"Aleeeeeeeeeeeex!!! P***** i**!!"sigaw ni papa.
"Kailangan ka pa bang sabihan? Huh?! Nakabukas lang yang tv,nakatunganga ka na lang. Ang kalat kalat oh? Maglinis ka nga!! "
Di ko na siya tinignan, kinuha ko na lang agad ang vacuum cleaner.
Ayun si papa, umupo sa may dining area kinakain yung sandwich na ginawa ko. Kapal.
Siguro naiinis kayo kasi ganito ang trato ko sa papa ko. Di ko naman siya talaga ang papa ko eh. STEP DAD KO LANG SIYA.
"Alex, eto pala allowance mo oh. "Sabi ni papa habang nilalapag ang isang brown envelope sa table.
Oo minsan mabait yang si Tomas, ahh pangalan niya yan. Ewan ko, nasanay na lang Ako sa ugali niya. Nakakainis kasi si daddy eh, babaero. Edi sana sila pa rin ngayon ni mommy.
Oh, tapos ko na palang linisin yung kalat. Kinuha ko yung allowance ko sa table at binulsa.Gabi na pala, gabi na naman pala nakauwi si papa. Namimiss ko na si mama, nasa Canada kasi siya eh. Next year pa daw ang uwi niya.
Umakyat na ako sa kwarto ko, sinilip ko muna yung dalawang brother ko.Mga tulog na ang loko. At syempre dumerecho ako sa kwarto ko.
Haaaaayyyyyyyy.
Ang boring ng buhay ko noh? Almost 17 years of existence, Wala nang nangyaring maganda since iniwan kami ni daddy.
Sh*t.
Di na naman pala ako nagtoothbrush.
Alam ko na ibig sabihin neto.
Kakain ako ng chocolate!!! Hehe, may mini fridge ako dito sa kwarto ko, sosyal noh? Di joke lang haha.
Kain lang. Kain lang Alex .
Ano ba magandang gawin?Chocolate ang kinain ko eh, ang Sabi ng mga doctor pampadagdag ng energy ang chocolates.
Ano ba yan? Wala man lang din ako maisip gawin, ang boring talaga ng buhay ko!!!
Kung andito Lang talaga si mama, may kausap sana akong matino eh. Ilang chocolate na ba nakakain ko?
Kinapa ko yung isang pack, nice. Naubos ko na pala.
Ngayon naman, gusto ko na matulog. Parang toinks lang noh? Hahaha.
Binuksan ko ulit yung mini fridge at kinuha yung fresh milk.
Gulp gulp. Nilagok ko yung gatas.
Matutulog na lang ako. Hmmmp. Kaya nagpalit na ako ng pantulog at kinuha ang Teddy bear ko.Pinatay ko yung ilaw at pumikit.
BINABASA MO ANG
My (Literal) Dream Boy
FanfictionIsa bang kabaliwan ang mahulog sa taong sa panaginip mo lang nakikita? Paano Kung nahulog ka na nga sa kanya? Eh paano if in-love ka na sa bestfriend mo noong una pa lang? Paano Kung nahulog ka na sa kanila pareho? SINONG PIPILIIN MO? YUNG TAONG...