syempre kilala din namin yun. Pero nung summer kasi bago kami magsecond year at mag-tithird year sya, umalis naman sila patungong Australia. At kung minamalas nga naman si Leila…
wala sya that time dahil pumunta sya ng London para puntahan ang parents nya na dun nagtatrabaho kaya di nakapagpaalam yung guy sa kanya. Nabalitaan na lang niya na umalis yung guy nung nag-email kami sa kanya.
Nang bumalik si Leila dito sa Pilipinas after ng two months vacation nya sa London, mukha na syang anorexic. Eh panu ba kasi sa sobrang depressed, di na daw kumakain at nagkukulong na lang daw sa kwarto.
“Bakit di nyo agad sinabi sa ‘kin?” maluha-luha pa sya nung tinanong nya kami sa airport, kami kasi sumundo sa kanya. Mag-isa lang kasi siyang umuwi, yung parents nya nasa London. Dun nga nagtatrabaho di ba?
“Sorry Leila! Eh nung sinabi nya nga sa amin yun, ikaw agad unang pumasok sa isip namin. Sorry!” niyakap ni Asha si Leila at dun umiyak na siya. Worried na worried talaga kami sa kanya nung mga panahon na yun.
Sa palagay niyo…. simpleng CRUSH pa ba nararamdaman nya?
Obvious naman sigurong hindi di ba?
Wala naman talagang masyadong kinukwento si Leila tungkol sa guy, pero ayon nga sa kasabihan… “Action speaks louder than words.”
Dun pa lang napagtanto na namin na mas malalim pa ang nararamdaman ni Leila para sa lalakeng yun.
“Uy! Kuya! Kumusta ka na? Teka, kailan ka pa umuwi dito?” magaling din umarte to ha. Akalain nyo, parang long-time-no-see-pare lang? Pero deep inside alam kong nagtatalon na sa kaligayahan yan. Bilib din ako dito kay Leila, kalmado pa rin parang… wala lang nakabalik na sya kumusta, ganun lang.
“Okay lang ako, last year lang kami nakabalik dito. Ikaw kumusta ka na? Namiss kita ah.”
Namiss? Nakuuu! Pustahan tayo, di na makakapagsalita ng maayos si Leila.
“Huh? Ah… ta.. ta.. talaga? Ak.. ak.. ako din Kuya. Hehehe!” see? Sabi ko na sa inyo eh. Lumapit yung guy sa kanya at inakbayan sya. Ha! Panigurado na ‘to. Namumula na si Leila. Ahahaha!
Teka nga muna…..
HELLOOOO! Andito pa kami! HELLOOO!
May sariling world na sila eh, nakalimutan na nila na andito kami ni Asha at tsaka yung mga kaibigan niya.
BINABASA MO ANG
No Boyfriend Until He Came <3 [ON HOLD]
Teen FictionI'm not in a rush. Sadyang nababagalan lamang. Walang pake sa lovelife. Pero grabe mangarap ng boyfriend. Makakita ng lovers, mandiri wagas. Nasa isip naman, sana ako din may kaholding hands. Lagi ko na lang iniisip, busy pa si God kakasulat ng love...