CHAPTER IV - Buhay Pag-ibig ♥♥♥

96 1 0
                                    

“You looked beautiful in that picture.”

“You looked beautiful in that picture.”

“You looked beautiful in that picture.”

SO WHAT?!! Akala niya kikiligin ako sa sinabi niya?! Dyan sya nagkakamali! Ano akala nya makukuha nya ako sa ganun-ganun na lang?! TSE! Pwes, di ako katulad ng mga babaeng binobola niya.

Sino bang uto-uto ang mapapaniwala niya sa linyang yun?! Kung di lang sana sya umalis kaagad siguro nasabi ko pa sa kanya na….

EH SA PICTURE LANG NAMAN PALA EH!

EH DI IYO NA, LAMUNIN MO!

At isa pa, ID picture yun. Walanjo. Halos pagtawanan nga namin mga mukha namin dun eh. Tch. Duling yung taong yun!

“Oy! Ba’t ang tagal mo? Halos ubusin na ni Cyndie lahat ng pagkain dito sa kakahintay sayo oh!” pagdating ko sa canteen yan bumungad sa ‘kin. Tinuro ni Asha yung table nila na halos napuno na ng kahit anong pagkain… wrappers, plates, at iba pang pinagkainan.

“Di okay lang. Take your time, Hihihi!” patuloy pa rin sa pagkain si Cyndie. Nakapagtataka talaga dahil kahit gaano karami kainin nya di pa rin sya tumataba. Sexy pa rin kumbaga.

“Sorry guys ha. May nakasalubong kasi akong di kaaya-aya.” nilabas ko na yung lunch ko at nagsimula ng kumain. Oo, nagbabaon pa rin ako. Syempre para makatipid pero minsan kanin lang binabaon ko.

“Sino ba yun? Parang di talaga kanais-nais nakita mo eh, yung aura mo din di na kanais-nais.” tanong ni Asha. Aba. Halata ba talaga? Psh. Panira ng araw naman talaga yun eh… asungot.

“Yung dangerous boy….” sagot ko kay Asha habang patuloy pa rin sa pagkain. Kaya love na love kung kumain eh, nakakalimutan ko lahat ng masasamang chuchu sa paligid.

“Ah… Si Ace ba kamo? Hanggang ngayon ba BV ka sa kanya?” Ace? Choco Munch? Tss. Biskwit naman pala pangalan nun eh, ansarap durugin.

“Ace ba pangalan nun? Tch. BV talaga!” wala akong pakielam kung sino sya, isang malaking anonymous naman sya para sa ‘kin.

“Grabe ka naman Leila. Sure ka di mo kilala yun? As in? Kahit nung nagkausap kayo sa ospital di mo sya namukhaan o kaya naman familiar sayo? Halos buong campus kilala nga sya eh.” Eh ano ngayon? Kailangan ko bang syang makilala? Tss. Tsaka ano bang chuchu ng lalakeng yun? Familiar? Noon hindi pero ngayon…. FAMILIAR na talaga!

“Ngayon, oo. KILALANG-KILALA. Pero nung hindi pa nagbangga landas namin, syempre not existing sya sa mundo ko.” kain pa rin ako ng kain dito, sinasabayan pa nga ako ni Cyndie eh. Hihihi!

“Isa yun sa mga sikat na boys sa engineering. Di mo ba alam yun?” sabat ni Cyndie. WOW. Nagsalita na rin sya. Pero bumalik naman agad sa pagkain. Ferb ikaw ba yan?

“Wow Cyndie. I’m so proud of you! Akalain mo, nagsasalita ka pala?” pabiro kung sabi sa kanya. Ngumiti lang sya sa akin at nguya pa rin ng nguya.

“Buti pa si Cyndie alam niya. Tch. Grabe ka naman. Di ka talaga nakikiramdam sa paligid mo noh?” Bakit? Nararamdaman ko naman ang hangin ah, naririnig ko ang twit-twit ng mga ibon, pati na rin ang iba’t ibang ingay ng tao… Ano pa ba ang dapat kong maramdaman sa paligid ko?

“Hindi.” ang haba nang nasa isip ko pero yan lang sagot ko kay Asha. Alam nyo naman ako… matipid magsalita, mahabang mag-isip.

No Boyfriend Until He Came <3 [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon