Part 6

50 0 0
                                    

Part 6

“Huwag ka ng bumili ng pagkain. Share na lang tayo sa baunan ko” sabi ko dito. Lunch na namin ngayon at as usual kami na naman ang laman ng usapan.

Marami ang nagulat nung pagkapasok namin sa room. Pero siya hindi nagulat parang halata ang inis sa kanyang mukha. Halos lahat nga literal na nakatingin kay nerd dahil sa pagbabago ng itsura niya. Actually karamihan ay babae ang nakatingin halos tinutunaw na nila sa tingin si nerd. Para sa akin hindi naman nagbago ang itsura niya sadyang tinanggal lang niya ang kanyang makapal na glasses. Pero ewan ko ba parang nagbabago sa paningin ko si nerd. I mean yung mga kinikilos niya ngayon. Kanina nung pumasok kami sa room para niya akong tinuturing na prinsesa paano pinauna niya akong pinaupo sa upuan tapos inilapag niya yung mga libro ko sa lamesa at saka na lang siya umupo sa tabi ko. Bago pa nga siya umupo sa tabi ko inilapit niya pa ng onti yung upuan niya sa tabi ng upuan ko. Minsan nga pinapagalitan ko pa siya kasi nagpupumilit na magsulat ng notes. Tapos may sinabi pa ito sa akin na sobrang naweirduhan ako sa kanya.

“Ayoko kasi nahihirapan ka ng dahil sa akin”

Leche! Kelan pa kaya natutong bumanat itong nerd na ito? Hindi kasi bagay. YUCK. Pero syempre takot nito sa akin kaya wala siyang nagawa kundi nakinig na lang siya sa lecture habang ako hirap na hirap sa pagsusulat. Hindi naman sa nagrereklamo ako sadyang sanayan na lang yan siguro.

“Sure ka ba?” tanong nito sa akin.

Tumango ako bilang sagot sa kanya. Umupo ulit ito sa harapan ko. Nung nailabas ko na ang baunan ko, nagulat ako sa kanya dahil nakanganga ito. OO literal siyang nakanganga na para bang may hinihintay na hindi ko maintindihan.

“Anong problema mo?” pagtatakang tanong ko dito. Bigla niya isinara ang kanyang bibig at nagkanguso na parang bata. Okay ang cute niya.

“Ano ba naman yan Chloe ang slow mo naman” pagtatampo nito. ANO SABI NIYA?!

“HOY! Makasabi ka ng slow ayos ahh?! Ano ba kasi ang problema mo? Kung makanganga ka kasi dyan parang tanga” oo mukha kasi siyang tanga kanina pasalamat nga siya hindi ako tumawa ehh? PFFT. Okay deep inside tumatawa na ako. :P

“Ang hard mo talaga kahit kelan. Magpapasubo sana ako sayo” seryoso ba siya sa mga pinagsasabi niya? Ang weird niya. Ewan ko ba pero lihim ako napangiti. Okay kinikilig po ako hindi lang nagpapahalata.

“TSS. Uso kasi magtanong di ba? Nagmumukha ka kasing tanga na nakanganga dyan” kaya naman kumuha ako ng konting kanin at ulam sa kutsara at saka ko inangat ito.

“Ohh say ahh~” napanganga pa nga ako. Para tuloy akong may inaalagaan na bata na nagpapasubo.

Nung una nagulat ito tapos sabay napakamot sa kanyang batok mamaya nakita ko na lang ito na sumubo at saka ngumuya. Naiintindihan ko naman kasi na hindi siya makakain ng maayos dahil nga sa hindi niya pwede masyadong galawin yung right hand niya. Habang ngumunguya ito napansin ko ang mukha niya na may dumi sa gilid ng labi niya kaya naman ibinaba ko ang kutsara at saka lumapit sa kanya. Tinanggal ko iyon gamit ang aking hinlalaki. Mukhang nagulat ito sa ginawa ko.

“Ang gulo mo po kasi ngumuya ng pagkain” pagdadahilan ko. Bigla ito ngumiti.

“Thanks Chloe ha?” sabi nito. Nakatitig siya ngayon sa akin. Kaya naman umiwas ako ng tingin. Ewan ko ba naramdaman ko na lang ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Bwiset na nerd to ano ginawa niya sa akin?!

“Ang sweet nila”

“Oo nga! Sila ata ehh?

“In fairness bagay sila”

I wish i was her [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon