Part 10

27 0 0
                                    

Part 10

“….kung alam mo lang lahat ay may dahilan. Kapag pinili daw kita may masamang mangyayari sayo…”

Anong ibig sabihin ni Brent dun? Kapag ako daw ang pinili niya may masamang mangyayari? That means someone is going to try to kill me? What a joke! Impossible naman yun no! Ano ka Chloe nasa telenobela lang ang peg? Hmm pero…

Mahal pa din kita. Nagseselos ako kapag nakikita kitang may kasamang ibang lalaki.

HA! AS IF! Maniniwala ako sa mga pinagsasabi niya. Mamaya baka trip niya akong lokohin. AYY! Hindi na pala ‘baka’ kundi talagang niloloko niya ako.

Dahil sa lalim ng aking iniisip, hindi ko namalayan na dinala na lang ako ng aking mga paa sa tapat ng room namin which is on-going pa din ang klase. Nang hahawakan ko pa lang ang hawakan ng pintuan ay bigla itong nagbukas.

“Chow-chow?” anong tinawag niya sa akin? CHOW-CHOW? Ano ako aso?! Aba’t sinusubukan ako nito ahh? Nang aakmahin ko siyang susuntukin ay agad kong binawi ang aking kamay at sabay nagkamot ng ulo ng makilala ko kung sino.

“Ikaw pala yan Evans. Akala ko kung sino ehh? Hehehe” Letche! Akala ko kung sino. OPO si Dale Evans Rodriguez ‘tong nasa harapan ko. 

“Akala ko susuntukin mo na ako. Grabe hanggang ngayon nakakatakot ka pa din” sabi nito.

“TSE! Gusto mo yata maramdaman ulit ng suntok galing sa akin ano?!” pagbabanta ko dito.

“Ohh wait lang! Chill ka lang. Heto naman parang hindi na nasanay sa akin” sabi nito at sabay ito ngumiti.

“PSH! Hanggang ngayon matatakutin ka pa din. HAHAHA!” sabay tawa ko ng malakas.

“Shhh!!! Huwag kang maingay may klase pa sa loob ohh? Mamaya marinig ka ni Miss” at sabay kinuha nito ang aking braso.

“T-teka saan mo ko dadalhin Evans?” tanong ko dito. Ano ba naman ‘tong magkakaibigan na ito ang hilig manghatak basta-basta ng tao tapos saan-saan nila dinadala.

“Sa rooftop” sabi nito habang hinahatak ako papuntang rooftop na sinasabi niya.

“Ehh? Ano naman ang gagawin natin dun?” pagtataka ko.

“Dahil namiss ko ang cute kong chow-chow, syempre magku-kwentuhan tayo” sabi nito.

Kahit kelan talaga bagay sa kanya tawagin ko siyang Joker. Hindi lang basta ngiti ipinapakita nito kundi mahilig lang talaga siyang mag-joke ng corny kung minsan guys. Yan po ang totoo. -___-

Nang makarating na kami sa rooftop ay binitawan na niya ang aking braso at saka kami umupo sa isang bench.

“Musta ka na chow-chow?” tanong nito sa akin.

I wish i was her [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon