Prologue

5 0 0
                                    

"Wag Marc!!!"sigaw ko.

"Bakit? Takot ka ba sa malalim? "Tanong niya.

"Wala na akong maapakan dyan eh!! Baka malunod ako!! "Sinigawan ko ulit siya.

"Hindi yan, Kapit ka sa akin, tiwala lang babe. "Sabi niya habang nakahawak ng mahigpit sa bewang ko.

Di naman talaga ako Takot sa malalim, ayoko lang talaga lumangoy sa ilog. Ewan ko,siguro kasi takot akong matangay ng agos.

Halos masakal ko na si Marc sa higpit ng Kapit ko.

Alam niya sigurong natatakot na ako. Kaya hinila niya akong sa may batuhan.

Basang basa kaming dalawa. Di ko maiwasang mapatingin sa kanya. Payat siya, oo,pero medyo may muscle siya, bumabakat yung abs niya sa shirt na suot niya.

Ngumiti siya sa akin at humalik sa noo.

"Oh?Ayos ka na?"tanong niya.

Di ako sumagot,shems,ang hot talaga.Tinignan ko lang siya.Napapangiti talaga ako ehh.

Di ako makapag-isip ng maayos, halos dikit na dikit ang katawan ko sa kanya.

"Alex, OK ka na? "tanong niya.

"Oo nga.Ok na ako.Ok na ok."sagot ko.

"Ang cute mo talaga. "Sabi niya Sabay kurot sa pisngi ko.

At sa di inaasahang pagkakataon...hinalikan niya ako.

Ugh sh*t.

Ang lambot ng labi. Ang.... sarap.

My (Literal) Dream BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon