Chapter 15

225 11 0
                                    

Chapter 15:

YUMIE

Anong nangyari sa kaniya? Bakit hindi niya ako kilala? Bakit hindi niya ako naaalala? What's wrong with him?

Andito kami ngayon sa kwarto ko. Kasama sila Yureka at Heimley. Hinihintay naming magising si Vince dahil bigla na lang siyang nawalan ng malay.

"Paano mo siya nakilala, Yumie?" Tanong ni Heimley sa akin.

"Siya 'yong taong minahal ko at hanggang ngayon minamahal ko." Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Heimley.

"What do you mean? Kayo, kayong dalawa ni Vince ay--"

"No. It's just a one-sided love story." Malungkot kong tugon.

"Ow. I'm sorry to hear that."

"By the way, bakit kasam mo siya? So ibig sabihin, siya 'yong nakita mo sa panahon kung saan ka nakapag-time travel?"

"No. Si Yu--". Napatingin siya kay Yureka na tila ba may gustong sabihin. Muli siyang bumaling ng tingin sa akin. "Oo. Pero sigurado ka bang siya si Vince? Baka kamukha niya lang. Remember na galing siya sa past and he don't have any idea about here at 2090."

"No. Hindi ako pwedeng magkamali." Ipinatagilid ko ang katawan ni Vince at itinaas ang damit niya. There it is. "See? May tattoo siya likod na Vince. Siya talaga 'to. Pero bakit hindi siya makaalala?"

HEIMLEY

This is really driving me crazy.

Ibig sabihin galing din sa future si Vince.

Hinigit ko ang kamay ni Yumie.

Tumingin ako kay Yureka. "Bantayan mo muna si Vince. Kailangan lang namin mag-usap ng Ate mo." Tumango naman siya bilang pagsang-ayon.

Kailangan kong marinig ang kwentong alam ni Yumie at kailangan ko din sabihin sa kaniya ang lahat.

Hindi pa pwedeng malaman 'to ni Yureka. We need to settle everything bago ipaalam sa kaniya. We need everything to be understood.

"Tell me about everything. I don't get it. Kailangan kong mapakinggan ang buong kwento simula't sapul." Diretsahan kong sabi kay Yumie nang makalabas kami sa kwarto niya.

"Sabihin mo muna sa akin kung bakit hindi niya ako kilala. Kung bakit wala siyang maaalala?" Muli kong hinigit 'yong kamay niya at doon kami nagpunta sa terrace nila.

"May amnesia siya."

Nakita ko ang pagkagulat sa kaniya at ang pangingilid ng luha niya. "A-amnesia? P-pero paanong?"

"Nakita ko siya sa past kung saan ako nag-travel. He was with Yureka."

"K-kasama niya si Yureka sa past? Pero bakit?"

"I don't know. Siguro dahil siya 'yong taong tumulong kay Yureka para mabuhay sa past. May amnesia siya kaya nangako kaming dalawa ni Yureka na tutulungan namin siya para mabalik ang mga alaala niya and the only way to that is para mag-time travel siya sa panahon kung saan hindi pa siya nagkaka-amnesia. It was all planned na tatlo kaming sabay-sabay babalik dito sa future but came an accident at namatay si Yureka sa past. Dinala ko siya dito sa future to fulfil a promise pero hindi ko akalain na ganito...na galing din pala siya sa future."

What a great coincidence.

"Now tell me about him. Paanong nangyaring napunta siya sa past?"

A Time For UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon