Prologue
Sa panahon ngayon lahat ng bida sa mga kwento ay nagkakatuluyan sa mga taong gusto nila, samantalang ang mga kontrabida ay laging kawawa. Minsan nagtataka ako, bakit ang mga tulad nila hindi nila nakukuha ang taong gusto nila? Kasi kung tutuusin kahit na masama sila ay may sarili din silang damdamin. Akala ng ibang tao o yung mismong bida na ang isang pagiging kontrabida ay forever na magiging masama pero ang totoo nyan ay hindi. Isang way lang yun para ipakita nila sa mga tao na isa silang malakas at matatag yung tipong hindi marunong humingi ng tulong sa iba? O kaya yung tipong hindi marunong umiyak sa harap ng bida?
Pero hindi ba nila alam na ang mga tulad nila na sa tuwing nag-iisa na sila, makikita mo na lang sa isang sulok na umiiyak na pala sila. Mahirap paniwalaan pero yan ang totoo. Bakit ko nga ba nasasabi ang mga bagay na ito?
Well hindi ako isang kontrabida nung una, kung tutuusin pa nga ay humahanga ako sa mga tulad nila pero… hindi ko aakalain na darating ang araw na, magiging kontrabida ako sa isang istorya…
Masaya sa una pero sa huli ang sakit.
Ganito pala ang feeling ng isang pagiging kontrabida.
Nakakasawa.
Nakakapagod.
Kaw lagi ang talo sa bandang huli.
Pero kelan ba magiging bida ang isang kontrabidang tulad ko?
BINABASA MO ANG
I wish i was her [On Hold]
RomanceAkala ko nung una ang salitang 'forever' ay totoo pero nagbago yun lahat nung dumating 'siya'. When we broke up, i thought it was easy to move on. I thought na nakamove on na ako but there's still this 'feelings' left behind in my heart. Looking f...