Hinatid ako ni Kean pagkatapos naming mag-asaran at mag-asaran.Walang katapusang kaharutan ng lalaking yun.Walang kasiguraduhang pag-ibig.Naubos ko na yung fries pero naghahanap pa ako ulit ng makakain.Di ko alam kung bakit wala ang tatlo dito sa bahay.Ayoko na rin alamin mas mabuti nang matahimik kahit saglit tong bahay.Ayoko na muna magpalit ng damit.
Kinuha ko yung malaking Piattos dun sa kitchen saka umupo sa couch sabay bukas ng TV.Yari kang Piattos ka,ubos ka sa akin.
"Uy Alexaaaaaa!!!!Alexaaaaaaa!!!"
"Tao pooo??Ate Alexaaaa"
Pag silip ko sa bintana,nakita ko si Adrian at Giggles.Nak ng?Minamalas ka nga naman oh.Akala ko matatahimik na buhay ko,hindi pala.
Agad akong tumayo at lumakad patungo sa labas upang pagbuksan sila ng gate.
Paglabas ko,natanaw ko na may dalang isang balot na patatas ang dalawa.Aba ayos,may pang-fries ako.Grabe ang sweet din ng dalawang toh eh.
Pagkabukas ko ng gate,agad na yumakap sa akin si Gigs,for short ng Giggles.
Ginulo naman ni Adrian ang buhok ko.Agad ko silang pinapasok at sinara ang gate.
"Kamusta ang Australia,Gigs?"tanong ko.
Umuwi kasi si Giggles sa Melbourne noong April.Siyempre,nagbakasyon.Doon nakatira ang family ng mommy niya,bale pumupunta sila dun every summer para bisitahin yung lolo at lola niya sa mother side.
"Okay naman,Ate.Ang daming damit na binigay ni lola.Grabe di ko masususot yun lahat,"sabi niya sabay upo sa couch katabi ni Adrian.At oo,mas matanda ako sa kanila.Isang taon lang naman.
"Kaya eto may dala akong iilan para sa'yo,may dress dyan,t-shirt tsaka tank top.Mamili ka na lang or kunin mo na lahat."dagdag niya habang iniabot ang dalang paper bag.
Nahuli kong nilalantakan ni Adrian yung Piattos kaya tahimik.
"Hoy,yung Piattos ko!"sabi ko sabay pamewang at matching taas kilay sa kanya.
"Akin na toh,oh eto isang kilong patatas pang fries mo."sabi niya saka iniabot ang isang balot ng patatas.
"Alam ko kasi na mahilig ka sa patatas eh.Mashed,fries,mojos kahit potato chips walang kawala sa'yo."dadag pa niya.
Natawa si Gigs.
"Ang balak ko kasi ate,uwian ka ng imported na fries.Eh naalala ko na mas gusto mo na ikaw mismo ang hihiwa at magababalat sa patatas."sagot ni Giggles.
Pinatay ko yung TV nang biglang nagtanong yung dalawa.
"Ano?Alam na ba ni Kuya Kean?"tanong ni Adrian.
"Oo nga,umamin ka na ba?"hirit ni Gigs.
"Hindi pa nga eh."sagot ko sabay simangot.
"Nako tara,gumawa na lang tayo ng fries."pag aaya ni Gigs.
____________________________
Habang kumakain ng mainit init na fries,napansin kong iba ng ikinikilos ng dalawa sa isa't isa.
Pero di ko muna sinita at tinuloy lang ang paglamon sa masarap at malinamnam ng fries.
Isasawsaw ko sana ang fries sa ketchup na may mayonaise nang nahuli kong humalik si Adrian kay Gigs.
"Ano yun?Bakit may pakiss-kiss na kayong dalawa ah?"sumbat ko.
Pero tinawanan lang ako ng mga loko.
"Ano?Kaya na ba?"tanong ko ulit.
Tumango lamang ang mga sira ulo saka ako tinawanan.
Ang haharot.
Itunuloy ko na lang ang paglapa ng mga pritong patatas sa aking kamay.Nilasap ko ang bawat piraso habang iniisip kung paano aamin kay Kean.
Naunahan pa ako ng dalawa.Buti pa sila.Bumalik ang mga katanungan sa isip ko,lahat ng tungkol kay Kean.
"Ate,uuwi na kami."paalam ni Adrian.Napatingin ako sa kanila.
"Baka gabihin pa kami eh."dagdag ni Giggles.
"Tigilan niyo ako.Anong uwi uwi?Ang sabihin niyo magde-date kayo."biro ko.
"Di na.Ayaw na namin abutan ng dilim sa daan.Ang hirap kaya magcommute."sagot ni Adrian.
Himala,nagko-commute na ang mga rich kids.
"Oh sige,umuwi na kayo.Ingat mga bata."sabi ko.
At umuwi na nga ang mga loko.
Naalala ko yung mga damit na binigay ni Gigs.Ang bait talaga ng batang yun.
Kinuha ko ang paper bag at inisa isa ang damit sa loob.May floral dress,band shirt,may crop top din.May mga V-neck na t-shirt at may Adventure Time na tank top,yung may mukha ni Marceline,napangiti ako,sakto,favorite ko.
Marami yung mga damit na dala niya.Napapaisip na lang ako kung bakit ganung kadali sa kanya na ibigay lang lahat ng damit na binigay sa kanya.
Niligpit ko ang mga kalat at bigla na namang bumalik sa isip ko ang mga tanong.
Paano kaya pag nalaman ni Kean na mahal ko siya?Magbabago kaya siya?Magiiba kaya ang turing niya sa akin?Pag nalaman niya,ano kayang magiging reaksyon niya?May gusto rin kaya siya sa akin?May pag-asa kaya ako?
Pumasok rin sa isip ko si Marc.
Naalala ko siya bigla.Pero bakit ko pa ba siya iintindihin di ba?Panaginip lang siya.Isang panaginip lang siya.Ayoko na sana siya alalahanin pero bigla nag-flashback ang first kiss namin.
-------------flashback-------------At maya maya pa,nagdikit na ang mga labi namin.
Lalong dumidiin ang halik niya kaya napapaatras ako.
Humihigpit ang yakap niya sa akin ganun din ang yakap ko sa kanya.
Hinawakan niya ang mukha ko habang binabaling ang ulo niya pakaliwa at ako naman pakanan.
--------------end of flashback------------
Biglang bumukas ang pinto.
Tumakbo si Cyrus patungo sa akin.
"Ateeee!"sigaw niya.
Agad siyang yumakap sa akin,kasunod nito ang pagpasok ni papa na may dalang groceries kaya tumayo ako upang tulungan siya sa pagbubuhat.
"Alex yung advance na allowance mo nagasta mo na ba?"tanong niya.
"Hindi pa po."sagot ko.
"Mabuti,wag mong gagastahin yan ah."sagot ni Papa Tomas.
"Opo."pahabol kong sagot.
Paakyat na sana ako nang magtanong siya,"Bakit ang daming patatas dito?"
Paglingon ko,nakita kong ilalagay niya yung peanut butter sa fridge.
"Pumunta dito kanina si Adrian tsaka Giggles."sagot ko.
Lumakad ako pabalik sa kinatatayuan ko kanina.
"Dala nila yan,pang-fries ko daw."dagdag ko.
"Yung kapatid mo pala?Asan si Kenneth?"tanong niya.
Napatingin ako sa wall clock.
8:48 pm
"Di ko alam.Akala ko kasama niyo?"sagot ko.
Napatingin ako kay Cyrus,tulog na sa couch.
"Ako na bahala kay Cyrus,matulog ka na,Alex.Maaga enrollment niyo bukas diba?"sabi niya.
Oo nga pala,halos malimutan kong enrollment na namin bukas.
"Ah sige po."sagot ko saka derecho sa kwarto ko.
Mga kaibigan,lilinawin ko lang,di kami ganun kayaman,okay?Sa public school ako nag-aaral.Hindi rin ako maluho pagdating sa mga materyal na bagay.
Oo na boring na kung boring,nagpapakapraktikal lang naman.
Narating na pala ng mga paa ko ang aking kwarto,bumagsak ako sa kama at agarang pinatay ang ilaw.
Matutulog na ako.
BINABASA MO ANG
My (Literal) Dream Boy
FanfictionIsa bang kabaliwan ang mahulog sa taong sa panaginip mo lang nakikita? Paano Kung nahulog ka na nga sa kanya? Eh paano if in-love ka na sa bestfriend mo noong una pa lang? Paano Kung nahulog ka na sa kanila pareho? SINONG PIPILIIN MO? YUNG TAONG...