Chapter 9:Si Kean

3 0 0
                                    

Malapit na pala matapos ang bakasyon. Kaya pala nagpaparamdam na si Kean.

Haay, si Kean. Oo si Kean.

Yung bestfriend kong di ko alam kung may pag-asa ako.Simula pagkabata kasi,nahulog na ako kay Kean.

Kasi ba naman,lagi nya akong sinasamahan nun sa playground,lalo na pag wala yung dalawa naming kababata.Si Adrian at si Giggles.

-----flashback-----

"Alexa!!!!"sigaw ni Giggles.

Nakaupo ako sa swing nun.Tinulak pa ako ni Adrian kaya nagulat na nga ako,nahulog pa.

Etong dalawa,pinagtawanan pa ako.

Tapos may dumating na batang lalaki,tinulungan akong tumayo.

Sabay sabi ng,"Bakit di ka tumayo?Akala ko pilay ka?"

Tulala lang ako sa kanya.Bilang isang five years old na bata at taong bahay,namangha ako.Ang gwapo eh.

"Ay?di sumasagot?Pilay pilay na nga,bingi pa?"sabi niya sabay tawa.

Eh di yung dalawa pinagtawanan na naman ako.

Iyakin pa ako nun.Kaya umiyak na lang ako atsaka tumayo.Nag-walk out ako pero ilang hakbang palayo lang,nakaapak ako ng jebs.

>_<

Kaya yun na nga,di na ako umiyak.Kasi humagulgol na ako.

Ang laki nung jebs eh,sakop buong paa ko.

Grabe.Umiiyak talaga ako nun.

Hanggang sa lumapit yung batang pogi.Tapos inialis niya mismo yung paa ko sa tsinelas ko na iniwan niyang nakapatong sa jebs.

Grabe talaga laki nung jebs eh,mukhang ice cream.Pula pa naman tsinelas ko nun eh di may cherry na.

Hinubad niya yung pareho niyang tsinelas saka niya isinuot sa akin.

Sabi niya akin na lang daw yun at wag na daw ako umiyak.

Di na ako umiyak nun.

May tsinelas na ako eh.

Pagkatapos nun, inabot niya yung kamay niya sa akin, nag ooffer ng handshake.

"Sorry sa asal ko kanina ah? Ako nga pala si Kean. "Sabi nung batang lalaki.

Inabot ko yung kamay niya atsaka binigay ang pangalan ko.

"Alexa."sagot ko.

"Alexa? Hmmmp.OK lang ba Kung Alex ang itawag ko sayo? "Tanong niya.

Natameme akong tumango sa kanya.

At Pagkatapos ng pangyayaring yun, nahulog na ako Kay Kean.

----balik sa kasalukuyan ----

"Oh,Kean?! Musta? "Sabi ko sabay fist bomb sa kanya.

Pero yinakap niya ako.

Nagulat ako mga kaibigan.

Tumibok ng mabilis at malakas ang puso kong tanga.Hahahaha.

Dala niya yung favorite food ko na alam niyang di ko matitiis.

Fries.

"Hala bro, akin ba toh? Salamat ah? "Biro ko.

"Kapal ni Alex. "Sagot niya.

-_-

"Syempre para sa'yo toh noh! "Biglang sabi niya sabay yakap sa akin.

Haaaay mga bes,ang bango ni Kean ,at ang tigas ng chest dahil sa muscles.

Halatang nagwowork out!!!

Grabe,kapag yakap niya ako at nakadikit ako sa kanya mas mataas pa sa heaven ang feeling. Para bang lumulutang ako sa galaxy tapos bilyong bituin ang nakapaligid sa akin.

Haaay.Ang sarap sa feeling.

"Alex?"sabi niya,na humatak sa isip ko pabalik sa realidad.Na-realize kong hinihimas ko pala yung muscle niya sa chest.

Napabitaw ako mga beshie,ang awkward!

Kaya kinuha ko na lang yung fries at tumalikod na parang walang nangyare.

"Alam mo Alex,alam kong flat chested ka,pero bati ba naman ako kaiingitan mo?"biro niya.

>_<

Nakakaloka,Buti na lang at Di niya naisip na pinagnanasaan ko siya,haha,di naman kasi talaga.

"Kitang kita sayo kanina kung gaano ka kainggit sa chest ko,hahaha, siguro naiinggit ka kasi kalalaki kong tao,eh mas malaki ang chest ko sayo.

Jusko,nanglait pa ang loko.

"Oo na!Oo na,oh ayan fries mo!Iyo na yan!"sabi ko.

Iniabot ko yung fries sa kanya sabay walk out.

Pero hinabol niya ako at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko sabay titig sa Mata ko,sino ba namang di mahuhulog sa ganun???!

"Joke lang yun,ang OA mo talaga tsk"sabi niya sa akin sabay ngiti.

Natameme sa kagwapuhan niya haayyy.

Bigla tumahimik ang paligid ko,oh baka sa isip ko lang yun.Paano kaya pag nalaman ni Kean na mahal ko siya?Magbabago kaya siya?Magiiba kaya ang turing niya sa akin?Pag nalaman niya,ano kayang magiging reaksyon niya?May gusto rin kaya siya sa akin?May pag-asa kaya ako?Oh baka matutulad lang ako sa ibang Wattpad stories na laging friendzoned kay bff na lalaki?Ang saklap mga beshie.

My (Literal) Dream BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon