Napagod na ako maglaro. Uuwi na ako. Kaya nagpaalam na ako Kay Buboy. Baka hinahanap na rin ako sa bahay eh. Nakakauhaw, Kaya bumili muna ako ng ice water kila aling Choleng.
"Aling Choleng, ice water nga. "Sabi ko, sabay about ng barya na hawak ko.Agad kong binutas ang plastic bag atsaka sinipsip ang tubig.
"Ate, isang coke nga po. "Sabi ng lalaki sa likod ko. Parang gusto kong lingunin kaso nakakahiya, pawis na pawis ako. Sa bagay, baka di naman pogi toh. Kaya nilingon ko.
Hala. Bakit, ang cute?
"Isasalin ko pa sa plastic? "Tanong ni Aling Choleng.
"Sa bote na lang po, dito ko na iinumin. "Sagot nung poging lalaki.
Kaya umupo muna ako dun sa may monoblock na nilagay ni Aling Choleng sa labas. Tinignan ko ulit yung lalaki, sh*t, ang pogi talaga.
Nakakahiya kasi halata namang fresh na fresh ang itsura niya. Di ko maiwasang tignan si kuyang pogi. Nakakailang tingin na ba ako? Never mind.
Isa pa, isa pang tingin. Pasimple ako hehe, pagtingin ko... hala. Nakatingin din sa akin. Kaya naman umiwas ako. Alangan namang makipag 'staring contest' ako di ba?
Ubos na pala yung ice water kakasipsip ko. Titig pa more. Hahaha.
"Ang galing mo pala maglaro noh? "Sabi niya.
Luh? Ako ba talaga kinakausap ni Kuyang Pogi? Namula na talaga ako.
Natawa siya, oo Natawa siya! Ang gwapo talaga oh. Ang kapal pala ng kilay neto. "Namumula ka? Flattered? "Sabi niya.
"Huh? Ako ba kausap mo? "Tanong ko.
Lalo siyang natawa.Tumabi siya sa akin habang di binabali ang pagkakatitig niya sa akin.
"Ang cute mo pala. Kaso.... amoy pawis ka. "Sabi niya.
"Anong amoy pawis? Sapak, you want? "Sinungitan ko siya.
"Ano palang pangalan mo, amoy pawis? "Tanong niya.
" Ayokong sabihin. "Mahinang sagot ko.
"May boyfriend ka ba? "Tanong niya. Kaya naman tinignan ko siya ng masama. Sabay sagot ng, "Wala."
"Eh Bakit ang sungit mo? Wala ka naman palang boyfriend? "Tanong niya ulit.
Hay. Ang pogi neto kaso ang kulit eh. Ang sarap upakan.
"Oh? Bakit? Kailangan ko bang magkaroon ng boyfriend para magsungit? "sagot ko sa kanya.
"Wala akong sinasabing ganyan. "Sagot niya.
"Alam mo, umagang umaga ang kulit mo. Pinapainit mo ulo ko eh. Di nga kita kilala kaya di dapat kita kinakausap. Pasalamat ka kuya, pogi ka. Kung hindi —"pero di ko natapos ang sinasabi ko kasi hinila niya palapit sa kanya.
Ouch.
Ang higpit ng hawak niya sa braso ko.
"Kung hindi ano? "tanong niya.
Haaaalaaaaa.
Ang bango niya. Ang bango. Nakakahiya amoy pawis ako. Yung mukha ko nakasubsob sa balikat niya.
Maya maya ,nilingon niya ako. Nagsalubong ang mga mata namin.
Etong poging toh.
"Kung hindi, sasapakin kita. "Sagot ko.
Naging seryoso siya. Sobrang lapit ng mukha ko sa mukha niya.
Pinaupo niya ako sa tabi niya at binitawan. Buti na lang binitawan niya na ako. Paniguradong namumula na ako eh. Ang baho ko pa.
"Gusto ko lang naman makipagkilala kasi naastigan ako sayo eh. Magpunas ka nga, baka matuyuan ka ng pawis, "Sabi niya Sabay dukot sa bulsa ng panyo niya tsaka inabot sa akin.
BINABASA MO ANG
My (Literal) Dream Boy
FanfictionIsa bang kabaliwan ang mahulog sa taong sa panaginip mo lang nakikita? Paano Kung nahulog ka na nga sa kanya? Eh paano if in-love ka na sa bestfriend mo noong una pa lang? Paano Kung nahulog ka na sa kanila pareho? SINONG PIPILIIN MO? YUNG TAONG...