Epilogue

389 11 0
                                    

Epilogue:

PROFFESOR KYLER

Naging sakim ako. Inuna ko ang mga imbensyon ko. Mas binigyan kong pansin ang Phenomenon Time Travel na 'yon kaysa sa pamilya ko. Masyado akong nabulag sa kung anong kayang gawin ng teknolohiya sa buhay ko.

Akala ko tuluyan nang mawawala sa akin ang anak ko dahil sa Time Travelling na 'yon. Akala ko magiging maayos ang lahat pero dadalhin pala ako nito sa bagay na ikalulugmok ko. Masyado akong naging ganid. Masyado kong minapula ang mga bagay-bagay.

At ngayon, gusto ko nang wakasan ang pinakamalalang naging imbesyon ko. Kailangan na naming wasakin ang time machine.

"In 1 minute pasasabugin ng bomba ang lahat ng mayroon sa secret place natin , Professor. We have to go outside before it explodes." Ang sabi ni Professor Willow.

Lumabas na kami sa lugar kung nasaan ang time machine at ang mga nagpapagana dito. Wala ng rason pa para sabihin sa buong mundo ang imbensyon na 'to. Hindi ko na kailangan ng kasikatan o milyong-milyong salapi.

Dahil sa Time Machine na 'yon ay akala ko hindi na babalik ang anak ko. Pero salamat na rin sa imbensyon kong iyon, dahil kung hindi nangyari 'yon ay baka hindi ko napagtanto ang lahat. Na mas mahalaga ang pamilya kaysa sa kahit anong material na bagay.

Mula sa malayo ay hinintay namin ang pagsabog ng secret place namin.

"Tama kayo Professor Kyler. Walang silbi ang pagbalik ng tao sa nakaraan." Sabi ni Professor Kinley.

"Hindi natin dapat manipulahin ang oras. Ang nakaraan ay nakaraan at hindi natin dapat ito baguhin." Pagsang-ayon naman ni Professor Willow.

Kaming tatlo ang may pakana kung bakit nabuhay ang Phenomenon Time Travel at kami din dapat ang magwakas nito.

Tama sila.

Walang silbi ang pagbalik sa nakaraan. Hindi natin dapat pakialaman at manipulahin ang oras. Hindi natin dapat baguhin ang nangyari na dahil mawawala ang balanse ng mundo.

Sa oras na binago mo ang isang bagay sa nakaraan paniguradong marami ang maapektuhan.

'Wag nating hilingin ang pagbalik sa nakaraan. Tapos na ito at hindi na kailangan pang ibalik.

'Wag tayong magbigay atensyon sa nakaraan. Ito na ang oras para magbigay atensyon sa mga bagay na mayroon tayo; sa mga taong nagmamahal sa atin.

Sa kasalukuyan kung saan tayo nabubuhay, iyon ang dapat nating pahalagahan.

----

FIN

All Rights Reserved 2017.

Copyright ©ZilentMode

A Time For UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon