Chapter 16

227 10 0
                                    

Chapter 16:

VINCE

Muntikan na. Buti na lang at napigilan kong sabihin na namiss ko siya. Hindi niya pwedeng malaman na mahal ko siya. Hindi dapat ako makapagsabi ng mga bagay-bagay tungkol sa amin. Mas mabuti ng wala pa rin siyang matandaan tungkol sa amin para hindi na siya masaktan pa.

Mamaya ay pupunta na rin kami ni Heimley kung saan nasaan ang Time Machine. Ilang sandali na lang ay panigurado na akong maaalala ko na ang lahat at dapat na akong bumalik sa panahon kung saan ako nararapat mamuhay.

At 'yong babaeng yumakap sakin kanina. Bakit niya ako niyakap? Sino siya?

Hahanapin ko na sana si Heimley at ang babaeng umakap sa akin kanina nang makita kong magbukas ang pinto ng bahay at nakita ko ang isang lalaking naka-uniporme ng puti. Parang pang-scientist.

"Nasaan na si---" Bigla siyang napahinto sa pagsasalita nang makita niya ako. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat na ipinagtaka ko."V-vince?"

At mas lalo akong nagulat nang banggitin nya ang pangalan ko. Bakit niya ako kilala? Anong bang nangyayari sa akin?

Kanina inakap ako nung babae at sinabi niyang na-missed niya ako pero hindi ko naman siya kilala. At ngayon naman, tinawag ako ng lalaki na 'to sa pangalan ko?

Naguguluhan na ako.

"Excuse me lang po. Kilala niyo ako?" Tanong ko sa kaniya.

Hindi siya nagsalita at diretso lang na lumakad patungo sa akin. Nakatulala na para bang hindi makapaniwala na nakita ako.

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at niyugyog ang buong katawan ko. "Hindi ka multo? Buhay ka?" Naguguluhan na talaga ako. Bakit ganito ang mga sinasabi niya?

"Sir. Pero hindi ko po kayo kilala." Sagot ko ng may pagtataka.

"I-ikaw ang anak ni Professor Kyler 'di ba?" Tanong niya sa akin.

Sinong Professor Kyler? Hindi ko siya kilala. Anak niya ako? Paanong."Pasensiya na po kayo pero hindi ko po alam ang sinasabi niyo. Kailangan ko na pong umalis dahil---"

Napatigil ako sa pagsasalita nang lumabas mula sa pintuan si Heimley at 'yong babae kanina. "Professor Willow, hindi po kayo kilala ni Vince. We need some time to talk." Sineniyasan niya ako na pumunta kami sa terrace.

Nagpunta nga kaming apat sa terrace. 'Yong Professor Willow, si Heimley at saka 'yong Yumie.

"May dapat ba akong malaman?" Agad kong tanong sa kanila nang mismong pagkaupo namin.

"Vince... Ikaw ang anak ni Professor Kyler na matagal nang hinahanap. Ikaw ang kauna-unahang taong nakapag-time travel pero nagkaroon ng problema." Bungad na paliwanag ni Heimley.

Ako? Nag-time travel din ako? Ibig sabihin sa panahon ding ito ako nanggaling?

"Pero bakit wala akong maaalala sa lugar na 'to? Sa panahon na 'to?"

"Ibig sabihin nagka-amnesia ka sa past? May nangyari ba sa'yo? Naaksidente ka ba at tumama ang ulo mo? Paanong nangyaring wala kang maalala?" Tanong naman ni Professor Willow.

Naalala ko nung bumalik kami ni Yureka sa lugar kung saan ako nakita ng mag-asawa tapos sa 'di kalayuan ay may isang parang mini-forest. Hindi kaya doon bumagsak ang Time Machine na sinasakyan ko?

"Isa lang ang pwedeng nating magawa ngayon. Ang ipunta si Vince sa isang doktor na kung saan espesiyalista sa memorya ng tao. Baka matulungan niya tayo para bumalik ang alaala niya."

A Time For UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon