Part 9
Monday na ngayon at nagmumukha akong tanga na pinagmamasdan ang pagkain ko ngayon na nasa hapagkainan.
Nagising na lang ako sa realidad nang biglang may nagsalita.
“Mam okay lang po ba kayo?” napatingin ako bigla dito.
“H-ha?”
“Okay lang po ba kayo? Mukhang hindi po kasi kayo okay” sabi nito.
“H-ha?! Ahh! Naku! Okay lang ako ate hehe…” palusot ko. Well okay naman ako ehh? Sadyang natulala lang ako dahil sa mga nangyari nung isang araw.
Bakit ba ang sweet ni nerd? Bakit ganoon ang mga kinikilos na pinapakita niya sa akin? Bakit hindi na siya nagsusuot ng makapal na glasses? Bakit ang daming malalanding babae na nakatingin sa kanya? Ohh sige Chloe ang aga-aga makapagreact parang girlfriend ka na ni nerd. Selos much?
WHY DID I SAY THE WORD GIRLFRIEND?! Haaay malala na yata ako.
“I’m done” sabi ko.
Pagtayo ko sa kinauupuan ko sa dining area, bigla na lang may nagsalita.
“Ang aga-aga problemado na yang mukha mo, hindi bagay sayo Chloe”
“Hindi naman ako problemado sadyang ginugulo lang ni nerd yung utak ko- WHAT THE HELL?! ANO GINAGAWA MO DITO?!” gulat kong sinabi ito.
“Ha? Bakit ano problema sa akin?” tanong nito. SHIT! Baka isipin nito na iniisip ko siya! ASA siya no!
“Yang panget mong mukha! Teka nga! Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko. Ano ba ginagawa mo dito?”
“TSS. Ang harsh talaga” umiling muna ito at nagsalita ulit, “Syempre sinusundo ka” sabay tumingin ito sa akin.
“A-ahh…” yan na lang lumabas sa bibig ko. Letche! Sinusundo daw niya ako. Hindi niya ba alam na kinikilig ako sa ginagawa niya?
“Okay ka lang ba talaga Chloe? Namumula kasi yung mukha mo” sabi nito. SHIT! Masyadong obvious yung mukha ko! Please lang cheeks makisama ka!
“Haleeer! Ang init kasi! Tara na nga!” bigla ko na lang ito hinila palabas ng bahay namin.
Panigurado naman na dala niya ang sasakyan niya kaya naman dumiretso kami sa tapat ng gate. Tama nga ako nandito nga ang sasakyan niya. Pero teka nasaan si Kuya George?
“Si Kuya George nasaan?” tanong ko dito.
“May hinatid kasi siya. Hinatid niya si daddy” sabi nito.
“Ehh teka! Huwag mong sabihin na ikaw ang magda-drive nito? Pero hindi pa magaling yang kamay mo-“ bigla nito pinutol.
BINABASA MO ANG
I wish i was her [On Hold]
Storie d'amoreAkala ko nung una ang salitang 'forever' ay totoo pero nagbago yun lahat nung dumating 'siya'. When we broke up, i thought it was easy to move on. I thought na nakamove on na ako but there's still this 'feelings' left behind in my heart. Looking f...