Chapter 4:Si Marc

5 0 0
                                    

Kinuha ko yung panyo niya at syempre nagpunas ako ng pawis. Mas pinili kong manahimik.

"Wag mong iisiping nanguuto ako. Ganyan kasi kayong mga babae eh. Pero sasabihin ko na lang ang nakita ko sayo. Ang galing mo magbasketball.Bihira yan sa babae. Daig mo ako eh. Di nga ako marunong magbasketball eh. Pero ikaw? Nagshoot ka sa ring, effortless.Kung tutuusin Mas lalaki ka pa nga sa akin eh. Nakakahiya yun noh. Daig mo pa ako."

Natawa lang ako.

"Ang dami mong sinabi.Pero di mo man lang sinabi pangalan mo. "Sagot ko Sabay tawa.

Tumawa ulit si pogi. Haaayy Ang pogi.

"Marc. "Sagot niya.

"Hmmmp,Alex."sagot ko.

"Alex?Bagay na bagay sayo."sabi niya sakin sabay ngiti.

Nako.Kung makatitig naman toh.Halos makain ko na ata buhok sa pagkakatitig namin sa isa't isa.

"Ano palang full name mo?"tanong niya。

"Uhhm,Alexandra Gomez.Eh ikaw?"tanong ko.

"Marc James Torrecampo."sagot niya.

"Saan ka pala nakatira?"tanong ko.

"Dun lang oh,sa tabi ng signage sa kanto."sabi niya.

"Bago lang kayo dito?"

"Oo.Ikaw ang unang nakilala ko rito."

"Ah,ganun?Pakilala kita kila Buboy ayun oh."sabi ko sabay turo kay Buboy.

"Uh,wag na."sabi niya sabay hawak sa braso ko.Jusko...Ang lambot pala ng palad neto,ibang iba sa akin.

"Ah eh bakit naman?Sige na.Para maturuan ka nila magbasketball masaya yun..."sabi ko.

Pero ngumiti lang siya sabay hawak sa kamay ko.Shems.Namumula na talaga ako.Naiinit na rin ang mukha ko.

"Di ako interesado sa basketball."sagot niya sabay kindat sa akin.

Ohhhh jusko.

Ang gwapo talaga ni Marc.

Dahil sa kindat na yun,huminto ang paligid ko.Ang gwapo niya kasi talaga.

Moreno.

Makapal na mga kilay.

Mapungay na mata.

Malaki ngunit matangos na ilong.

At,kissable lips.

Ang ganda rin pala ng hair neto eh.Jusko!!!!!!

"Ang gwapo mo talaga!!!"

Natawa siya ng malakas.Naibato niya nga yung panyo niya sa katatawa eh.

Hala.Masyado bang malakas yung pagkakasabi ko?Hala,oo ata.OO NGA!!!!!

"Ano ako?"tanong niya habang tawang tawa at halos mapalo yung monoblock na inuupuan namin.

"Hoy,kayong dalawa.Wag niyong gawing luneta tong tapat ng tindahan ko!"sigaw ni Aling Choleng.

"Sorry ate."sabi niya habang tawang tawa pa din.

"Bwisit toh!"sigaw ko atsaka tumayo.

"Oh?Kanina gwapo ako tapos ngayon?Bwisit ako?"biro niya.

Sasagutin ko pa siya ng maalala kong magtatanghali na pala.At baka hinahanap na ako.Lagot ako kay mommy.

Lagot na lagot ako.

Kaya tinakabuhan ko na si Marc.

"Alex!Mamaya na lang!"rinig kong sabi niya habang tumatakbo ako palayo sa kanya.

My (Literal) Dream BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon