Part 11

31 0 0
                                    

Part 11

“Okay na ba yung pakiramdam mo?” tanong sa akin ni Evans habang naglalakad kami pabalik ng classroom.

“Oo okay naman talaga ako. Si Mam kasi masyadong OA”

“Ehh bakit kasi namula yang cute mong mukha?” pagkasabi niya nun ay bigla ako natigilan at tumigil din ito sa paglalakad.

“Masyado ba talagang obvious?” tanong ko habang hawak ko ang aking magkabilang pisngi.

“Oo ang cute cute mo nga ehh” sabi nito.

OHH SHIT! THIS CAN’T BE HAPPENING!!! Bwisit na nerd yun! Kasalanan niya ‘to lahat ehh!!!

“Ha-ha-ha! Thank you for the word cute Evans pero medyo nainitan lang kasi ako sa loob ng classroom natin kanina” pagdadahilan ko.

“Talaga? Ako nga medyo nilalamig na kanina kaya ako lumabas ng room ehh?” sabi nito. Well totoo naman sinabi niya malamig nga talaga ang classroom kanina.

“Baka naman may iniisip ka kaya biglang namula yang mukha mo Chow-chow” pang-aasar nito.

“TSE! Wala akong iniisip no! Like DUH!” pagtatanggi ko. Ahh! BWISIT kang nerd ka! Humanda ka sa akin mamaya!

“Tara na nga’t bumalik na ng room” at nauna akong naglakad papunta sa classroom namin. Grabe nakakahiya pala talaga yung nangyari kanina. Masyado palang obvious ang reaksyon ng mukha ko sa ngiti ni nerd.

Nang makabalik na kami sa classroom ay saktong kakaalis lang ng teacher namin.

“Chloe okay na ba ang pakiramdam mo?” bungad na tanong niya.

“Oo okay na ako. Ikaw kasi kasalanan mo ‘to” sagot ko habang inaayos ko ang gamit ko na nasa armchair.

“Ha? Bakit? Ano ginawa ko?” kaya naman napatingin ako dito. Hindi ko alam pero bakit ba napakainosente nitong tao na ‘to? O baka nagpapanggap lang na walang alam?

“Wala naman. TSE!”

“Ang sungit” rinig kong binulong niya ito.

“Anong sabi mo?!” sabi ko habang pinandidilatan ko siya.

“W-wala sabi ko may assignment tayo” uutal-utal niyang sinabi ito. HA! Akala niya huh? Takot nito sa akin.

“Talaga? Okay sige thanks. Pahiram na lang ako ng notes mo mamaya” at tumango naman ito bilang sagot.

“Sige punta lang ako CR” pagkatayo ko ay bigla niyang hinawakan ang aking kamay kaya naman ay napatingin ako dito.

I wish i was her [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon