Habang binubuksan ko yung gate ng dahandahan,pinapankinggan ko if kanina pa sumisigaw sila mama.
Fortunately,wala akong naririnig na kahit anong sigw.Kaya nagdahandahan ako sa paglalakad papasok ng pinto ng may pumalo sa hita ko ng malakas at natumba ako.
Pagkabagsak ko,napahiga na lang ako bigla at napapikit.
Nakaramdam ako ng may parang umuuga sa binti ko.Lumalakas nang lumalakas.
"Ate!!!Ate!!!Ate,gising na dyan!!!Ate!Ate!Ate!"sigaw ni Cyrus.
Teka,si Cyrus?
Kaya dumilat ako.
Pagdilat ko,paglingon ko sa paligid ko.Nasa kwarto ako,nakasilip si papa sa pinto.
"Alex,aalis na ako.Bantayan mo kapatid mo ah."sabi ni papa sabay sara ng pinto.
"Cyrus,asan si mommy?"tinanong ko yung bunso kong kapatid.
"Nasa Canada po."sagot niya.
Napatingin ako sa oras,8:30 am.
Akala ko nandito na si mommy,nananaginip lang pala ako.
Haaayyy.
"Ate,gutom na ako."sabi niya.
"Di ka pa pinakain ni papa?"paktatakang tanong ko.
Umiling lang si Cyrus,napapikit ako sa inis.Kawawa naman tong step brother ko.Bata pa lang di na naranasang maalagaan ng magulang niya.
Kaya kinarga ko si Cyrus pababa ng hagdan at nadatnang nagwawalis si Kenneth.
Haaay ang aga aga mukha iinit ang ulo ko,ang kalat na naman sa sala.
------------------------
2 pm.
Nakita kong palabas ng pinto yung kapatid kong unggoy habang nanunuod ako ng TV."Kenneth, naman oh. Saan ka na naman pupunta?"tanong ko.
"Magbabasketball lang ako ate. "Sagot niya.
"Jusko,halos araw araw ka na naglalaro eh. Dito ka na muna oh. Alagaan mo si Cyrus. "Pakiusap ko.
"Oh tapos, anong gagawin mo? "Tanong niya.
"Kenneth naman eh, pagod na ako. Laging ako na lang ang nagaasikaso dito sa bahay. Tapos magrereklamo ka kasi mas malaki allowance na binibigay sa akin ni papa kesa sayo. Bakit di mo kaya subukang kumilos Dito sa bahay para naman may magawa ka, edi madadagdagan pa allowance mo. "panenermon ko.
"Oo na! Dada ka nang dada! "Sagot niya sabay hubad ng rubber shoes.
"Hay salamat, makakapagpahinga si ate."sabi ko habang kinakarga si Cyrus.
Abalang abala si Cyrus sa paggulo ng buhok ko habang tawa nang tawa.
"Cyrus,aalagaan ka ni kuya Kenneth,wag ka pasaway ah?"sabi ko pero yinakap niya ako nang mahigpit.
"Ayoko kay Kenneth,takot ako dun."sabi niya.
Haayy.
Kaya kinarga ko na lang si Cyrus papunta sa kwarto Ko, matutulog na lang kami.
Kawawa talaga si Cyrus, 4 years old lang siya ganito na buhay na natatamasa niya, tsk tsk.
Kaya humiga kaming dalawa at natulog na.
BINABASA MO ANG
My (Literal) Dream Boy
FanfictionIsa bang kabaliwan ang mahulog sa taong sa panaginip mo lang nakikita? Paano Kung nahulog ka na nga sa kanya? Eh paano if in-love ka na sa bestfriend mo noong una pa lang? Paano Kung nahulog ka na sa kanila pareho? SINONG PIPILIIN MO? YUNG TAONG...