Chapter 7:Balik sa Realidad

4 0 0
                                    

Alam kong hahalikan niya na ako kaya pumikit ako.

Ang bilis naman, kiss agad. NEVER MIND.

Habang inilalapit ko Ang mukha ko sa kanya naramdaman kong may mainit sa bandang tiyan ko.

Kaya napadilat ako.

"Ate, nawiwi ako. "Sabi ni Cyrus.

Cyrus?!

Napaupo tuloy ako.

Nasa kwarto ako, at sarado ang bintana. Tumingin ako Kay Cyrus, haaay, naihi siya sa kama ko.

Sa kama ko.

"Arrrrgh, Cyrus naman? "Yan na lang ang nasabi ko sa inis.

Kaya agad kong binihisan si Cyrus at pagkatapos nagpalit din ako. Pinalitan ko rin yung bed sheet ko, syempre? Alangan namang patuyuin ko yung ihi dun di ba? Ang baho nun.

Pinababa ko si Cyrus at sinabihan ko na kumain na muna ng doughnut sa fridge. Agad naman siyang bumababa.

Napabuntong hininga na lang ako habang isinasara ang pinto, dalawang beses ko nang napapanaginipan si Marc.

Saan ko kaya makikita yun? Sa Panaginip lang? Kailan ko kaya siya makikita? Kung sa panaginip lang.... haaaayyy....baka araw araw.

Kaya bumaba na ako,nadatnan kong nagwawala si Cyrus sa harap ng fridge,kaya kumaripas ako pababa ng hagdan.

"Cyrus,bakit?! "Tanong ko.

"Wala na yung doughnut ateee!! "Sigaw niya habang ngumangawa.

Teka, mukhang alam ko na Kung sino ang may sala dito...

"KENNETH!!!!! "pagalit na sigaw ko.

Pero walang sumasagot, nakailang tawag ako.

Wooh,kalma lang Alex.

"KEEEENNNEETTH!!!"muling sigaw ko.

Aba, wala pa ring sagot?

Hmmmmp.

"P*t*ng *n* KEEEENNNEETTH !!"sigaw ko, naiinis na talaga ako, ayan namura ko tuloy.

Maya maya pa nakarinig na ako ng mga yabag pababa ng hagdan, si Kenneth.

"Ano na naman ba yun? Bakit kailangan mo pa akong murahin? "Sagot niya.

"Sino kumain ng doughnut ni Cyrus? "Tanong ko.

"Aba, malay ko?! Bakit ako tinatanong mo? "Sagot niya ulit.

Pero kitang kita yung mantsa ng chocolate frosting sa ngipin niya.

"Ahhhh, ganun? "sabi ko sabay ngudngod ng mukha niya sa salamin malapit sa fridge.

"Oh,anong tawag mo dyan? Huh?"sabi ko.

Umiiyak na si Cyrus kaya binigyan ko na lang ng pera pambili ng tinapay.

Haaayyy nakoo, ang sakit sakit sa ulo nito.

Sa lakas ng pagngudngod ko sa mukha niya sa salamin, nagkabukol na pala siya.

Lagot na naman ako Kay Tomas.

Uhh bakit ako lagot kay Tomas?

Eto kasi yan, alam kong curious kayo eh. Yang si Tomas or si Papa, paboritong anak nyan si Kenneth kahit na step son niya lang. Sobrang biased niya pagdating Kay Kenneth, kahit mali sya, ako pa ang pinagalitan, ako lagi ang mali.

-------------------------

"P*tang *na Alex, ano bang ginawa ni Kenneth sayo ah? Tignan mo oh? May bukol kapatid mo oh! "Sabi niya habang kinukutusan ako.

Haaayyy mama, umuwi ka na please.

Yan ang sabi ko sa sarili ko habang umiiyak.

Nakaksawa na lagi na lang ganito.

Kaya umakyat na lang ako ng kwarto ko.

Dito na lang ako iiyak sa kwarto ko. Yinakap ko ang Teddy bear ko at humiga, matutulog na lang ako.

Kaya pumikit na lang ako.

My (Literal) Dream BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon