Huminga ako ng malalim at dumilat, yakap ko pa rin ang Teddy bear ko.
Maya maya,may kumakatok sa pinto.
Siguradong si Cyrus yun.
Kaya naman binuksan ko ang pinto pero,hindi si Cyrus ang kumakatok.
Si Marc.
Kaya pinapasok siya sa loob.
"Bakit ka umiiyak?"tanong niya.
"Basta...wag mo na alamin."mahinang sagot ko.
Lumapit siya sa akin.
"Bakit nga?"tanong niya ulit.
Tinalikuran ko siya.Ayoko kasing malaman niya.
Isa pa,iba ang mundo ko dito.
Oo alam kong panaginip lang toh at panaginip lang si Marc.
Maya maya naramdaman kong nasa balikat ang mga kamay ni Marc.
Humarap ako sa kanya.
"Marc."sabi ko.
"Oh ano?"tanong niya.
Ang tanga ko,tinawag ko siya pero wala naman akong sasabihin,kaya nanahimik na lang ako.
Lumapit pa siya lalo.
Ang lapit.
Yumuko na lang ako.Pero inangat niya ang mukha ko atsaka nilapit sa kanya.
Yung naudlot na halik namin,mukhang matutuloy na.
Kaya naman pumikit na ako.
At maya maya pa,nagdikit na ang mga labi namin.
Lalong dumidiin ang halik niya kaya napapaatras ako.
Humihigpit ang yakap niya sa akin ganun din ang yakap ko sa kanya.
Hinawakan niya ang mukha ko habang binabaling ang ulo niya pakaliwa at ako naman pakanan.
Jusko,nasasarapan ako.
Maya maya,ako naman ang bumaling pakaliwa at siya naman pakanan.
Napaupo na pala kami sa kama ko habang di binabali ang halik.
Masyado na tong masarap,baka may mangyari sa amin kaya,bumitaw na ako sa halikan namin.
"Ayos ka lang?"tanong niya.
Pero umiwas ako ng tingin saka ko siya sinagot.
"Ok lang ako..."sagot ko.
Ngumiti siya sa akin at yinakap ako.
"Ayoko na malungkot ka,Alex.Mahalaga ka sakin eh."sabi niya.
"Ah eh bakit naman?"tanong ko.
"Kasi gusto na kita."sabi niya.
Huh?!Gusto na niya ako?!Agad?!
"Gus..to...mo ako? "Tanong ko.
"Di ka naman bingi noh? "Biro niya sabay tawa.
"Bakit? "Tanong ko ulit.
"Anong Bakit?Kailangan ko bang ipaliwanag sayo? Di mo ba maintindihan? "Sagot niya.
Jusko naman kasi, agad agad?
Atsaka panaginip lang naman toh.
Aware ako na panaginip lang toh.
"Tahimik ka? OK lang sa akin na di mo ako gusto. Kasi, baka di pa ngayon, baka bukas, next week or sa makalawa di ba? Ayoko na i-pressure ka. "Sabi niya sa akin sabay halik sa noo ko.
Nakakailan na tong si pogi ah.
Kinurot niya ulit pisngi ko.
Kaya naman inalis ko yung kamay niya sa pagkakakurot sa akin.
"Tama na, Marc. "Seryosong pagkakasabi ko.
Sumimangot siya.
"Hmmp... sino yung lalaking kasama mo sa picture?"Tanong niya sabay turo sa picture frames na nasa table katabi ng kama ko.
"Aahh,si Kean ...bestfriend ko sya. "Sagot ko sabay kuha nung frame.
Oo, may best friend ako, at di lang basta friend.
"Siya rin ang first love ko. "Sabi ko.
Nako.
Nasaktan ko ata siya, eep!
Nako? May lakad pala kami ni Kean sa makalawa.
Bigla na lang nanahimik si Marc.
"Marc.... sorry."mahinang Sabi ko.
"OK lang. "Sagot niya.
Halatang nawala siya sa mood.
Maya maya, ngumiti siya at kinuha ang kaliwang kamay ko saka hinalikan.
Nakagat ko labi ko.
"Ok lang ako babe. "Sabi niya sabay kindat.
Kaya bumitaw ako sa kanya.
"Anong babe ka dyan? "Pagsusungit ko.
"Cute mo. "Sabi niya.
Mas cute ka Marc.
Di lang talaga ako sigurado sa nararamdaman ko sayo.
Atsaka oo, mahal ko pa si Kean and isa pa, isang kabaliwan na mahulog ako sa lalaking nasa panaginip ko lang!!!
Haaay bahala na, ayoko na ring sabihin sa kahit kanino ang panaginip ko.
Mas mabuti nang sumasaya ako, kahit sa panaginip lang.
Haaay.
BINABASA MO ANG
My (Literal) Dream Boy
FanfictionIsa bang kabaliwan ang mahulog sa taong sa panaginip mo lang nakikita? Paano Kung nahulog ka na nga sa kanya? Eh paano if in-love ka na sa bestfriend mo noong una pa lang? Paano Kung nahulog ka na sa kanila pareho? SINONG PIPILIIN MO? YUNG TAONG...