Part 8
Haaay. Isang mahabang buntong hininga ang ginawa ko. Andito na ako sa bahay ngayon at nakahiga. Grabe wala naman akong ginawa masyado ngayon pero feel ko ang pagod.
I thought na you don’t like me and I’m glad you didn’t because Chloe, mahal na kasi kita…
Mahal na kasi kita…
Mahal na kasi kita…
Mahal na kasi kita…
Okay. Ano ba dapat ang isasagot ko? Hindi ko kasi alam para ako natigilan nung panahon na iyon yung tipong nakanganga lang ako pero...
“Don’t worry I know na may pinagdadaanan ka ngayon pero I just want you to know what I feel for you Chloe. You don’t have to answer right away and I’ll wait for you…”
Yun na lang ang nasabi niya sa akin kanina. Inihatid niya ako pauwi sa bahay namin. Ang awkward nga namin dalawa kasi sobrang tahimik halos di kami nag-uusap.
Mahal kita Chloe. Mahal pa din kita…
SHEMAY! Nakakastress naman tong letcheng pag-ibig na ito. Pati si Brent sumasabay ehh?! Pero hindi ba dapat maging masaya ako kasi nalaman ko na nagseselos siya sa amin ni nerd? Pero bakit sa tuwing naaalala ko si nerd nalulungkot ako para sa kanya?
Okay aaminin ko na, andito pa din ang pagmamahal ko kay Brent but nerd is trying to conquer my heart.
Pero ako kaya yung tinutukoy ni nerd na matagal na niyang gusto? Paano kung sinasabi niya lang na mahal na niya ako dahil baka kamukha ko lang yung babae na matagal na niyang gusto?
I dunno pero kapag nandyan si nerd sa tabi ko ang saya-saya ko kasi ang sarap niyang asarin at inisin kasi napakainosente nito at nakukuha pa nga niya sumabay kung minsan sa asaran while Brent? Ibang-iba siya. Hindi kami nag-aasaran parang naging kami lang dahil gusto lang namin ang isa’t-isa kumbaga wala yung sinasabi nilang ‘thrill’ sa isang relasyon. I’m not saying anything weird, what I’m trying to say is masyado naging seryoso ang relasyon namin na feeling ko ako lang ang masaya sa relasyon namin.
Haaay. Kakastress naman ito. Gusto ko sana kausapin si daddy kaso napakabusy niyang tao. I don’t want to disturb him. Si daddy lang kasi ang sandalan ko kapag tuwing may problema ako, mapa-studies man or mapa-love man. He knows everything and dad is just there listening to what I say. He didn’t judge me nor pinagsabihan na mali ang ginagawa ko but he instead give me a wisdom of words as a father. Ewan ko ba ang swerte-swerte ko kay daddy kasi napakabait niya at napakaunderstanding niyang tao. Kaya nga kapag ako nakapag-asawa, gusto ko pareho sa ugali ni daddy. Anyway bakit asawa agad ang iniisip ko? Baliw na utak to.
Buti na lang walang pasok bukas. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag feeling ko kasi sa school impyerno paano nandun kasi siya at isama mo pa yung malanding babae na yun. Magsama-sama sila!
Anyway makapaggala na nga lang bukas.
-*-*-*-*-
Isang malakas na katok ang sumalubong sa akin umagang-umaga. Naman! Ang aga-aga pa nangiistorbo ng tulog. Kainis naman! Pagkabangon ko sa kama ay tinignan ko muna ang aking phone. 7 am. Wala naman pasok ahh? Bakit ba ako iniistorbo? Napakamot na lang ako sa ulo at binuksan ang pinto. Bumungad sa pintuan ang isa naming maid sa bahay. Okay sasabihin ko na sa inyo kung ilan ang maid namin sa bahay. Actually lima sila kasi sapat na iyon.
“Ano ba problema? Ate naman ehh? Wala naman ako pasok ngayon” sabi ko dito habang kinukusot ang aking mata.
“Ahh sorry po Mam kasi po may bisita po kayo sa baba” huh? Bisita sa ganitong oras?
BINABASA MO ANG
I wish i was her [On Hold]
RomanceAkala ko nung una ang salitang 'forever' ay totoo pero nagbago yun lahat nung dumating 'siya'. When we broke up, i thought it was easy to move on. I thought na nakamove on na ako but there's still this 'feelings' left behind in my heart. Looking f...