Prologue

1K 33 0
                                    

Prologue:

VINCE

Sino ako? San ako nanggaling?

Paulit-ulit kong tinatanong sa aking sarili dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung sino ba talaga ako; kung saan ba ako nanggaling.

Wala akong maalala. Wala akong matandaan kahit na isang piraso ng alaala ko.

Amnesia. May amnesia daw ako.

Ang hirap pala nang ganito. Hindi mo alam kung saan ka nakatira at kung sino ang dapat mong puntahan.

May naghahanap kaya sa akin?

Darating pa kaya ang araw na maibabalik ang lahat ng alaala ko?

Vince. Yan daw ang pangalan ko sabi ng isang pamilyang nagmalasakit sa akin na nagpagamot sa ospital dahil iyon daw ang nakatatak sa aking likuran. Halos isang buwan akong naospital, isang taon na naninirahan sa itinuring kong pamilya ngunit nagdesisyon na akong umalis upang hanapin ang mga alaalang gusto kong malaman.

Paano ako naging ganito? Paanong nangyari ang lahat ng ito?

Darating pa kaya ang panahon na maibabalik ang aking mga alaala? O mabubuhay na lang ako sa kalasalukuyan habang nananatiling blanko ang nakaraan?

Narito na naman ako sa isang tabing dagat. Nagmumuni-muni.

Tumingin ako sa paligid at nakita kong ako lang ang nag-iisang tao dito.

Sino nga ba kasi ang tatambay sa isang tabing dagat habang bumubuhos ang ulan? Siguro ako lang.

Nakahiga ako sa buhanginan habang tinitingnan ang kalangitan. Nakakapagtaka lang dahil may mga bituin kahit umuulan. Parang ang wirdo naman ng bagay na ito pero siguro'y isang natural phenomena lang.

Habang busy ako sa pagmuni-muni habang pinagmamasdan ang kalangitan ay may nakita akong umiilaw sa itaas. Isang malakas na ilaw at parang babagsak.

Mabilis akong napatayo dahil napakabilis nang pagbagsak nito. Pabagsak sa gawi kung saan ako nakatayo ngayon.

Ano 'yon? Anong bagay 'yon? Sasakyan ba 'yon na maglalanding dito?

Baka isang eroplano na nasiraan at ngayo'y papabagsak.

Nagmadali akong tumakbo palayo sa tabing dagat pero nadinig ko na ang pagbagsak nito sa dagat. Isang malakas na pag-alon ang nagawa nito na umabot sa akin.

Lumingon ako pabalik.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat maging reaksyon ko. Napatulala na lang ako at parang tumigil ang pag-ikot ng mundo.

Naglalakad paahon sa dagat ang isang parang astronaut ang suot. Hindi kaya galing siya sa buwan? O sa ibang planeta? Bakit ganyan ang suot niya? At paanong nangyaring naglalakad siya gayo'ng bumagsak ang sinasakyan niya? Hindi man lang ba nabali ang kahti na anong parte ng katawan niya?

Natauhan na lang ako nang nasa harap ko na siya. Una niyang hinubad ang suot niya sa ulo.

"Ano ba yan, tulungan mo naman akong magtanggal nito." Ang sabi ng taong nasa loob ng suot na pang-astronaut.

Diretsahan akong napatingin sa kanya.

Isang babae. Isang napakagandang babae ang kaharap ko ngayon. S-sino siya?

"Hays. Ano ba yan, 'di mo man lang ako tinulungan ah? Pero ayos lang, tapos na rin naman ako." Ang sabi niya matapos matanggal ang kabuuan na suot niyang parang pang-astronaut.

"Sino ka?" Pambungad kong tanong sa kanya.

Ngumiti siya. Bakit sobrang ganda niya? Anong meron sa babae na 'to?

"I'm Yureka. Ikaw anong pangalan mo?" Ngumiti na naman siya. Ang ganda niya talaga.

"P-paanong nangyari. Saan ka nanggaling?"

Ngumiti ulit siya. "I am from the future."

A Time For UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon