CHAPTER IX - I Bid My First Kiss Goodbye

36 0 0
                                    

WHAT THE HELL WAS THAT?!?!

Puno na talaga ako ng galit dahil sa lalakeng yun.

BASTOS! MANYAK! PERVERT!

Anong akala niya?!

Porke’t gwapo sya at lahat, may karapatan na siyang mahalik?! At ako pa talaga ang pinagtripan nya?!

I HATE HIM!

That was my first kiss. FIRST KISS. But now it’s gone…

stolen by a jerk.

I don’t care kung nagmumukha na akong OA…

NAMAAAAAAAN!

Di kami close, di ko sya masyadong kilala, we’re not even friends, tas bigla niyang gagawin yun with matching “Will you be my girlfriend”?! The hell! Nagdrugs ata yun eh! Worst is, andaming nakakita. Shoot. Nakakahiya! Anong akala niya sa akin, easy to get?! Isang kiss lang, OO agad?! Akala nya madadala agad ako ng dahil sa mukhang meron sya?! Pwes, he’s just SO wrong. Walang modo, walang respeto. SH*T talaga!

Di na ako kinausap ni Asha at Cyndie dahil sa mga panahong galit na galit ako, ayokong may kumakausap sa akin at baka sa kanila ko pa maibuntong ang galit ko. Nanginginig talaga ako sag alit, pero di ko pinapahalata. Di naman ako yung tipong nagwawala at nagsisisigaw tas sinusugod yung kalaban ng basta-basta. Kalmado akong tao, pero nagngingitngit na ang kalooban ako. Di ko talaga maintindihan…

WHY ME?! The hell that guy. Ano bang kasalanan ko sa kanya?! Kung tutuusin, sya nga ay may maraming kasalanan sa akin!

Ang pinakaayaw ko naman sa lahat ay yung pinaglalaruan ako. Nakakawalang respseto at nakakapanlumo. Sabihin pa nila weak ako. Sh*t lang talaga.

Kung kayo halikan ng stranger! Matutuwa ba kayo?! Kahit gwapo pa yun?! Kung oo sagot niyo, pwes magkasalungat tayo. Malalandi lang ang nahuhumaling sa mga lalakeng katulad nya. Pasalamat yung Ace na yun at di ko sya sinampal at minurder sa harap ng maraming tao. Buti na lang marunong akong magcontrol emotion at di ako basta-bastang nagpapadala sa galit.

“Uhmm… Leila…” nasa mall kami ngayon, nagpapalamig… ng ulo. Hindi ko kayang magtagal sa school at baka makita ko pa ang pagmumukha ng manyak na yun, may magawa pa akong masama.

“What?” I tried to be calm as much as possible. Relax Leila relax. Walang kasalanan ang mga friends mo, kaya di dapat magalit. Wag magkalat ng bad vibes.

“Someone’s coming… and… I think… you wouldn’t lik---“ sa tono ng boses ni Cyndie parang winawarningan niya ako na may kasamang pag-aalala. Di na nya natapos ang sasabihin nya kasi may biglang sumigaw ng pangalan ko.

“Leila!” it’s a guy. And it doesn’t sound like Drew. At pilit ko mang ideny kung kaninong boses yun,pumunta talaga sya sa harapan ko para ipamukha ang obvious.

“What. Are. You. Doing. Here?!” kahit ang aircon ng mall di kayang palamigin ang nag-iinit kong ulo lalo na ng makita ko ang pagmumukha ng Ace na ‘to.

Kill me now.

WHAT DOES HE WANT FROM ME?!

“Leila, alam kong nagulat ka sa ginawa ko. Pero pwede ba tayong mag-usap?” FC mo! Di tayo close! Lakas ng loob mong magpakita sa akin ah! Akala ko ba isnabero at mayabang ang lalakeng ‘to? Why does he sound like pleading to me? Neknek niya! I have nothing to talk with him! The more na nakikita ko ang mukha niya, mas tumitindi ang galit ko. He’s a pain in the head!

“Pwede layuan mo muna ako?! O mas maganda, wag ka nang magpakita sa ‘kin?! Look. Yung ginawa mo talagang… talagang… urgh! Alam mo bang gustong-gusto na kitang ihulog dyan sa hagdan?!” Literally, gusto ko na talaga siyang itapon. Bayad nya yun para sa ginawa nya. I wanna kill him. NOW.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

No Boyfriend Until He Came <3 [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon