Part 2
Andito ako ngayon sa library at pansamantalang nag-aaral. Heto naman lagi kong routine ehh? Tuwing break tambay ako sa library minsan naman nasa rooftop ako at minsan naman nakatambay sa likod ng school building namin. Haaay. Kasawa. Wala man lang makausap. Wala man lang mapagsabihan ng problema.
Simula nung dumating siya, ang babae nagpagulo sa buhay ko lahat ng paningin ng tao sa akin ay nagbago. Kaya ang lahat nilayuan ako. Minsan yung iba nakikipagplastikan na lang at yung iba naman nakikipagkaibigan lang sa akin dahil sa status ng buhay ko. Ang pagiging isang mayaman. Sa buong campus ako ang pinakamayaman dito. Paano ako kasi ang may-ari ng eskwelahan na ito at meron din kaming iba pang bussiness pero syempre in the future pa iyon.
Kaya ang ibang tao takot sa akin dahil takot mapatalsik sa eskwelahan. Ako na din ang nagkusang lumayo sa kanila dahil sa nalaman nila ang status sa buhay ko. May iba naman na gustong makipagkaibigan sa akin pero natatakot pa din ako lalo na sa ginawa ng babae na iyon sa akin. Ewan ko ba nung dumating siya parang ako ang naging masama sa paningin ng iba. Pero hinahayaan ko na lang sila sa mga pinag-iisip nila tungkol sa akin. Basta ako pa rin ang Chloe na nakilala nila nung una.
Sa totoo lang hindi naman ako ganun kasama para magpatalsik ng mga estudyante dito kung gugustuhin ko. Kahit papaano may puso pa din ako kahit na ang iba nagbago na ang pagtingin nila sa akin.
Ano nga ba ako dati? Well isa akong normal na student at hindi mo aakalain na isa akong napakasimpleng babae. Simple ako noon. Simpleng manamit at walang kamake-up make-up sa mukha. Hindi mo nga mapapansin na mayaman akong tao dahil sa pananamit at kung paano ako kumilos. Iniba ko din kasi ang pangalan ko kaya walang nakakakilala sa akin at ang akala nila isa lang akong scholar student dahil private school itong pinapasukan namin. Gusto ko kasi maging normal na student tulad nila. OO nagpanggap akong isang mahirap at ginusto din iyon ni papa para daw maranasan ko ang isang pagiging normal na student na walang status na isang pagiging mayaman.
Mahinang babae, hindi ganun katalinuhan at walang lalaking nagkakagusto sa akin dahil sa itsura ko; may suot na makapal na glasses, laging nakabraid ang buhok, medyo mataba, medyo maitim at nakabraces ako nung panahon na iyon. Pero hindi ko aakalain na sa likod ng itsura ko may nagkakagusto sa akin at dun ko nakilala si Brent.
Ngayon? Ibang-iba na ako dahil sa pangyayari na iyon. Natuto ako paano gumamit ng make-up, nag diet, nagpaputi at kung anu-ano pa ang ginawa ko sa itsura ko. Gusto ko kasi ipamukha sa kanya na mas maganda ako sa babaeng ipinalit niya sa akin.
Pinakilala ako sa lahat ng daddy ko, ang principal mismo ng eskwelahan na ako ang anak niya. Ang anak na magmamana at magpapatakbo ng eskwelahan at iba pang business in the future. Nag-iisa lang kasi akong anak ni papa. Si mama naman ay matagal ng nawala dahil sa isang aksidente. Sinadya ko talaga na magpakilala sa kanila para malaman nila kung sino talaga ako lalo na ‘siya’. Siya na kung saan nagkamali siyang sinaktan na tao.
Hanggang ngayon natatawa ako sa mga nangyayari ngayon kasi andito pa din ang mahinang Chloe. Ang mahinang Chloe na nagpapanggap na malakas at matatag kahit hindi naman.
Napabuga na lang ako ng hangin. Ang dami na palang nangyayari sa buhay ko. Gusto ko na matapos ito para bukas tapos na at wala na yung sakit.
BINABASA MO ANG
I wish i was her [On Hold]
RomantikAkala ko nung una ang salitang 'forever' ay totoo pero nagbago yun lahat nung dumating 'siya'. When we broke up, i thought it was easy to move on. I thought na nakamove on na ako but there's still this 'feelings' left behind in my heart. Looking f...