Chapter 10:
YUREKA
Kanina pa ko iritang-irita na nakikita ko si Heimley. What on earth why he followed me?!
"Oh, uminom ka muna! Napagod ka ata sa biyahe." Sabay lapag ko ng malamig na tubig sa mesa.
Napatingin ako kay Vince na parang nagtataka sa aming dalawa. Oo nga pala, hindi ko pa pala naipapaliwanag sa kaniya lahat lahat.
Parehas silang nakaupo ngayon sa sofa at ako ay nakapamewang habang tinitingnan ng masama si Heimley. Nanggigigil na talaga ang lahat ng lamang loob ko sa kaniya.
Ngumisi siya. "Ganiyan mo ba tratuhin ang bisita mo? Ni hindi mo man lang ako ipakilala sa kasama mo ngayon." Why are you acting this way, huh?
Napabuntong hininga ako. "Heimley, si Vince..Vince, si--" Pinutol niya ang pagsasalita ko at siya na ang nagpatuloy sa pagpapakilala niya sa sarili niya.
"By the way, Bro. I'm Heimley, manliligaw ni Yureka." Like what the. Ang kapal ng mukha niya, ah.
Inilahad niya ang kamay niya at nakita ko ang pag-kunot ng noo ni Vince pero nakipag-shake hands din siya.
"Manliligaw ka diyan?! Excuse me. For how many times na kaya kitang binusted. Palagay ko..." Nagbilang ako sa daliri. "Mga 20 times na kitang binusted and for the 21st time, please tigilan mo na ako."
Ngumisi na naman siya ng nakakaloko. "Why would I do that? Ayaw kong tanggapin 'yong rejection mo. Bakit may mahal ka na bang iba?"
Napalunok ako sa tanong niya. At dahil masiyado siyang makulit, I will say the truth. "Yes."
"To whom you are inlove with?" Taas kanang kilay niyang tanong.
Ngumuso ako kay Vince. "Kay Vince. Kaya pwede tantanan mo na ako? At ilibing mo na 'yang nararamdaman mo para sa akin?"
Nakita ko ang paglunok ni Heimley ng tubig na para bang nabibilaukan. Tumingin siya kay Vince. "You? Pero..." Bumaling siya ng tingin sa akin."You are inlove with someone living in the past?"
"Yup." Sabi ko ng may pagmamalaki.
"Pero--" Hindi ko na siya pinatapos magsalita. Alam ko na ang sasabihin niya.
"Please. Don't say anyword. Just let me and Vince...to love each other until there is time for us." Tumango-tango lang si Heimley pero ramdam ko na marami siyang gustong sabihin.
"Let's eat?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
Biglang napatayo si Vince na para bang naka-feel ng awkwardness. Luh? Problema niya? Bakit siya ma-a-awkward, eh alam niya naman na siya ang mahal ko? Or baka naman galit siya?
"Ako na lang ang maghahanda ng pagkain. Maiwan ko muna kayo." Napakunot ang noo ko dahil nagmadali siyang nagpunta sa kusina para maghanda ng hapunan.
Umupo ako sa sofang pang-individual para hindi ko makatabi si Heimley. He' really annoying.
"What brings you here?" Cold-hearted kong tanong.
"Para nga sunduin ka. Inutusan ako ni Professor Willow para sunduin ka dahil hindi namin alam kung kailan ka makakabalik. And since na naisipan mong tumakas, your Dad started to improve everything sa Time Machine that's why nakapag-travel ako dito sa past kung saang panahon at saang lugar ka napadpad."
"You mean. Kaya na ng Time Machine ang mag-set ng date exactly sa panahon na gusto mong puntahan?"
"Yup."
BINABASA MO ANG
A Time For Us
Historical Fiction"I've been searching for my memories until I met a girl from the future"