Part 4
“Thank you for being there for me Jester” sabi ko dito habang nagpupunas ng mga luha sa aking pisngi. Ayun kakatapos ko lang magdrama dun sa lalaki na iyon. Andito kami ngayon sa may tapat ng locker ko medyo padilim na din. Wala ng masyadong students ang nandito.
“Ayos lang basta ikaw” sabi nito kaya napatingin ako bigla dito. Nakangiti siya. Ayan na naman yung mga ngiti niya.
“Bakit ba ang hilig mo ngumiti? Pwede ba huwag kang gumaya kay Joker?!” irap kong sinabi ito sa kanya. Hindi naman sa ayaw ko ang ngiti niya, sadyang bitter lang ako dahil naaalala ko ang ngiti ng JOKER na yun. Well because he’s involved with Brent. TSS.
“Joker? Sinong joker?” inosenteng tanong nito.
“Si Rodriguez” tipid na sagot ko dito.
“Ahh…” patango-tango ito na parang sumang-ayon.
“Uhh pwede magtanong?” napatingin ako muli sa kanya at tumango bilang sagot.
“Bakit kayo nagbreak ni Brent?” napakunot ang aking noo sa tanong niya, mukhang napansin niya ito kaya nagsalita ulit ito.
“Ahh okay lang kung hindi mo saguti—“ bigla ko pinutol ang kanyang sasabihin.
Tumingin muna ako harapan at huminga ng malalim.
“Because we’re not meant to be” tipid na sagot ko. Natahimik ito at mukhang hinihintay ang mga susunod na sasabihin ko kaya itinuloy ko ito.
“Nung umpisa ang saya-saya namin halos sinasabi na nga ng iba we’re perfect for each other. Marami ang naging boto sa relasyon namin halos wala nga akong kaagaw sa kanya kasi mababait tao noon. Brent didn’t judge my physical appearance. Hindi ako maganda noon. I was a chubby nerd that time in short a stupid weak girl. Akala ko nung una siya na ang guy para sa akin until that girl appeared. Hindi ko alam pero ang bilis ng mga pangyayari kumbaga pagkagising ko isang araw, nag-iba ang paningin ng mga tao sa akin even him. Someone told them na nagpapanggap daw ako which is right but ang mas masakit ay may nagsabi kay Brent that I used him to gain popularity. So to make the long story short, isa akong manloloko sa paningin nila” pagkatapos kong sabihin yun ay nagkaroon ng katahimikan sa aming dalawa.
Those memories again… Bumabalik. I thought that days masaya na ako at forever na ang happiness namin pero hindi ko akalain na masama pala ang maging sobrang masaya dahil sa huli nakaabang ang kalungkutan.
Haaay… Hmm wait bakit ko nga ba naiikwento ang mga bagay na ito kay nerd? Pero infairness yung sama ng loob ko nabawasan kahit papaano. Ganito pala ang feeling kapag may nasasabihan ka ng problema.
Tinignan ko ito para malaman ang kanyang reaksyon. Hindi ko ito mabasa at mukhang nakatingin lang ito sa malayo.
“It’s okay na hindi mo ko paniwalaan” pagbasag ko ng katahimikan naming dalawa.
BINABASA MO ANG
I wish i was her [On Hold]
RomantizmAkala ko nung una ang salitang 'forever' ay totoo pero nagbago yun lahat nung dumating 'siya'. When we broke up, i thought it was easy to move on. I thought na nakamove on na ako but there's still this 'feelings' left behind in my heart. Looking f...