Chapter 8

254 10 0
                                    

Chapter 8:

YUREKA

Alam kong mali pero bakit sinisigaw ng puso ko na mahalin siya? Bakit sa tuwing titingnan ko siya parang mas gusto kong piliin na mahalin siya kaysa sundin ang batas ng mundo.

Ano na lang ang mangyayari sa amin? Ano na lang ang kahihinatnan ng dalawang taong nagmahalan na nabubuhay sa magkaibang panahon?

"Alam nating walang patutunguhan ang pag-ibig na 'to." Paulit-ulit kong sinasabi habang nakaupo kami sa buhanginan dito tabing dagat.

Hindi ko alam kung bakit dito niya ako dinala sa ganitong oras. Sa isang lugar na kung saan napakatahimik at tanging ang pag-alon lang ng dagat ang naririnig namin.

"Pwede ba, na ang hindi pwede ay gawin nating pwede?" Sabi niya habang parehas kaming nakatingin sa kawalan.

"Pwede ba 'yon?" Sagot-Tanong ko. Pwede nga bang gawin natin ang isang bagay na hindi pwede?

"Pwede naman kung susubukan natin."

"Pero alam nating kahit subukan natin, wala pa ring patutunguhan 'to."

"Ikaw bakit ka ba nandito?" Nagulat ako sa tanong niyang 'yon kaya napatingin ako sa kaniya pero diretso pa rin siyang nakatingin sa kawalan. "'Di ba galing ka ng future? Sa tingin mo, anong patutungahan ng pagpunta mo sa past kung babalik ka din naman sa future."

Ano nga bang patutunguhan ng buhay ko dito sa past kung babalik lang din ako sa future? Siguro... "To Experience. Para maranasan ko ang pamumuhay dito sa past."

Ibinaling niya na ang tingin niya sa kin. "Pwede ko bang isagot na kung bakit tayo nagmamahalan sa oras na ito ay para maranasan ang magmahal?" Hinawakan niya 'yong kamay ko. "Pwede ba na gaya ng page-enjoy mo dito sa past ay ma-enjoy mo din ang pagmamahal na natagpuan mo dito?"

Napayuko na lang ako at pakiramdam ko babagsak na anumang oras ang mga luha ko.

"V-vince--"

"Wala na akong pakialam sa kung anong mangyayari sa atin sa hinaharap. Ngayon, pwede ba nating bigyan ng pagkakataon ang pagmamahalan natin habang may oras pa tayo?" Hinawakan niya ang magkabila kong braso at pakiramdam ko naghihintay siya ng sagot.

Napasandal ang ulo ko sa dibdib niya at nag-umpisa na ngang tumulo ang mga luha sa mata ko. Muli kong nakita ang pendant-clock sa dibdib ko. Malapit ng tumuro ang maliit na kamay nito sa kulay blue.

Napatigil ako sa pag-iyak. Iniangat ko ang ulo ko at tumingin sa kaniya nang diretso. Pinunasan ko ang aking luha at saka ako ngumiti. "Habang may oras pa bigyan natin ng pagkakataon ang ating pagmamahalan sa panahon na 'to."

Wala na akong pakialam sa kung anong kahihinatnan o kung anong patutunguhan ng pagmamahalan namin. Wala na akong pakialam kung ang panahon ang magtutuldok sa aming pagmamahalan. Ang mahalaga sa akin ngayon, mahal ko siya at mahal niya ko. Gusto naming bigyan ng pagkakataon ang aming pagmamahalan.

---

"Bakit hindi ka pa nagigising, ha! May pasok pa tayo, oh!" Pilit kong ginigising si Vince dahil hanggang ngayon ay nakatulog pa rin siya.

Aba. Anong oras na at baka ma-late kami sa trabaho paniguradong parehas kaming malilintikan nito!

Nagulat ako nang biglang may humila ng kamay ko kaya napa-higa ako sa comforter na hinihigaan niya ngayon.

"Ano ba naman Vince! Bumangon ka na nga diyan." Akmang tatayo na sana ako kaso kinulong ng dalawang paa niya 'yong mga hita ko para mapigilan akong tumayo.

A Time For UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon