Chapter 5

310 12 1
                                    

Chapter 5:

VINCE

Pagdating ko nang bahay ay hindi ko mabuksan ang pinto. Isandaang beses na ata akong kumatok pero wala pa ring sumasagot. Tulog kaya 'yong babae na 'yon? Pero dapat magising siya dahil napakalakas na ng pagkakakatok ko.

Baka naman nakabalik na siya ng future? Hindi pwede. Nasa kanya ang susi ng bahay ko kaya hindi pa siya pwedeng bumalik sa future. Paano akong makakapasok?

Napaupo na lang ako sa harap ng pintuan at saka naghintay. Paano kung bukas niya pa ako pagbuksan? Tsk. Dapat pala kinuha ko 'yong isang susi.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakita ko ang isang babaeng patalon-talon pa habang naglalakad palapit dito. Saan naman kaya siya nanggaling? Anong oras na at ngayon lang siya uuwi?

Tumayo ako at saka binungadan siya ng isang seryosong eksena.

"Anong oras na? Saan ka naman nagpupunta, ha?" Kumunot ang noo niya at saka umirap.

Bigla niyang kinuha sng kamay ko at saka tiningnan ang relo ko. "Alas siyete pa lang naman, ah? Aga-aga pa, eh."

Binawi ko ang kamay ko. "Maaga pa ba 'yong alas siyete?"

"Oo naman. Halos mag-aalas dose na nga ako umuwi sa bahay minsan, eh."

"Sa future 'yon! Iba ang panahon ngayon. Paano kung ma-rape ka diyan, ha?" Napalakas tuloy ang boses ko. Inirarason niya ang oras nang uwi niya sa future e nasa past siya. Iba ang panahon ngayon.

Akala ko mao-ffend siya sa pagsusungit ko sa kanya pero bigla na lang siyang unti-unting lumapit sa akin at saka ngumiti ng mapang-asar. Hinawakan niya yung baba ko. "'Wag mong sabihin na concern ka sa akin?"

Bigla akong napaiwas ng tingin sa kanya. Ano ba' to? Bakit parang naapektuhan ako sa pagtatanong niyang 'yon? Con—hindi! Hindi ako concern sa kanya.

Muli akong tumingin sa kanya. "H-hindi, ah! Bakit naman ako magiging c-concern sa'yo, eh hindi naman kita kaano-ano." Hanep! Bakit ba nauutal ako?

Napaatras ako nang napaatras dahil papalapit siya nang papalapit sa akin. Ano bang problema ng babae na'to? Sineseduce ata ako, eh.

Hanggang sa tumama na 'yong likod ko sa pinto. Hanep na 'yan! Wala na akong aatrasan pa. Kalakas mantrip ng babae na 'to ah.

Kung halikan ko kaya siya? Siguradong matitigil na ang panti-trip niya sa akin. Kapag naman ginawa ko iyon baka pag-isipan niya na manyak o rapist ako? Tsk!

Nakita ko ang susi na hawak niya. Kaya agad akong gumawa ng stratehiya para makuha iyon. Bigla ko siyang tinulak nang mahina at saka hinablot ang susi sa kamay niya at mabilis na binuksan 'yong pinto.

Agad kong ibinaba 'yong pinamili kong lulutuing burger at saka agad na nagbihis. Paglabas ko ay andoon na siya sa kusina at nag-aabang at nakangiti pa rin ng nakakaloko.

"Ba't ba ganyan ka makatingin, ha?" Tanong ko sa kanya.

"Wala. Ang cute mo kasi." Kumindat pa. Mukha nga ata talagang trip ako ne'to, ah. Sakyan ko nga din.

Lumapit ako sa kanya. Umupo sa tabi niya at in-eye to eye contact ko siya. Hindi ka na makakawala sa kagwapuhan ko.

Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya. "Ang cute mo din." Mahinahon kong sabi. Hinaplos ko nang marahan ang pisngi niya. "Ang cute mo..." Pinisil ko 'yong pisngi niya. "Para kang aso!Wahahaha!"

A Time For UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon